SUMAGITSIT ang mga gulong ng sasakyan ni Gabriel sa tindi ng impact ng pagpreno niya. Kung hindi siya nakasuot ng seat belt, malamang ay sumubsob na siya sa dashboard.
Mayroon siyang business deal sa isang restaurant sa Buenavista. Palabas na sila ng kliyente niya roon nang hindi sinasadyang nakita niya si Dr. Estanislao, ang ob-gyn ni Althea. Papasok naman ito sa naturang establisimyento.
Kinumusta nito sa kanya si Althea. Tila hindi natural ang pagkakatanong nito kaya ipinasya niyang magpaiwan at kausapin ito.
Tila bombang sumabog sa harap niya ang sinabi ng doktor...
"Her life is in danger subalit mapilit siya. She doesn't want to give up your child."
May komplikasyon daw ang pagbubuntis ni Althea dahil mahina ang puso nito. She had heart disease. They had to take out the child or else she would die.
Nanghina siya sa nalaman. "Wala po bang ibang paraan, Doc?"
Marahang umiling ito. "Milagro na lamang ang maaaring makapagsalba sa buhay ng mag-ina mo. Tatlumpung porsiyento lamang ang kasiguruhan na mabubuhay siya. Kailangan mong mamili ng isa sa kanila..."
He drove home like a madman. Halos paliparin niya ang sasakyan niya. Why did she do that? She didn't even consult him.
Dali-daling tumakbo siya papasok sa kabahayan. Sa pagmamadali ay muntik pa niyang mabangga si Yaya Andeng. Tinakbo niya ang silid nilang mag-asawa ngunit wala si Althea roon. He had an idea where she was. Binuksan niya ang kanugnog na pinto. They had converted it into a nursery.
Natigil siya sa akmang pagpasok nang marinig ang tinig ng kanyang asawa.
"And you know what, baby? Your daddy is very handsome. The most handsome man I've ever seen in my entire life. He's like a prince." Bumungisngis ito. "I'm not being biased, baby. I'm just telling the truth."
Sumilip siya at nakitang nakahiga si Althea sa kama habang hinihimas ang tiyan nito.
"Ang suwerte ko nga, anak, eh. Kasi, ako ang pinakasalan ng daddy mo. He's thoughtful, kind, and caring." Sumilay sa mga labi nito ang isang napakagandang ngiti. "Your daddy loves you, baby. And I love you, too."
He fought the urge to run to her.
"I loved your dad the first time I saw him. Oo, anak, na-love at first sight ang mommy mo. Unang beses na nakita ko siya, alam ko na agad sa sarili ko na mahal ko na siya." She was misty-eyed. "Masuwerte ako kahit hindi ako mahal ng daddy mo. At wala akong pinagsisisihan sa loob ng walong taon na minahal ko siya. At lalong wala akong pinagsisisihan na pinili kong ipagpatuloy ka. Mahal na mahal kita, anak... Kayo ng daddy mo. Hindi ako natatakot mawala because I'm sure daddy will take care of you."
Parang sasabog ang puso niya sa tindi ng emosyon. Nahiya siyang bigla sa sarili niya. Ang sama-sama niya. Gusto niyang lapitan ito at yakapin. To reassure her that he cared for her. That he had fallen in love with her.
"Alam mo ba ang pangarap ni Mommy, baby? I dream of your dad's smile everyday. Sana ay mapapangiti mo ang daddy mo araw-araw. Ang isa pang pangarap ko, anak, sana ay maging masaya ang daddy mo. And when I die, he will be happy because he can now marry the woman of his choice. Hindi ako nag-aalala dahil alam kong pipiliin niya ang babaeng magmamahal sa kanya at sa 'yo. Pangarap ko rin na mahalin siya at mahalin din niya..." She wiped her tears away. "I'm happy now. my dream came true. God gave you to us, baby. You just made my wishes came true."
He couldn't stand it anymore. Tila siya nauupos na kandila na napasandal sa dingding. Kapagkuwan ay dumausdos siya paupo sa sahig. Nag-unahan sa pagpatak ang mga luha niya. His heart was breaking. Noon lang niya totoong na-realize kung gaano siya kasuwerte. At noon lang din niya na-realize kung gaano siya kasama.
Bumalik sa isip niya ang lahat-lahat ng ginawa niya kay Althea. All the pain he had caused her—physical, verbal, mental, and most of all, the emotional pain. Ang pinakamasakit pa niyon, wala itong binanggit na anuman sa mga iyon. Tila walang anuman dito ang lahat ng sakit na idinulot niya rito.
He heard her speak again.
"If your dad ever loses you, he will surely be devastated. Hindi niya kakayanin. But if he were to lose me, he wouldn't mind it. I can't afford to see him sad. Ayokong makita pa uli ang lungkot at sakit sa mga mata niya. You will make him smile every day. Mamamatay akong maligaya, knowing that everything will fall into the right place. I love you, baby. I love you and your dad."
He couldn't stand it anymore. Tumayo siya at lumabas ng bahay. Lumulan siya sa sasakyan niya at pinaharurot iyon palayo.
Gulong-gulo ang isip niya. He was a monster. He didn't deserve someone like Althea. Wala siyang karapatan sa kahit kaunting pagtingin mula rito. Yet he still loved her. Yes, he had fallen in love with her. Marahil ay noon pa mang unang beses na makita niya ito o noong unang beses na halikan niya ang kamay nito.
Nanlalabo ang paningin niya dahil sa mga luha.
Paano pa niya maitatama ang lahat? Paano pa niya aayusin ang mga nagawa niyang kasalanan? Hindi niya kayang mawala ang kanyang anak, ngunit hindi rin niya kakayaning mawala si Althea.
Gulong-gulo ang isip niya. Tuloy, sa biglang pagliko niya ay hindi niya nakontrol ang manibela. Sumalpok siya sa kasalubong niyang kotse. Then everything went blank.
Note: May humihiling ba na sana tigok na lang si Gabriel? Hahaha! Wag naman guys antayin muna natin yung full redemption! Give him a chance! 😂
BINABASA MO ANG
MORE THAN I FEEL INSIDE
Romance"Whatever happens, even if my heart stops beating, it will not stop from loving you." Unang beses pa lamang na nagtama ang mga mata nila, alam na ni Althea na umiibig na siya kay Gabriel. At wala na siyang ibang pinangarap kundi ang maging kanya ito...