X

8.8K 180 2
                                    


Two months later

NAPAKAPIT nang mariin si Althea sa balustre ng hagdan. Nahihilo siya at tila hinahalukay ang kanyang sikmura. Binitiwan niya ang hawak na pamunas at tumakbo patungo sa banyo. Muntik pa niyang mabunggo si Yaya Andeng na papasok naman sa sala.

Paluhod na sumubsob siya sa toilet bowl at doon nagduduwal. Kape lamang ang inalmusal niya kaya hirap na hirap siyang sumuka. Maasim ang kanyang panlasa.

Ilang saglit din siyang nakalupasay sa tiled floor bago siya dahan-dahang tumayo. Lumapit siya sa lababo at nagmumog at naghilamos siya. Kapagkuwan ay kumuha siya ng towel at nagpunas ng mukha.

Paglabas niya ng banyo ay nasalubong niya si Yaya Andeng. "Ano'ng nangyari, Althea?" tanong nito.

"Nahilo po ako, Yaya," sagot niya.

"Ayos ka na ba?" Sinalat nito ang noo niya.

"Naduwal po ako. Hindi ko nga po alam kung bakit bigla na lang akong nakaramdam ng pagkahilo at pagkaduwal."

Saglit na napaisip ito. "Ano ba'ng kinain mo?"

Umiling siya. "Uminom lamang po ako ng isang tasang kape."

"Nahilo at nagduwal ka ng ganito kaaga?" Tumikhim ito at tumingin nang deretso sa kanya. "Dumating na ba ang buwanang dalaw mo, hija?"

She froze. Come to think of it, she didn't have her period that month. In fact, her period was two weeks late! Could it be possible that she...?

Happiness began to fill her heart. Kung totoo ngang nagdadalang-tao siya, isa iyong napakagandang balita.

She went to the sala and pick up the phone. She was going to call her mother.

MALAYO pa ang sasakyan ni Gabriel ay tanaw na niya ang mga sasakyan na nakaparada sa labas ng bahay nila. Inihimpil niya ang black Subaru niya sa likod ng gray Hummer H2 ng mga magulang niya.

Pagkaibis niya ng sasakyan ay tuloy-tuloy na pumasok siya sa loob ng bahay. Agad na sinalubong siya ng kanyang ina.

Napakunot-noo siya. What was her mother doing in his house? Gabing-gabi na. Lalo siyang naguluhan nang makita rin sa sala ang daddy niya, maging ang mama at papa ni Althea.

"May problema ba?" He asked, addressing no one in particular.

Nakayuko si Althea. Tila sinasadyang huwag siyang tingnan.

Nilapitan siya ng mama niya at mahigpit na hinawakan ang mga kamay niya. "Hijo..." Tila sadyang ibinitin nito ang kung anumang dapat sabihin sa kanya.

"Mom, Dad, I don't understand—"

"Your wife is pregnant!" his mom said, cutting him off.

He froze as realization dawned upon him. Gulat na napatingin siya kay Althea. Nakatingin din ito sa kanya, her eyes full of worry.

"You've made me the happiest old man in the world, son," anang papa ni Althea. Tumayo ito at niyakap siya.

"'Wag mo namang solohin ang kasiyahan, kumpadre. Kami rin ay maligayang-maligaya," pakli ng kanyang ama.

"Congratulations, hijo," bati ng mama ni Althea.

Tulala pa rin siya at hindi makahuma sa mga nangyayari. Kahit nang hilahin siya ng mama niya papunta sa komedor ay hindi pa rin niya alam kung paano magre-react. Everybody was so happy and excited and he couldn't do anything but go with the flow.

Maraming pagkain ang nakahanda sa mesa.

Magkatabi sila ni Althea ngunit hindi sila nag-usap. Tila naman hindi iyon napansin ng mga magulang nila na abalang-abala sa pag-uusap.

MORE THAN I FEEL INSIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon