VI

7.3K 161 4
                                    


MAGKASAMA sina Althea at Gabriel sa buong durasyon ng party. Kahit minsan ay hindi umalis sa tabi niya ang kanyang asawa at gustong-gusto naman iyon ni Althea. Sa ganoong pagkakataon lamang niya ito nahahawakan, nayayakap, at nahahalikan. Sinusulit niya ang bawat sandali ng mga ganoong pagkakataon.

For him, the occasion was just an avenue for her to showcase her excellent acting skills. But for her, this was the only time where she could show him how she truly felt about him.

Tulad ng dati, napapansin niyang sadyang nagpapakalasing ito nang hindi nahahalata ninuman maliban sa kanya. Maging ang simpleng paggalaw ng mga mata nito ay napapansin niya. Nothing about him went past her.

Kung maaari lamang ay hawakan niya ang kamay ng orasan upang tumigil na iyon sa pagtakbo. She wished she could hold his hands forever. She wished she could stay by his side for eternity.

Marami ang lumalapit at bumabati sa kanila. Karamihan ay mga kaibigan nito at family friend. Ang ilan naman ay business associates. He gladly introduced her to them. It was all just part of the act, of course.

She felt a bit cold nang mapag-isa uli sila. Akmang yayakapin niya ito nang lumapit sa kanila ang mga ina nila.

"Althea, come with us," anang mama niya.

"We want to introduce you to some of our new friends," nakangiting dagdag ni Mommy Ivy. "Gusto kong ipagmalaki sa kanila ang maganda kong manugang."

Bumaling siya kay Gabriel. Nagbabanta ang tingin nito pero ngumiti ito at sinabing, "Sure, baby. Don't worry about me." He gave her a quick smack on the lips.

Nagkangitian sa isa't isa ang kanilang mga ina.

Tulala pa rin siya habang nakaabrisete sa magkabilang braso ang mama at mommy niya.

She was introduced to several women. Karamihan ay kaedad o mas matanda pa sa dalawang ginang.

Pagkalipas ng ilang minuto ay nagpaalam siya saglit sa mga ito. Ang totoo ay hahanapin niya si Gabriel. Marahil ay nagpapakalunod na ito sa alak.

Palinga-linga siya sa paligid nang may magsalita sa likuran niya.

"Looking for your husband?"

She took her time in facing him. Kilala niya ang boses na iyon kahit hindi niya ito tingnan. It was Ylac Villamayor. Kababata niya ito at maituturing na pinakamatalik na kaibigan.

"Have you seen him?" tanong niya rito. She managed to look into his eyes.

"'Saw him awhile ago, drinking himself to death." Masuyong hinagod siya nito ng tingin. "You're as beautiful as ever, even though you look pale."

She couldn't find the right words to say. "How are you?"

He smiled broadly, the devastatingly devilish smile na kinababaliwan ng lahat ng mga babae. No woman ever survived his smile except her.

"Katulad pa rin ng dati," anito, matabang na ngumiti.

Napayuko siya sa tinuran nito. Nang mag-angat uli siya ng tingin dito, she had a genuine smile for him. "You look good."

Muli itong ngumisi. "Yeah, but that's not enough for you."

She felt uneasy. "Ylac—"

"I know, I know..." tumatawang putol nito sa kanya. "I'm just kidding." Inilahad nito ang kamay sa kanya. "C'mon, let's dance."

Nag-aatubiling tinitigan niya ang nakalahad na kamay nito. Hindi iyon ang unang beses na mahahawakan niya ang kamay nito. They had been friends for the longest time.

"Magsasayaw lang tayo. Please... for old times' sake." Nakikiusap ang tingin nito.

She put her hand on his. Tila siya nakaramdam ng kapanatagan nang maglapat ang mga kamay nila. It had been years since they last held each other's hands like that. She felt a familiar calmness. Ang init na dulot ng kamay nito ay tila balsamong humahaplos sa buong pagkatao niya.

Para na niya itong kapatid. Well, on her part, iyon ang nararamdaman niya. Wala siyang ibang pinagkatiwalaan gaya ng pagtitiwala niya rito.

Sa halip na pumunta sa dance floor, nanatili lamang silang nakatayo roon habang magkahawak-kamay.

"You can tell me all about it, Thea," anito kapagkuwan.

She saw fondness in his beautiful brown eyes. "Thea" ang palayaw nito sa kanya. Walang ibang tumatawag sa kanya ng ganoon kundi ito lamang.

She was about to speak when she heard Gabriel's voice.

"Althea!"

Gulat na binawi niya ang kamay niya at agad na lumingon kay Gabriel. She saw fire in his eyes. Hindi rin niya alam kung paano lalapit dito.

"Vasquez," usal ni Ylac.

Naglakad palapit sa kanila ang kanyang asawa. "Villamayor."

Nagsukatan ng tingin ang dalawang lalaki. Walang sinuman ang nag-iwas ng tingin. Hindi naman niya malaman kung paano magre-react nang hindi nakakakuha ng atensiyon.

"Gabriel, we were just—"

"I'm not asking for your explanation, Althea," hindi tumitingin sa kanyang wika nito.

"You have a nice, sweet way of talking to your wife, Vasquez," naniningkit ang mga matang sabi ni Ylac.

"Wala kang pakialam kung paano ko kausapin ang asawa ko." Kitang-kita sa mukha ni Gabriel ang labis na pagpipigil nito ng galit. "At tama ang sinabi mo, Villamayor. Wife. My wife. Might as well get your own wife para hindi ka na nakikiapid pa sa asawa nang may asawa."

Napasinghap siya sa direktang akusasyon na pinakawalan ni Gabriel. Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa dalawang lalaki, kapagkuwan ay luminga siya sa paligid. Nakahinga siya nang maluwag nang makitang hindi naman sila nakakuha ng atensiyon. It seemed like everybody was minding their own business.

Magsasalita sana siya pero naunahan siya ni Ylac.

"Oh, don't be jealous, Vasquez. Althea and I were just catching up, for old times' sake." Nang-uuyam ang ngiting pinakawalan nito. Tila tuwang-tuwa ito sa nakikitang pagtatagis ng mga bagang ng kanyang asawa. "We have a great past after all. Hindi naman siguro masama kung mag-uusap kami."

Literal na napigil niya ang hininga habang hinihintay ang sagot ni Gabriel.

"Well then, I hope you had a great time catching up," her husband said coldly.

"Yeah, absolutely," ani Ylac na hindi pa rin nawawala ang nakakalokong ngiti sa mga labi. Kahit kailan talaga ay walang pinangingilagan ito. Ylac always had a teasing personality.

"Good," ani Gabriel. Hindi lang ang tinig nito ang kasinlamig ng yelo kundi maging ang mga mata nito. "I'm afraid you have to continue catching up some other time. Kailangan na naming umuwi." Agad na hinawakan siya nito sa palapulsuhan at hinila palabas ng El Palacio.

Isang nagpapaumanhing tingin ang iniwan niya kay Ylac.


MORE THAN I FEEL INSIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon