XVI

9.1K 166 2
                                    


GABRIEL opened his eyes. Agad na bumangon siya nang ma-realize niyang mag-isa na lang siya sa kama. Ngunit napahiga uli siya nang sumakit ang kanyang ulo.

Nasaan si Althea?

Nasagot ang tanong niya nang bumukas ang pinto at pumasok si Althea. She was smiling brightly. His world suddenly lit up, as if a ray of sunshine had entered the room. May bitbit itong paper bag. Kasunod nito si Yaya Andeng. Inilapag nito sa side table ang mga bitbit.

Kahit nahihirapan, sinikap niyang bumangon. Paglapit nito sa kanya ay agad na kinabig niya ito at niyakap nang mahigpit.

"Gab..."

He looked at Yaya Andeng. The old woman's eyes were beaming with happiness. Pinahid nito ang gilid ng mga mata nito. Yaya Andeng was looking at them contentedly.

"Mauuna na ako sa inyo, mga anak," paalam ng matanda.

Kumalas si Althea sa pagkakayakap sa kanya. "Pero... Akala ko po ba, Yaya—"

"Kaya mo nang alagaan ang asawa mo. Makakagulo lang ako sa inyo." Ngumiti ito nang makahulugan.

"Si Yaya talaga," namumulang sabi ni Althea.

"Oo nga naman, baby. Makakaistorbo lang si Yaya sa atin." Pilyong kinindatan pa nito si Yaya Andeng na lalong nagpamula kay Althea.

"O, siya, sige. Maiwan ko na kayo."

Pagkalabas ni Yaya Andeng ay agad na inabala ni Althea ang sarili sa paghahanda ng pagkain niya. Hindi ito tumitingin sa kanya habang ginagawa iyon.

Nagtimpla ito ng gatas at ibinigay iyon sa kanya.

"Milk? But I don't drink milk, baby," sabi niya.

Kumunot ang noo nito. "But you have to," seryosong sabi nito at iniabot ang mug sa kanya.

"All right, all right. You win. I'm going to drink this. Just don't stare at me like that again." Nagsasayaw pa rin ang mga mata nito sa katuwaan.

Kumunot ang noo nito.

"You were looking at me as if you were ready to spank me if I didn't obey you."

"No, I wasn't."

"Yes, you were." He drank the milk. Hindi niya inilapag ang mug hangga't hindi niya ubos ang laman niyon.

Pagkatapos niyang uminom at ibaba ang mug ay bigla itong tumawa. Siya naman ang napakunot ang noo.

"May gatas ka sa ibabaw ng bibig mo," paliwanag nito. "Mukha ka tuloy may puting bigote. You look so funny and boyish, just like the first time I saw you." At muli itong tumawa.

GABRIEL was stunned. Nakatulala lang siya kay Althea. Every woman would pale in comparison to her. Hindi na marahil siya mabubuhay nang hindi nasisilayan ang pagtawa nito. Nanigas siya nang bigla itong lumapit sa kanya at punasan ang itaas ng bibig niya. Hindi niya magawang alisin ang mga mata sa magandang mukha nito.

She was talking but he didn't understand a word she said. Mas nakapokus ang atensiyon niya sa bawat paggalaw ng bibig nito.

"Gab, naiintindihan mo ba ako?" untag nito.

"Nope," pag-amin niya.

"Oh, all right. I'm gonna say it ag—"

Hindi na niya ito pinatapos sa sinasabi nito. He pulled her on top of him and kissed her senseless.

SINUNDAN ni Althea ang paggalaw ng mga labi ni Gabriel. They shifted positions. She was now under him. He was unstoppable, she couldn't even protest.

For goodness sake', they were inside a hospital room! They were making out on the hospital bed.

Bumaba ang mga labi nito sa kanyang leeg.

"Gab, we're in the hospital. At hindi ka pa magalin—" He shut her up with a kiss.

"Who says I'm not well?" He sexily asked against her mouth. "As a matter of fact, I can make love to my wife the whole day."

She gasped at the intensity of his desire. Tila siya nasa isang ilog at tuloy-tuloy sa pag-agos. He explored her silky skin. His hands were burning against her flesh.

"Kiss me back, baby."

And so she did.

He pulled her up and she ended up straddling him.

She was burning with passion. She was about to explore him when she heard knocks on the door. Tila hindi iyon naririnig ni Gabriel. He just continued nipping her shoulder blade.

Kinailangan pa niyang itulak ito palayo para lang patigilin ito sa ginagawa. Humihingal na lumayo siya rito at inayos ang kanyang sarili. Tila ito man ay nagulat din sa intensidad ng lovemaking nila.

Lumakas ang mga katok sa pinto. She went to the door hurriedly and opened it. Isang nakakunot-noong nurse ang napagbuksan niya. She could not return her gaze. She was guilty. Si Gabriel naman ay kampanteng-kampanteng sumandal sa headboard ng kama.

MORE THAN I FEEL INSIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon