NAPAPANGITI si Gabriel sa bawat pagngiti ni Althea. She was a sight to behold. Kausap nito ang kanilang mga ina at ang ate niya—ito ang naghahanda ng mesa—na umuwi galing ng States. They were having a small family gathering.
Ilang saglit pa ay magkakaharap na sila sa bilog na mesa.
"So, how is it going, Althea?" tanong ng ate niya.
"I'm doing good, Ate Fhey," sagot nito at saglit na tumingin sa kanya.
"Inaalagaan ka bang mabuti ng asawa mo, ha, hija?" tanong naman ng mama niya.
It was his turn to look at her. She also looked at him. Tila may hinihintay itong gawin siya.
He groaned inwardly when he realized what it was. Hinihintay nito na tapakan niya ang paa nito.
He smiled at her instead.
"Inaalagaan po akong mabuti ni Gab." She smiled back at him at tila tumigil sa pag-inog ang mundo niya. "In fact, he's always there, masyadong nag-aalala."
Pagkatapos kumain ay niyaya niya itong maglakad-lakad. Halos limang buwan na ang tiyan nito ngunit hindi pa iyon gaanong malaki. Maliit magbuntis ito. She looked pretty amazing, too. Pregnancy really suited her.
He laced his fingers with hers. Natigilan ito at napatitig sa magkadaop na mga kamay nila. Inilibot naman niya ang paningin sa paligid, pretending not to notice the puzzlement on her face.
"Baby, what do you want our child to be?" tanong niya rito kapagkuwan.
Nanlalaki ang mga matang napatitig ito sa kanya. Tila ba tinubuan siya ng mga pangil at sungay. It must be the term of endearment he used. He smiled and repeated the question.
Tila naman nahamig na nito ang sarili. "Kahit ano... Babae man o lalaki ay mamahalin ko siya. Ikaw, ano ba ang gusto mo?"
"Sana babae. Para kasingganda mo. Pero ayos lang sa akin kahit ano. Alam ko namang aalagaan at mamahalin mo siya."
He saw a strange emotion in her eyes, something like sadness? He touched her face. She trembled beneath his touch. Dahan-dahan niyang ibinaba ang kamay niya.
"Althea, are you afraid of me?" he asked softly.
Umiling ito. "I never feared you, not once."
Tila balsamong humaplos sa puso niya ang sinabi nito. His hopes soared. Her voice, which was filled with sincerity and love gave him a reason to hope that she might still be in love with him.
Biglang umihip ang malakas na hangin. Agad na niyakap niya si Althea. Iyong uri ng yakap na nagpaparating ng lahat ng nararamdaman niya para dito. Hindi pa siya sigurado kung mahal na talaga niya ito. But surely he was on his way.
Ipinatong niya ang baba niya sa ibabaw ng ulo nito. He could feel her shaking and he knew she was crying. He would never ever exchange this moment for anything in this world.
HINDI alam ni Althea kung nararamdaman ni Gabriel ang pagluha niya. She was crying but it was because she was happy. Noon pa niya pangarap na pahalagahan siya ni Gabriel. At ngayon ay nararanasan na niya iyon, kahit pa nga dahil lang iyon sa anak nila. Masaya na rin siya kahit paano.
She would die happily. Lilisanin niya ang mundong ibabaw na walang pangamba. Sigurado siyang mamahalin at aalagaan ni Gabriel ang anak niya.
Thank you, Gabriel. I love you...
BINABASA MO ANG
MORE THAN I FEEL INSIDE
Romance"Whatever happens, even if my heart stops beating, it will not stop from loving you." Unang beses pa lamang na nagtama ang mga mata nila, alam na ni Althea na umiibig na siya kay Gabriel. At wala na siyang ibang pinangarap kundi ang maging kanya ito...