"O, GABRIEL, napatawag ka yata?"
Mas lalong lumala ang anxiety at pag-aatubili ni Gabriel ng marinig ang boses ng mama niya sa kabilang linya. Wala kasi siyang maisip na ibang pwede niyang pagtanungan. Kaya nilakasan na niya ang loob niya.
Don't be such a coward, Gabriel.
"What do uh... pregnant women likes?"
"Ano, hijo?" malakas na bigkas ng mama niya sa kabilang linya. "Hindi kita maintindihan. Linawan mo nga ang pagsasalita mo."
He chuckled. "Sorry, ma. I just want to know kung ano ba ang gusto ng mga buntis na babae."
"Oh, goodness! Akala ko naman kung ano na. Well, the usual."
Natawa na ng tuluyan si Gabriel habang kinakamot ang batok niya. His mother wasn't being very helpful. "Ma, I don't know the usual thing pregnant women likes. That's why I'm asking you."
"Hay, oo nga naman. Well, maaasim kalimitan ang gusto ng mga buntis. Mangga."
Mabilis na isinulat ni Gabriel ang sinabi ng mama niya. "Ano pa?"
"Well, you better ask Althea what she likes. Kung ano ang pinaglilihian niya. Pasalamat ka nga at hindi ikaw ang pinaglilihian niya. Kung hindi, hindi ka gugustuhing makita at makatabi ng asawa mo."
Well, even when he was evil to her, she still likes to see him, mapait na naisip niya.
"Sige na, Ma. Tatanungin ko na lang si Althea."
"Okay, hijo."
Nang maibaba ang telepono at muling mapag-isa sa katahimikan ng office niya ay humaplos na naman sa puso niya ang kakaibang pakiramdam. Na para bang may kung anong pumupuno sa dibdib niya. Nagsimula niyang maramdaman iyon noong malaman niya na buntis si Althea. It was new to him. But he liked it.
He's truly going to be a father.
SUNOD-SUNOD sa pagpatak ang mga luha ni Althea. Kahit anong pigil niya ay ayaw tumigil niyon. Naglalakad siya palabas ng ospital. She went to her prenatal checkup alone. Hindi siya nasamahan ni Gabriel dahil may importanteng inasikaso ito. Isa pa, biglaan ang checkup niyang iyon. Her doctor called her up this morning and set an appointment.
Ngayon ay alam na niya kung bakit. Naalala pa niya ang naging pag-uusap nila...
"We have to abort the child. This is for your own safety. This pregnancy is too risky for both of you. Hindi kakayanin ng puso mo ang panganganak," sabi ni Dr. Estanislao.
"This can't be real..." umiiling na sabi niya.
"I wish you could keep the baby, Althea. But I'm sorry you have to face it. Let go of the child. Kung ipagpapatuloy mo 'yan, tiyak na mapapahamak ka. There's only a little chance you would survive..."
Luhaang lumabas siya ng klinika ng doktor.
Hindi niya maaaring kitlin ang buhay ng kanyang anak. Mas mamatamisin pa niyang siya ang mawala kaysa ang anak niya. She couldn't afford to see the sadness in Gabriel's face if ever they ever lost the child. Hindi bale na siya ang mawala. She could suffer the consequences. Hinding-hindi niya hahayaang madamay ang mag-ama niya. She would rather lose her life than lose the child.
Gabriel could live without her but surely he couldn't take the blow kung sa ikalawang pagkakataon ay mawawalan ito ng minamahal. Siguradong-sigurado siya na mahal nito ang anak nila kahit hindi pa niya ito ipinapanganak.
Nanariwa sa isip niya ang isang pangyayari...
Nagbulungan ang mga kasambahay, habang si Yaya Andeng naman ay ngiting-ngiti. Muling bumalik ang paningin niya kay Gabriel. Nagpalipat-lipat ang mga mata niya rito at sa supot na dala nito.
Napakamot ito sa batok. "Hindi mo ba gusto nito? I just thought that pregnant women liked this..." Alanganin ang pagkakangiti nito.
"Gab, are you all right?" nag-aalalang tanong niya.
Ipinilig nito ang ulo, which she found very amusing and adorable. "Yeah, it's just that..." Muli itong kumamot sa batok.
Hindi na niya napigilan ang sariling matawa. Hindi niya alam kung ano ang nangyari at nabitawan nito ang supot na dala nito na naging dahilan upang mabagsakan ito sa paa. Nagtatalon ito habang hawak ang paa na nabagsakan ng malalaking manggang kalabaw. The whole scene was very hilarious.
Lalo siyang napabunghalit ng tawa. Tila hindi na rin napigilan ng mga nakapaligid sa kanila ang eksena at tumawa rin ang mga ito.
Huminto si Gabriel sa pagtalon nang makitang pinagtatawanan nila ito. Ang akala niya ay magagalit ito ngunit nakitawa pa ito sa kanila...
Isa lang iyon sa mga pagkakataon na nagpapakita ng concern sa kanya si Gabriel. She knew the reason: she was pregnant with his child.
May pagkakataon din na umuuwi ito ng maaga para lang kumustahin siya. O mas tamang sabihing ang bata sa sinapupunan niya. She didn't mind at all. Ang importante ay hindi na ito galit sa kanya. But sometimes she was worried. Ayaw niyang sanayin ang sarili niya sa ganoon. Paano kung bumalik uli ito sa dati? Kailangan niyang mag-adjust kapag nagkataon.
Naalala pa niya ang isa pang pangyayari...
"Can I sit beside you?"
Gulat na napalingon siya kay Gabriel. Nasa veranda siya at nakaupo sa couch. Marahan siyang tumango bilang pagpayag.
"How do you feel? I mean..." Tila hindi nito madugtungan ang sasabihin.
Napapitlag ito nang hawakan niya ang kamay nito. Then she placed his hand on her tummy. "Can you feel it?" Ang tinutukoy niya ay ang paggalaw ng baby sa tiyan niya.
His eyes widened in amazement. "Goodness, Althea, it moved! It moved underneath my hands!" Animo bata ito na binigyan ng laruan.
Her heart was filled with gladness.
Idinikit nito ang tainga sa tiyan niya. "Hey, baby, Mommy and Daddy are very excited to see you. We love you so much, baby..."
Tinigasan niya ang anyo niya habang patuloy siya sa paglakad palabas ng ospital. No, not her child. Sisiguruhin niyang mabubuhay ang kanyang anak.
BINABASA MO ANG
MORE THAN I FEEL INSIDE
Romance"Whatever happens, even if my heart stops beating, it will not stop from loving you." Unang beses pa lamang na nagtama ang mga mata nila, alam na ni Althea na umiibig na siya kay Gabriel. At wala na siyang ibang pinangarap kundi ang maging kanya ito...