VII

7.5K 146 5
                                    

"HINDI ba tayo magpapaalam, Gab?" lakas-loob na tanong ni Althea rito.

"I already have. Hindi mo lang napansin dahil masyado kang abala sa pakikipag-flirt kay Villamayor." Padaskol na ipinasok siya nito sa loob ng kotse bago ito lumigid sa driver's seat.

"Ylac and I are just friends. Gabriel, wala namang—"

"I don't care." Nag-aalab ang mga mata nito nang tumingin ito sa kanya. Pinisil nito ang magkabilang balikat niya.

Naamoy niya ang alak sa hininga nito. Tila rin siya malalasing nang bigla siyang yugyugin nito sa mga balikat.

"How dare you do this to us? Hindi ka na nahiya sa mommy at daddy!" Tila madudurog ang mga buto niya sa braso at mga balikat sa higpit ng pagkakahawak nito. "And you're doing this within my sight!"

"Alam mong wala kaming ginagawang masama ni Ylac. Nag-uusap lang kami," pangangatwiran niya kahit alam niyang hindi magandang ideya iyon. He never accepted any explanation from her.

"Talking while holding hands?" Umismid ito. "Not that I care but you know it's my name you're destroying."

Nakikita niya sa mga mata nito ang labis na pagkamuhi sa kanya. Iyon ang dahilan kung bakit madalas ay hindi niya magawang tumingin nang deretso sa mga mata nito. Ayaw niyang makita sa mga iyon ang katotohanan. Sa kabila ng tatlong taon na pagsisilbi niya rito, wala pa rin itong nadarama ni katiting na pagmamahal para sa kanya.

Parang dinudurog ang puso niya sa napakasakit na katotohanan. The big problem was, she still had to look into his eyes as if her very life depended on it. Kay Gabriel nakadepende ang buong buhay niya, ang buong pagkatao niya. She existed because of him.

Binitiwan na siya nito.

Namasa ang mga pisngi niya ng mga luha. Umiiyak na pala siya nang hindi niya namamalayan.

He murmured something na hindi na niya gaanong naintindihan. Muli ay tila guniguning nakita na naman niya ang tila remorse sa mga mata nito ngunit agad din iyong nawala. It must be her imagination.

Dali-daling pinahid niya ang mga luha niya. Ito naman ay pinaharurot na ang kotse at hindi na nagsalita sa buong biyahe.

She felt cold and empty. Hindi niya naiwasang magbalik-tanaw sa nakaraan. Sa totoong dahilan ng pagkamuhi nito sa kanya...

"UMURONG ka na sa kasal. Sabihin mong ayaw mong magpakasal sa akin dahil hindi mo ako mahal. Iyon naman ang totoo, 'di ba?" Puno ng pagsusumamo ang mga mata at tinig ni Gabriel habang nakikiusap ito sa kanya.

Napalunok si Althea bago sumagot. "Hindi ko kayang suwayin ang parents ko, Gabriel." Ang totoo, sadyang nangingibabaw ang pag-ibig niya rito at ang kagustuhan niyang maikasal sila.

"That's bullshit!" Puno ng galit at frustration ang anyo nito. "You don't love me, I don't love you. What's the use of this marriage?"

May sakit na bumalatay sa dibdib niya. Gusto niyang magprotesta sa mga sinabi nito ngunit alam niyang lalo lamang nito iyong ikagagalit.

"Alam mong may fiancée na ako, si Genevieve."

Hindi niya alam kung saan siya kumuha ng tapang upang sagutin at tingnan ito nang deretso sa mga mata. "I can't defy my parents. I can't let them down. Gaya mo na nagmamahal ay mahal ko rin sila. Can you let your parents down?"

Nakipagsukatan ito ng tingin sa kanya. Puno ng poot at pagkamuhi ang mga mata nito.

"I'm not marrying you!" matigas na sabi nito bago siya iniwan.

He did everything to stop the wedding. Pero hindi ito nagtagumpay dahil ang mga magulang pa rin nito ang nasunod kaya naikasal sila.

Nilunod nito ang sarili sa alkohol sa mga unang linggo ng pagsasama nila. Lalong lumala iyon nang mabalitaan nitong namatay ang ex-girlfriend nitong si Genevieve sa isang car accident. Ang kumalat na balita ay nag-suicide daw ang babae dahil sa pagpapakasal ni Gabriel sa kanya.

He was devastated because of what happened. Alam niyang siya ang sinisisi nito sa nangyari sa pinakamamahal na nobya nito. Dahil doon ay palagi itong umuuwi na gumagapang sa kalasingan ngunit may lakas pa rin ito upang sumbatan at saktan siya.

The first months of their marriage were hell, just as he promised. Lalo na sa mga panahong hindi nito kayang kontrolin ang labis na galit.

Isang alas-dos ng madaling-araw ay umuwi ito na lasing na lasing. Sinalubong niya ito sa pintuan. "Gabriel." Tinangka niya itong hawakan ngunit tinabig nito ang kamay niya.

"My dear wife, you don't need to act like a good caring wife. Nobody's watching," slurred na sabi nito. Pasuray na lumakad ito at tila matutumba kaya pilit na dinaluhan niya ito. Pero dahil higit na malaki at mabigat ito kaysa sa kanya, hindi rin niya kinayang alalayan ito. Sabay silang bumagsak sa carpet. Halos mapaigik siya sa tindi ng bigat nito.

Nasa ilalim siya nito at kahit anong tulak ang gawin niya ay hindi ito tuminag. Suddenly, she felt him kissing her neck. Itinulak niya ito ngunit hindi pa rin ito natinag.

"Gab, please..."

"Please what?" Sinabunutan siya nito upang mapatingin siya rito. "You're my wife, I have every right." Mariing hinagkan siya nito sa mga labi. It was a kiss meant to punish. It had no gentleness in it. Mayamaya pa ay nalalasahan na niya ang sariling dugo sa mga labi niya.

"Gabriel, maawa ka..." Bumukal ang mga luha sa mga mata niya.

Umismid ito. "You're really a good actress. That's no use to me. I bought you—No, my parents bought you for me. Dahil mukha kang pera. You want my money, right? Well, now you've got it."

"Hindi 'yan totoo, Gabriel..." Her tears started to fall.

Tumigas ang anyo nito. "Mukha kang pera. You're a first-class gold digger, Althea Viguilla." At pasibasib na hinalikan siya nito sa mga labi.

She used all her might and force to push him away. Tila hindi nito inaasahan ang ginawa niyang pagtulak kaya na-outbalance ito. She hurriedly stood up, ang tangka ay tumakbo papanhik sa kuwarto nila. Ngunit hindi pa siya nakakadalawang hakbang ay hinila siya nito sa paa. She fell down on the carpet.

Impit na napasigaw siya nang punitin nito ang pajama top niya. "Gabriel, no... Please..." Ngunit tila ito bingi sa pakiusap niya. Sunod na pinunit nito ay ang pajama bottom niya.

Pilit na nagwala at nanlaban siya—sumisipa, nangangalmot. Ngunit sadyang malakas ito. Sa huli ay nawalan siya ng lakas na manlaban.

"This is what you want, so why fight it?" He took off his own clothes.

He started to explore her body. After a while he was thrusting dominantly above her. Her tears fell down her cheeks.

Nakakalokong ngumiti pa ito nang makita ang pagluha niya. "You're really a good actress. Why don't you fake a sob as well?" He continued to thrust inside her until he reached his climax.

After a while, he stood up and left her. Gaya ng mga naunang pagtatalik nila, wala ring kahalong pagmamahal o emosyon ang katatapos lang na namagitan sa kanila.

Her tears continued to fall...


MORE THAN I FEEL INSIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon