Chapter 10

343 10 0
                                    

Natawa naman ako sa sinabi niya, halatang nagulantang siya sa nangyari kagabi.

Pinulot ko na yung mga damit ko at pumasok sa CR. Buti na lang at comportable sa katawan yung tux ko kahapon, hindi ko na lang susuotin yun. Yung panloob na lang na sleeves.

TAPOS KA NA BANG MAGBIHIS?sigaw ko sa kanya.

HINDI PA! MAY ROBE BA DIYAN ANG PANGET TIGNAN KUNG LALABAS AKONG NAKA-GOWN PA!

MERON DITO WAIT bubuksan ko yung pintuan pero nakapikit ako tapos binato ko yung robe tapos sinarado ko na yung pintuan. Nag intay pa ako ng mga 1 minute.

Jasha, tapos kana?

YUP!

Lumabas na ako at nakita ko siyang naka robe tapos medyo namumula na namomroblema.

Anong problema mo?
Parang namomroblema ka?

Eh kasi

kasi

Eh kasi, a-anoh.. uhm, ma-may blood stains sa kama.

Tinignan ko yung kama tapos dun sa pwesto niya kanina may blood stains nga.

Oh. A-ano, ga-ganito maligo ka tapos kukuha ako ng damit dun sa labas para sa'yo para malamigan muna yung utak mo.

Magpapalamig muna ako sa labas. Medyo shocking talaga yung nangyari eh sorry.

Lumabas ako ng kwarto.

kailangan kong maging mabait sa kanya simula ngayon, kasi baka may nabuo na kami.

Jasha's POV

Bat kaya ang bait sa akin ni Rixx ngayon? Dahil kaya dun sa nangyari kanina? Pero bakit naman? Makalabas na nga ng CR.

Paglabas ko ng CR, malinis na yung paligid, wala na yung tetrapack ng herbal medicine tsaka yung bed sheet ayos na rin, pati may damit na akong disente na nakalatag sa kama. Hay, makapagbihis na nga. I still can't
believe na ginawa namin yun.

Natapos na akong magbihis at lumabas na ako at naglakad-lakad sa tabing dagat. Pinapanood ko ang sun rise ngayon. Naaalala ko tuloy si Mama, sabi kasi ni Mama masayang mapanood ang pagsikat ng araw kapag kasama mo ang taong makakasama mo hanggang sa huling hininga mo. Hindi pa ata sa akin nangyayari yun. Kung nandito lang si Mama, hindi siguro papaya na pagsamahin kami sa honeymoon. Bakit pa kasi siya nawala.

Mommy, bakit kasi ang aga mong nawala? Ang dami-dami naming problema nila Jara at Yara na kailangan sa Mommy lumapit pero wla kaming malapitan dahil wala kana. Tulad ngayong confused ako sa mga nangyayari? Kung baka mabuntis ako? Papano yun? Eh hindi ako dapat mabuntis dahil sa alam mo na tuloy-tuloy na akong umiyak.

Mommy, I need you
Nagulat ako ng may tumabi sa akin at pinunasan yung luha ko.

I can be your Mommy today, come on, let's watch the sun rise umakbay siya sa akin.

Siya kaya yung taong makakasama ko hanggang sa huling hininga ko?

100 days for her happiness 🖤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon