Jasha, Rixx, masama ba akong tao? Minahal ko lang naman siya at nasaktan lang din naman ako.�
Chapter SIXTEEN
Jecka�s POV
Nasabi na nilang lahat ng kailangang maipaliwanag ni Aste. Galit na galit siya sa akin at hanggang ngayong lunes ng umaga at may pasok este pumasok na kami eh hindi ako pinapansin ni Aste. Siguro sobra siyang nainis, sobra ko siguro siyang na hurt, nasobrahan ata ang pagiging harsh ko sa kanya. Everytime na gagawa ako ng tyempo para lumapit sa kanya siya ang iiwas, ayaw niyang lumapit sa akin, ayaw niyang marinig ang boses ko, ni ayaw niyang makita ang anino ko.
�Bes, bakit ang laki ng galit sakin ni Aste? Bakit niya ako iniiwasan?�
�Eh bakit galit ka kay Aste dati? Bakit mo rin siya iniiwasan?�
�Kasi nasaktan ko siya?�
�Alam mo naman pala ang sagot sa lahat ng katanungan mo eh.�
�Huh?!�
�Pag isipan mong mabuti lahat ng desisyon mo, lahat ng ikikilos mo, lahat ng sasabihin mo at lahat ng kasalanang nagawa mo. Malay mo may makuha kang moral lesson sa lahat ng pagkakamaling naalala mong ginawa mo.�
�Teka nga, Bes. Lately lang napansin ko medyo nagiging serious ka, ang lalim ng mga sinsabi mo, madalas ang mood swings mo? Epekto na naman ba to ng PMS?!�
�Kakatapos ko lang magkaroon nung araw ng kasal ko.�
�Which means 2 weeks ka nang wlang menstruation?�
�Yup.�
�Sayang, akala ko pa naman buntis ka.�
�Tama na nga yan, ang kulit-kulit mo naman eh, tama na nga ang pagtatanong!�
�Eh bakit na naman?!�
�Eh nag iinit ulo ko sa�yo at sa mga pang uusisa mo eh! Tumigil ka na nga!� sabay walk-out niya. I smell something malansa. Hindi kaya yung mens niya yun?! (GAGI!) sorry naman�
Jasha�s POV
Nakakaasar! Bakit ba wala kaming sariling bahay? Bakit kami nakikitira kila Papa eh parehong mayaman naman yung pamilya namen pero pinagsisiksikan kami dun! Gusto ko ng sariling bahay! Bakit ba ang init ngayon?! Nakakairita ang pawis na to! Bakit ba ang kukulit ng tao ngayon?! Bakit ba sila tanong ng tanong?! Bakit ba nagki-crave ako sa chocolate?! Gusto ko ng ferrero rocher!!!!
�Bakit parang ang init ng ulo natin ngayon?!�
�Bakit ba mausisa ang mga tao ngayon?! Hindi ba nila alam ang privacy?!�
�Ito naman, parang nag aalala lang ako sa�yo eh.� tapos niyakap niya ako.
�Wag ka ngang yumakap! Ang init-init ng panahon eh yakap ka ng yakap!�
�Anong ang init-init ng panahon eh wala ngang kaaraw-araw tapos tignan mo ang lakas ng hangin! Nakakaginaw!�
�Pakialam ko ba kung nilalamig ka?!�
�Bat ba ang sungit-sungit mo ah?!�
�Pakialam mo ba ha?!�
�May dalaw ka ba?!�
�Bat ka ba tanong ng tanong?! May lahi ba kayong usisero at usisera ha?!�
�Ehwan ko sa�yo! Parang nagaalala lang sa�yo yung asawa mo eh!� sabay walk-out niya. Grabe naman tong PMS na to. First time kong maging ganito kung magkakaroon man ako agad.
�Sis, desidido na ako! Ako na unang lalapit! Ako na ang makikipag-usap at makikipag-ayos!�
�Magtigil ka nga diyan kakasayaw, nakakahiya ka. Eh kung matagal mo nang ginawa yan edi sana maayos na ang buhay mo, antanga mo kasie eh!�