Chapter 2

89 3 0
                                    

Chapter2

**
ILANG araw na ang lumipas matapos ang pangyayaring yun. Noong nagkasalubong kami ni Jei akala ko hihingi siya ng tawad dahil sa nagawa niya at sabihing hindi niya sinasadya yun pero bwesit yung mongoloid na yun eh! Imbis na magsorry nakuha pa akong nginitan!

Ang mas petmalu pa dun eh kasama niya palagi ang walangyang si Shayne na akala mo kung sinong maganda eh mukha namang paa na tadtad ng alipunga! Oo maganda na! Pero nunkang aamin ako!

Kalmado pako mga bes. Sa sobrang kalmado ko nayupi na itong kutsarang hawak ko na hindi ko alam na meron ako.

Hindi ko namalayan na unti unti nang tumulo ang luha ko kasabay ang pagtulo ng sipon ko. Pinagtitinginan na ako ng mga estudyate na kasama kong nanunuod dito pero wala akong pakialam. Ngayon lang siguro sila nakakita ng umiiyak sa gitna ng initan lol.

Pinanlakihan ko sila ng mata, buti nalang at iniiwas na nila ang tingin nila sa akin at itinuon sa quadrangle ang tingin.

Lihim kong pinunasan ang luha at uhog ko na malapit ko nang matikman.

"Cupcake? Promise tayo hanggang dulo hah?"

Ay wow. Napataas ang isang kilay ko dahil sa narinig. Tumingin ako sa pinanggalingan nun at nakita ko sa kanan ko ang dalawang taong naroroon. Isang babae at yakap ang isang lalaking busy sa pagtitipa sa phone nito. Lol sa pagkakaalam ko mga highschool palang ang mga ito pero kung makapag landian tsk no comment. Pareho kasi ng campus ang mga college at high school kaya nandito sila.

"Hah? Ah Oo cupcake hehe. Tayo hanggang dulo at ikaw lang ang nag iisang babae sa puso ko." sagot nung lalaki pero sa phone pa din ito nakatingin.

Bwesit na magjowa! Walang pereber lul. Ganyan din yung sinabi ni Jei sakin eh pero anong nangyari?! Hindi nga ako iniwan pero gumawa naman ng paraan para ako ang mang iwan. Nag iisang babae nga ako sa puso niya pero sa buhay niya marami kami! Bwesit! Pustahan tayo ilang araw lang maghihiwalay yang mga yan

Masama pa din ang tingin ko sa magjowa ng biglang may bumatok sa akin dahilan para magulo ang dati ko nang magulong buhok.

Napaaray ako at hinaplos ang batok ko. Letse! At sino namang king--

"Bess?! Wow hah makabatok wagas hah" sarkastik kong sabi ko kay Mhai.

"Hehe ito naman ang sungit mo na agad. Ganyan ba ang epekto ng heartbroken?" Nagkamot ito sa batok bago umupo sa tabi ko

"Kahit hindi naman heartbroken ang batukan mo ng ganun eh magagalit pa din. Ikaw kayang batukan ko sa ulo ng ganun kalakas gusto mo?" Ang gandang babae kung makapanakit wagas wagas eh, well blackbelter  nga pala ito.

Kung ilalarawan ko si Mhai ay isa itong dyosa, makinis ang kutis, maganda ang buhok, sexy, mayaman, mabait pero wagas kong makatawa lels. Maraming lalaki ang nagkakandarapa dito pero kahit isa wala siyang in-entertain

Kung itatabi ako sakanya mukha akong basahan. Hindi kami mayaman at hindi rin mahirap kumbaga sakto lang. Hindi kasi ako palaayos hehe. Hindi ko nga alam kung bakit ako kinaibigan nito eh.

"Kanina pa kaya kita hinahanap kasi malapit na yung filipino subject natin nuh! We will read our own poem in front! Pero tulaley ka at ang sama pa ng tingin mo sa dalawang masyota jan sa tabi mo." Ay weeh? Edi dapat tinapik lang niya ako ng mahina hindi yung ganun kalakas.

"Eh nakakasuya silang tignan eh." sumimangot ako at tinapunan saglit ng tingin ang katabi ko.

"Bitter." tumawa ito pero sinamaan ko lang ng tingin.

Nagyaya na si Melay na pumasok sa classroom para sa Filipino subject namin pero naantala ang pagtayo namin nang may biglang nagtilian.

"Waaaaaaaaaaaaaaah!!!! Ang gwapo nilaaa!!"

Unknown ParadiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon