Chapter 6

40 1 0
                                    

NAKABUSANGOT ako habang nag lalakad pauwe sa amin. Sino bang ngingiti kung naglakad ka pauwe? Ok sana kung malapit lang e kaso napakalayo.

Buti na nga lang at hindi na mainit.

Bakit ako naglalakad?

Hindi kasi ako sinundo ng magaling kong pinsan!

Tinatanong niyo ba ako kung bakit hindi ako nag jeep? Wala akong pamasahe!

Bakit wala akong pamasahe? Yung pera ko kasi pinambayad ko doon sa resto.

Oo, hindi pala nagbayad ang walang hiya. May 'I will treat you' pang nalalaman yawa!

May mga pulis na nasa campus kanina at sinabing hindi daw bayad yung kinain namin. Halos panawan ako ng ulirat sa kahihiyan dahil nakiusyuso yung mga estudyante doon at nagbubulungan. Nakakahiya talaga!

Wala tuloy akong choice kundi magbayad. Nagkautang pa nga ako kay Mhai dahil kulang yung pera ko.

Buti nalang talaga at  mabait si Mhai, kung hindi baka nasa kulungan na ako ngayon.

Kung sana alam kong hindi ako masusundo edi sana nanghiram din ako ng pamasahe!

Namamanhid na yung paa ko. Nako talaga pag nakita ko si Mckinley, sarap niyang balatan ng buhay.

Lowbat pa yung phone ko kaya hindi ko sila matawagan sa bahay.

Ang malas talaga!

Simula nang dumating yang pinsan ko nagkandaletse letse na yung buhay ko.

Pinunas ko yung pawis ko saka ako tumingin sa relo ko. Mag aalas sais na pala at nagdidilim na.
Buti nalang at maraming tao pa sa labas kaya di ako natatakot.

Sa hindi kalayuan natanaw ko yung pamilyar na bulto. Si Mckinley na kausap si Sakura. Yung babaeng matalino sa kabilang section. Mabait ito at palakaibigan. Mag isa daw itong naninirahan dito sa pilipinas dahil nasa states ang parehong parents. Pero kahit nasa ibang bansa ang nga ito, sunod pa rin sa layaw si Sakura. Aba sana lahat.

Pinopormahan ba ito ni Mckinley? Kawawa naman yung babae.

Gulo-gulo din yung buhok ng babae saka gusot-gusot yung damit. Hindi man lang nag ayos bago lumabas. Napaghahalataan tuloy na may ginawa silang milagro.

Ang galing ng mata ko ano?  Nakakakita kahit sa malayo.

Napamura ako dahil biglang sumakit yung puso ko. Sa sobrang sakit natabunan nun yung sakit na dulot ni Jei.  Dahil sa pagod siguro kaya ganito yung nararamdaman ko or dahil bwesit na bwesit ako kay Mckinley.

Malapit na ako sa kanila kaya naririnig ko silang magusap. Bale ang pwesto nila ay magkaharap. Nakatalikod si Sakura sa bahay nila at si Mckinley naman ay nakatalikod sa may kalsada.

"I enjoy your company." mahinhin na sabi ni Sakura.

"Me too." Malanding tugon naman ng pinsan ko.

I just rolled my eye balls. Tuloy tuloy ako sa paglalakad at hindi alintana ang pagkabunggo ko kay Mckinley.

Grabe ang tigas ng balikat. Nabalian yata ako.

"Hindi ka ba marunong mag excuse ha?" galit na sabi ni Mckinley kaya hinarap ko siya at kitang kita ko ang pagkagulat nito.

Tinaasan ko siya ng kilay."Huwag kasing gawing tambayan ang daan." Bagot kong sabi. Pinipigilan ko ang sarili ko na sipain siya dahil naiinis ako ng sobra.

Hindi pa din ito nagsasalita habang nakatingin sa akin. Napansin kong parehong blue na ang mga mata nito.

Tsk contact lens?

Unknown ParadiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon