**
"Kilala mo ba kung kaninong number ito?"
Napatingin ako sa phone ni Jei nang nilapit niya sa akin yun. Agad ko namang sinuri yung number na yun kung kilala ko pero umiling ako nang hindi ko makilala.
"S-sino ba yan?" Halos pabulong kong sabi. Narinig ko itong bumuntong hininga.
"N-nakita ko lang sa phone ni Shayne..." aniya saka umiwas ng tingin.
Napatango ako saka humigop ng kape, tinititigan ko siya. Kahit halatang puyat, ang gwapo pa rin niya. Napatingin rin siya sa akin kaya nginitian ko siya.
"Gusto ko rin mag sorry sa nangyari." Malungkot itong ngumiti.
Halos hindi ako makapagsalita. "T-tapos na yon tanggap ko na, kalimutan na natin Jei." Hindi pa yon tapos, hindi ko pa yun tanggap! Pero wala akong ibang magagawa kundi ang tanggapin yun.
"Totoong minahal kita pero... Hindi ko alam kung bakit bigla nalang nawala. I fall out love. Walang problema sayo, na sa akin yon. You are very kind person. I'm sorry." Tumitig siya sa mga mata ko na agad ko ring nilabanan. Nakita ko yung senseridad sa mga mata niya. Biglang kumirot yung puso ko sa sinabi niya. Pinigil ko yung pagtulo ng luha ko. Well, atleast alam kong minahal niya rin ako. "And I'm happy na may nagpapasaya na rin sayo."
Napakagat ako ng labi, "Ah O-oo. Salamat" Hindi ko tinanggi yung sa amin ni McKinley kasi mag mumukha akong kawawa kapag sinabi kong hindi ko siya boyfriend. Kaya mas maganda nang ganon yung alam ni Jei. Sasabihan ko na rin si McKinley na tigilan na si Shayne kasi ayokong makasira ng relasyon dahil alam kong masakit yun... Sobra.
"So, friends?" Masayang sabi ni Jei saka inabot yung kamay niya sa akin.
Ngumiti rin ako saka ko yon kinuha. Mahirap makipagkaibigan sa ex mo, lalo na kapag sobra mo siyang mahal. Pero.. Mas magandang ideya ang ganito, walang problema. Kahit masakit, tatanggapin ko na lang. Ang mahala sa akin, ayos na kami ni Jei.
Ilang oras kaming nagkwentuhan at inaamin kong masaya ako. Kung pwede lang e wag na akong humiwalay sa kanya pero hindi yun pwede, magkaibigan na lang kami.
Hinatid niya ako sa sakayan ng jeep at saka nagpaalam, medyo madilim na rin pala, hindi ko namalayan yon.
Nakangiti akong pumasok sa gate ng bahay nang bigla akong ginulat nang kung sino kaya otomatikong sinipa ko yun ng malakas. Natauhan na lang ako nang biglang umaray yung nasipa ko. Si kuya Ken.
"Kuya, ayos ka lang? Tanga naman sabing huwag akong ginugulat." Hingi ko ng paumanhin saka siya tinulungang tumayo.
"Grabe, magkakapasa yata ako." Nakangusong sabi ni kuya kaya napa peace sign na lang ako.
"Sorry."
"Oo na, saan ka galing? Ginabi ka ah?"takang tanong niya sa akin."saka nasaan si McKinley?"
Napatingin ako sa loob ng bahay, wala pa yung lalaking yun? Grabe kinareer yata yung panglalandi kay Shayne.
"May pinuntahan lang kuya saka... Hindi ko kasama si McKinley." Ani ko pero tinitigan lang ako ni kuya, naiilang ako. Ganito naman na siya dati pa pero iba ngayon. Nararamdam an ko, habang tumatagal hindi ko na nakikila yung kuya ko.
Hinawakan niya ako sa bewang at hinila para madikit yung mga katawan namin saka ngumiti, "Lumalaki kang maganda, Jen." He whispered. Kinilabutan ako nang haplusin niya ako sa pisnge. Ngumiti na lang ako saka kinalimutan yung naramdaman. Ganito talaga si kuya, masyadong touchy.
Tatanggalin ko na sana yung kamay niyang humahaplos sa pisnge ko nang may humila kay kuya at saka inakbayan.
"Oy Ken, anong ulam?" Bungad ni McKinley na siyang ipinagpapasalamat ko. Masyadong mabilis yung tibok ng puso ko.
BINABASA MO ANG
Unknown Paradise
RomanceWarning (R18+) Contains matured scenes and effects. "H-hindi tayo pwede." naguguluhang sabi ko nang magtapat si Mckinley sa akin ng nararamdaman niya. "Says who?" bulong niya sa akin habang malagkit pa din ang kanyang tingin. Hindi man lang ako naka...