Chapter 10

21 2 0
                                    

**
Halos makailang ulit akong humikab sa loob ng van at ang pinagpapasalamat ko e hindi naman mabaho yung hininga ko kahit kakagising ko lang. Nakailang beses na rin akong nilingon ni Mckinley mula sa kinauupuan niya. Kaming dalawa lang ang naririto ngayon bukod sa driver niya na nirequest niya sa kanina. Naol mayaman.

Magkatabi kami pero may isang bakanteng nakapagitan sa aming dalawa. Inirapan ko nalang siya nang magtama yung mga mata namin. Alas tres pa lang ng madaling araw at inaantok pa ako! Idagdag niyo pang hindi ako nakatulog sa kakaisip sa kung ano bang ginawa ko dito sa kupal na to at bakit nagsusungit!

Samantalang mukhang masarap yung tulog ni McKinley dahil sobrang blooming ngayon.

Susunod na lang daw sila Shayne at Jei kasi hindi raw keri ni Shayne ang magbyahe ng ganto kaaga. Arte.

Humikab ako ulit saka pinunas yung luha dahil sa sobrang antok, gusto kong matulog pero hindi ako komportableng matulog na nakaupo kapag nakasakay ako sa anumang sasakyan. Pipilitin ko na lang, malapit na ring mag umaga, baka mawala yung antok ko.

"Pwede kang mahiga sa lap ko." Ani Mckinley kaya napatingin ako sa kanya saka siya inismiran, akala yata bati na kami. Hindi ko siya pinansin. Bahala siya sa buhay niya.

"Jen."marahang sabi niya.

"Oh." Masungit kong tanong at hindi pa rin nakatingin sa kanya.

Napabuntong hininga si McKinley." Mahiga ka na, alam kong gusto mong matulog."

"Kaya kong matulog ng nakaupo." Malamig kong sabi. Gusto kong pukpokin yung sarili ko dahil ang dapat kong gawin ay makipag bati! Eh ang ginagawa ko ngayon, mas lalo ko siyang ginagalit. Naramdaman ko itong umupo doon sa bakanteng upuan kaya napatingin ako kaagad.

Kitang kita ko ang pagtaas ng kilay niya kahit medyo madilim sa loob."hihiga ka o ihuhulog kita sa labas?" Banta na naman niya. Ang hilig niyang magbanta! Akala naman niya natatakot ako.

Sumimangot ako saka nilapit ko yung mukha ko sa kanya." Edi ihulog mo!"

Nakita kong tinagilid niya yung ulo niya sa akin na parang pinag aaralan yung ekspresyon ng mukha ko.

"Kapag hindi ka humiga, hahalikan kita." Banta na naman niya.

"Edi halikan mo!" Pabulong ko ring sabi, saka ko lang naproseso yun ng nakita kong ngumiti siya saka nilapit yung mukha niya sa akin dahilan para magtama yung mga labi naming dalawa. Hindi ako makagalaw, parang namanhid yung katawan ko.

Titingin sana ako sa driver, dahil baka makita niya at iba ang isipin! For fuck sake mag pinsan kami! Kaso hindi ko siya malingon dahil bigla niya akong hinawakan sa batok para mas lumalim yung pagkakahalik niya sa akin. Gusto ko siyang itulak kaya hinawakan ko siya sa dibdib kaso walang lakas yung mga kamay ko para itulak yun. Naramdaman ko na hinawakan niya ako sa kamay ko na nakapatong sa dibdib niya saka niya hinaplos.

May nanumuong kiliti sa puson ko nang biglang pinasok ni McKinley yung dila niya sa pagitan ng halikan namin kaya napaungol ako ng konte, oinagpapasalamat ko na medyo malakas yung radyo sa loob, hindi ko alam pero ang tanga naman nong driver kung hindi niya kami makita! O baka nakita niya kami pero wala siyang pake?

Ramdam ko ang pagngisi niya kaya bumitaw ako kahit gistong gusto ko pa, pareho kaming naghahabol ng hininga. Hindi ko siya matignan sa mga mata dahil nahihiya ako! Malamig sa loob ng van pero pinagpapawisan ako. Gusto ko siyang sapakin pero nanghihina pa ako.

"Jen." malambing niyang bulong.

"H-hihiga na ako."utal kong sabi, wala akong narinig mula sa kanya pero naramdaman ko ang pag usog niya sa dati niyang kinauupuan. Pikit maya akong humiga at umunan sa lap niya. Kumakalabog pa rin yung puso ko, lalo na nang hinaplos niya ako sa buhok.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 29, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Unknown ParadiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon