Chapter 3
**
SINULYAPAN ko muna yung pumasok sa loob ng club at dumeretsyo sa pwesto ko, si Mhai. Bakit ang tagal nito? Tsk siguraduhin niya lang na maganda ang reason niya dahil kanina pa nananakit yung tumbong ko kakaupo.
Napatawa ako dahil dali dali nitong sinubo yung pagkain niya bago binigay sakin yung isang softdrinks at isang burger. Halata dito na galing ito sa pagtakbo. Takbo? Ah baka nagmamadali sa pagpunta dito.
Nagpasalamat ako na sinuklian naman nito ng ngiti pero kita sa mga mata nito ang kaba dahil alam kong nakita niya si L.E na salubong ang kilay. Tinitigan ko siya at ngumisi.
"Paktay ka bahahah" bulong ko dito pero sinimangutan lang ako neto bago patakbong pumunta sa pwesto ni L.E. Kitang kita ko kung paano siya pagalitan nito. Napailing nalang ako at binalik ang atensyon sa cellphone ko. Umayos ako ng upo at nag Indian sit. Nagscroll ako sa messenger at Tinignan ko isa isa ang mga picture ni Jei na inistalk at in stolen ko pa. Pag nabura ko na ang mga alaala natin, tiyak na makakalimutan kita Jei. Itaga mo sa bayag mo! Peste... Wala ka palang bayag! Makakalimutan din kita! Itaga mo sa pototoy mo!
Ipinatong ko muna yung cellphone ko sa hita ko at umunat unat bago pinatunog ang bawat daliri ko. Nangalay na'ko sa kakapindot pero itinuloy ko pa din ito. Halos lahat ng laman ng memory card ko na 16GB, picture ni Jei lahat ang laman.
Napausal ako ng pasasalamat dahil na bura ko na lahat, lahat lahat. Salamat naman urgh ang sakit sa daliri eh. Sana pwede ring madelete kaagad yung feelings ko sakanya.
"Oy Jen!" Si Mhai. Hindi ko alam na nasa tabi ko na pala ito.
"Oh?" Patuloy lang ako sa pag explore sa cellphone ko baka may naiwang alaala ni Jei saka hindi ko siya pinapansin.
"Ay pesteng ito, Snob!" Bulong nito kaya nilingon ko siya sa pamamagitan ng masamang tingin.
"Anong snob dun? Gaga." baling ko dito at saka tumingin sa relo ko. "Laaah! Alasingko na pala." gulat na sabi ko. Hindi ko talaga namalayan yung oras huhu. Ibinaba ko muna yung cellphone ko at humarap kay Mhai.
"Pesteng Emerson kasi yan eh. Andaming pinapagawa. Parang gusto kaming patayin sa pagod." napanguso ito habang sinasamaan ng tingin si L.E na kasalukuyang kausap yung isang babaeng kaclub din nila.
"Kasi naman bibili lang ng snacks inabot kapa ng siyam siyam! Kanina pa kaya nagsusuntukan yung kilay ni L.E nung pumunta ako dito!! Bruhang ito. Oh anoo?! Ayaan!! Sinabon ka."mahinang singhal ko dito.
"Eh kasi naman!! Papunta na sana ako dito pagkabili ko ng pagkain natin kaso huhuhu." umakto akong sasapakin ito kasi ang Oa letse. "Ito naman tsk.. So ayun papunta nga sana ako dito nung napadaan ako sa pwesto nung mga Hypebeast.. Grabe Jen!! Nagmamadali na nga ako para hindi nila ako mapansin perooo!! Si Volouge peste nakita niya ako kaya napatingin din sakin si Fepe kaya sinabi ni Fepe kay Bengue na nandun akoo!! Tapos tapos si Bengue naman sinabi niya kay Felay! Si Felaaaay na naaa... Hinabol ako kaya kumaripas ako ng takbo huhu. Nagtago muna ako bago dumiretso dito! Peste ang hirap nilang pagtaguan at iligaaaw!! " ngumawa ito na parang bata pagkatapos niyong magkwento.
"BAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHA!!!!" Malakas kong tawa dito. Wala akong pake kung pinagtitinginan na ako dito basta mailabas ko lang ito. Si Felay kasi ay grabe ang pagkagusto kay Mhai pero gaya nga ng sinabi ko hindi mahilig mag entertain si Mhai ng manliligaw.
"A-aah.. pesteng ito." napanguso ako habang hawak hawak ko yung bumbunan ko dahil sa paghampas ni Mhai ng notebook nito sakin.
"Ayan! Ge tumawa ka pa king inang ito. Susungalngalin kita nitong notebook ko eh." sinamaan niya ako ng tingin kaya nagpeace sign ako dito at ngumiti.
BINABASA MO ANG
Unknown Paradise
RomanceWarning (R18+) Contains matured scenes and effects. "H-hindi tayo pwede." naguguluhang sabi ko nang magtapat si Mckinley sa akin ng nararamdaman niya. "Says who?" bulong niya sa akin habang malagkit pa din ang kanyang tingin. Hindi man lang ako naka...