Mag isa akong naglalakad papuntang canteen. Lunch break na at nakalimutan kong magbaon kanina. Letse kasing Mckinley yan. Masyadong ginugulo yung utak ko.
Wala tuloy akong choice kundi ang bumili ng makakain sa canteen.
Mababawasan pa tuloy yung ipon ko.
Nakakainis!
Iniwan ko saglit si Mhai sa room dahil nga bibili ako. Doon kami kumakain sa room para makakain ako ng maayos.
Ang hirap kayang kumain kapag may mga nakatingin sayo.
Papasok na sana ako sa canteen ng hilain ako ng kung sino at dinala sa may bench.
Hindi na ako nakapag react dahil nagulat din ako.
Muntik-muntikan pa akong madapa.
Niwasiwas ko yung kamay ko para mabitawan ako. "Teka nga!"
Nagpapasalamat ako dahil binitawan niya ako."Ano bang problema mo kuya?"
Nakatalikod ito at naka sombrero kaya diko mamukhaan.
Hindi ko tuloy makita kong gwapo ba o pangit.
Bumubulong bulong ako ng mura ng bigla itong humarap.
"Jen." bulong nito sa akin.
"J-jei?"
Talagang napanganga ako. Oo si Jei nandito sa harap ko!
Hindi ko alam yung irereact ko.
Sasapakin ko ba o yayakapin?
Naiiyak ako pero pinatigas ko yung mukha ko at sinubukang magseryoso.
"M-may kailangan ka ba?" malamig kong sabi.
"We need to talk."
Tinitigan ko ito. Ang gwapo pa din niya. Singkit ang mga mapupungay nitong mata, ang labi nitong parang sili sa sobrang pula at ang kilay nitong katamtaman lang ang kapal pero bumagay sa mata nito.
Hanggang ngayon nga hindi pa din ako makapaniwalang minsan na ako nitong pinatulan. Napakagwapo nito.
Bumuntong hininga ako saka tumango. "Bilisan mo at hinihintay ako ni Mhai."
Hihingi na siguro ito ng tawad.
Hindi ako sigurado kung papatawarin ko ito. Pero hahayaan ko muna itong magpaliwanag.
"Jen, please wag mo nang patulan si Shayne," Pakiusap nito.
Napataas yung kilay ko. Akala ko hihingi ito ng tawad?
Bigla akong nadisappoint."ok, yun lang ba? Aalis na ako."
Pumikit ito na parang hirap na hirap." I'm serious, Jen. Kung pwedeng umiwas ka nalang kapag nakikita mo kami. Ayoko siyang masaktan. Mahal na Mahal ko siya."
Mapakla akong tumawa. E paano ako? Ok lang na masaktan ako? Paano ako? Hindi mo na ako Mahal?
Gustong gusto kong isatinig yun pero hindi ko magawa dahil namanhid na yata yung dila ko.
Ang sakit. Ramdam ko ang pangangatog ng tuhod ko at alam kong anytime ay matutumba ako.
Akmang tutulo yung luha ko nang may umakbay sa akin.
"Nandito ka lang pala, love. Kanina pa kita hinahanap." masiglang bati ni Mckinley sa akin.
Hindi ko alam kung saan ito galing at bigla biglang sumulpot na siyang ipinagpapasalamat ko.
"M-mckinley?"
Nilapit niya yung mukha sa akin."I miss you."
Ang bango ng hininga niya!
BINABASA MO ANG
Unknown Paradise
RomanceWarning (R18+) Contains matured scenes and effects. "H-hindi tayo pwede." naguguluhang sabi ko nang magtapat si Mckinley sa akin ng nararamdaman niya. "Says who?" bulong niya sa akin habang malagkit pa din ang kanyang tingin. Hindi man lang ako naka...