Chapter 7

16 0 0
                                    

**
"Oi Jen, ang aga mo ngayon ah? Halfday?" Hindi ko siya pinansin." naks sanaol may pagkain."

Sinamaan ko ng tingin si McKinley, nakahubad itong sumalubong sa akin. Kakatapos lang sigurong magbasketball.

Tanghaling tapat oinaparada yung pawis niyang katawan, maawa naman sana siya sa mga dumadaang mga dalaga na halos ma dehydrate na, tumutulo na laway nila.

Nababanas din ako sa kakangiti nito. Akala mo namam ok kami amp.

Binato ko sa kanya yung hawak kong box na agad naman nitong sinalo."Bobo, sa iyo yan. binigay ni Sakura."

Nilagpasan ko na siya saka pumasok sa bahay, magluluto na ako ng tanghalian namin.

"Tapos na akong magluto, magbihis ka na at kainin natin itong dala mo." nilingon ko si McKinley na nakangiti pa rin at nakadamit na.

"Sayo na lang, baka may gayumang nilagay jan yung chixx mo. Idamay mo pa ako."

Ngumuso ito."Ang sungit mo naman, meron ka?"

Hindi ko na lang siya pinansin dahil wala talaga ako sa mood ngayon. Nagsuot ako ng pajama saka ng sando bago ako bumaba.

Nakita ko namang nanunuod si McKinley sa sala habang kinakain yung dala ko kanina. Tumabi ako doon saka nilabas yung phone ko.

"Nasaan si Kuya?" taka kong tanong habang nagtitipa sa phone ko.

"Ah  si Ken andon sa barkada saka doon din daw matutulog." narinig ko itong tumawa ng mahina kaya nilingon ko yung tv saka sa kanya. Wala namang nakakatawa sa pinapanuod eh.

"Anong nakakatawa?"

"Masosolo kita e." ngumiti ito kaya kuminang yung mata niya. Napalunok ako sa kaba.

Napakamanyakis talaga nitong gagong to. Alam ba nitong magpinsan kami?

"Gago." singhal ko.

Tumawa ulit si McKinley kaya binalik ko yung tingin ko sa phone ko para di niya makita na namumula ako sa hiya. Baka lalo lang akong asarin ng pinsankong maharot.

Biglang tumahimik ang paligid kaya akala ko nakatulog na ang hayop. Maya maya pa ay bigla akong napadaing sa sakit nang may tumusok sa balikat ko. Doon sa nasipa ni L.E!

"Ano ba, depungal naman oh." singhal ko sa kanya.

"Masakit?Anong nangyari jan? bakit may pasa ka? nakikipagbasag ulo ka ba?" madaldal na tanong niya.

"Pake mo?" panggagaya ko sa tono niya.

"Isusumbong kita kay Tito!"

Sinamaan ko siya ng tingin saka binatukan.

"Aray naman, parang di masakit." nakita ko itong ngumuso kaya napatawa ako. Para siyang pato.

"Para ka palang anghel kapag tumatawa." biglang seryosong sabi nito kaya napatigil ako sa kakatawa.

"Gago, ano ako kapag hindi tumatawa? Demonyo?"

"Hindi, Anghel rin naman pero may sungay." tumatawang sabi nito saka ko siya inabot para saktan kaso nahuli niya yung kamay ko.

"Hoy foul yan, masakit pa yung ulo ko sa ginawa mo ha. Sadista ampota."

Bigla tuloy akong nakonsensya dahil alam kong masakit talaga yon.

"S-sorry--"

"Wala, ayoko ng sorry, gusto ko kiss." walang prenong sabi nito saka kinindatan ako.

Biglang tumaas yung dugo ko saka ko siya sinakyan at sinakal. Hindi ko naman siya talagang nasakal kasi pinipigilan ako ng gago.

"Tanginamo, mag pinsan tayo tapos ang harot mo!" gigil kong sabi.

Unknown ParadiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon