Chapter 1
**
MASAYA akong sumakay sa jeep para pumasok sa school habang hawak hawak ko ang explosion box. Hindi yung sumasabog na box ah? Box ito na punong puno ng pagmamahal ko para kay Jei.Yung box na pag binuksan mo bubungad yung maraming messages at pictures namin! Mga long sweet messages!
Sana magustuhan niya ito dahil pinaghirapan ko kaya ito ano. Dapat lang! Kasi ilang linggo akong hindi kumain para mabili yung mga materials dito. Ilang gabi ko itong ginawa plus ang sakit ng kamay ko dahil sa pagsusulat ko ng mga sweet na messages na nasa loob ng box na hawak ko ngayon. At ilang araw pa akong nagstalk sa facebook niya para may maidikit akong picture niya doon!
Jei is my boyfriend at pareho kaming 3rd year college pareho kaming criminology ang kinuha. Mag f-four months na kami ngayon, February 23. Hindi naman totoo yung sinasabi nilang magbibreak ang magjowa sa date ng 23! Mga bitter pwe! Palibhasa mga single.
Heartthrob, Basketball player at kasali sa choir ang boyfriend ko at masaya ako dahil kahit hindi ako kasingganda ng iba o kasing sexy, ako pa din yung Mahal niya.
Noong una nagtataka ako kung bakit ako yung nililigawan niya. Eh simpleng tao lang naman ako at simpleng istudyante dito sa school namin, maliit akong babae mga nasa 5'6 ang height ko at hindi palaayos. Naniniwala kasi ako sa kasabihan na simplicity is beauty.
Kasi naman pag mag aayos pa ako nang sarili ko sa bahay paniguradong malilate talaga ako! Kaya pulbo lang sapat na. Hindi tulad ng mga may gusto kay baby Jei ko na pangmodel ang mga katawan eh sakin pa din ang bagsak niya.
'Lord, kung anuman ang nagawa ko noon para biyayaan niyo ako ng ganto, maraming salamat po dahil binigyan niyo ako nang masarap este gwapong boyfriend.'
Tumigin ako sa relo na suot ko bago ko binaling ang tingin sa explosion box. Pinagpagan ko pa ito at iniingatan na baka malukot.
Todo ngiti pa ako habang iniimagine ang itsura ni Jei kapag binigay ko ito. Yayakapin niya ba ako? Hahalikan? I can't wait!
Hindi mabura ang ngiti ko kahit na nakababa na ako sa jeep at huminto sa tapat ng school na pinagaaralan ko. Puro mayayaman ang narito at hindi kagulat gulat kung sikat ang paaralan na ito, dahil napakalaki talaga nito at kilala sa buong mundo.
Pumasok na ako sa Campus at binati ang payat at masungit na guard na nakaduty ngayon. Isang ubo na nga lang si koya guard nakukuha niya pang magsungit.
Tinanguan lang niya ako at inismiran. Aba aba? Ang sungit ni koya guard. Isungalngal ko kaya itong I.D ko sakanya?
'King ina'
Nilagpasan ko na ito habang bumubulong matapos ipakita ang I.D ko. Agad akong pumunta sa direksyon kung saan ang classroom ng boyfriend ko, ang alam kasi nito ay hindi ako papasok.
Isusurprise ko siya kasi nahahalata ko na parang ang lamig niya sa akin. Well naiintindihan ko naman yun dahil ang daming ginagawa, busy.
Marami akong nadaanan na mga ibang 4th year, medyo wala na kasing ginagawa dahil malapit na ang bakasyon.
Pakanta kanta pa ako habang naglalakad ng makasalubong ko si Charlie, isa sa mga bestfriend ni Jei.
"Oy J-jen akala ko hindi ka papasok? Anong ginagawa mo dito?" namamalikmata lang ba ako o talagang namumutla si Charlie?
Hindi ko nalang pinansin yun at nginitian ko nalang siya "Goodmorning Paps! Ano ba ang ginagawa sa school? Alangan naman nag aani ng palay? Shunga ka din talaga no?," napatawa ako. "Nasaan pala si Jei?"
Umiwas ito ng tingin at halatang kinakabahan. "N-nasa classroom per--" hindi ko na pinatapos ang sasabihin nito at kaagad ko itong nilagpasan. Nagmamadali akong pumunta sa classroom nila Jei.
BINABASA MO ANG
Unknown Paradise
RomanceWarning (R18+) Contains matured scenes and effects. "H-hindi tayo pwede." naguguluhang sabi ko nang magtapat si Mckinley sa akin ng nararamdaman niya. "Says who?" bulong niya sa akin habang malagkit pa din ang kanyang tingin. Hindi man lang ako naka...