Chapter 4
**
BIGLA AKONG napabangon dahil sa lakas ng tunog ng alarm clock. Napakunot ang noo ko dahil wala akong natatandaan na nag alarm ako.Lumingon ako sa pinanggalingan ng tunog at napasimangot dahil nakita kong tatawa tawa yung magaling kong kambal habang hawak yung alarm clock.
"Good morning." Bungad sa akin ng kapatid ko.
"Letse naman kuya. Alas syete palang ng umaga! Mamaya pang alas nuebe yung pasok ko! Pesteng ito." sinipa ko ito para lumayo sakin ito pero kaagad na nakaiwas sakin.
"Oh. Hindi ko alam. Go on sleep again." nangangasar na sabi nito sakin. Seryosong tao si kuya kaya hindi mo alam kung nagbibiro ba o nambubwesit na. Inirapan ko lang ito at saka nagtalukbong ng kumot. Pesteng damulag.
Hindi pa ako nakakakalma ng biglang tumunog na naman yung Alarm clock.
"Kuya!" napabangon ako sa kama ko at pinulot yung tsinelas ko sabay bato sa lalaking nakalabas na sa kwarto ko pero dinig na dinig pa din yung lakas ng tawa nito.
My brother is 28 years old and acting like a child.
Yawa!
Bwesit. Magbiro na siya sa lasing wag lang sakin na kulang sa tulog at bigla nalang gigisingin.
Humiga ulit ako at ilang beses na bumalikwas ng higa dahil hindi na ako makatulog. Nakakainis si kuya, bakit hindi pa kasi mag asawa para matahimik na yung buhay ko.
Inabot ko nalang yung phone ko at inopen yung data. Gaya ng inaasahan, wala man lang kahit isa na magmessage sakin.
Napakaboring ng buhay ko.
Pumunta nalang ako sa YouTube para maghanap ng videos tungkol sa mga martial arts. Yun lang ang ginawa ko habang umiiyak.
Nababaliw na nga ako dahil wala namang nakakaiyak sa pinapanuod ko. Naalala ko lang kasi si Jei ee. Kahit Gago yun, namimiss ko din naman siya. Ano kaya kung makipagbalikan ako at papayag ako na dalawa kami ni Shayne sa buhay niya?
Pagkatapos kong magmuni muni, ginawa ko na ang morning routine ko at bumaba para magkape. Sasakit pa kasi yung ulo ko kapag pinilit kong matulog.
Pagkababa ko nakita kong nakasalampak sa sofa si kuya at nanunuod ng basketball live sa t.v.
Sinimangutan ko lang ito saka inismiran. Mainit ulo ko sa kanya.
Pumunta akong kusina para magtimpla ng kape kaso napatigil ako dahil nandito si beautiful eyes. Nagluluto siya ng kung ano at ang bango.
Pinaliwanag sa akin nila Papa at kuya na dito muna titira si Mckinley, ang pinsan ko.
Oo nakakapaghinayang dahil pinsan ko yun. Yung taong kelan man ay hindi mapapasaiyo.
Bakit ba kung lahat ng gwapo pinsan mo?
Nakatalikod ito sa akin at talagang napakasarap nito kahit nakatalikod.
Kumuha ako ng baso saka nagtimpla.
Tumikhim ako. "Sorry pala kagabi."
"Sorry for what?" Lumingon ito sa akin.
Tinitigan ko ito. "Ewan, feeling ko kasi kelangan kong magsorry."
"Ok lang, hindi naman napano yung birdy ko." ngumisi ito.
"Birdy? May alaga kang ibon?"
"I mean yung junjun ko."
"Junjun? Ano yun?" taka kong tanong habang hinahalo yung kape ko.
BINABASA MO ANG
Unknown Paradise
RomanceWarning (R18+) Contains matured scenes and effects. "H-hindi tayo pwede." naguguluhang sabi ko nang magtapat si Mckinley sa akin ng nararamdaman niya. "Says who?" bulong niya sa akin habang malagkit pa din ang kanyang tingin. Hindi man lang ako naka...