Sabi sa isang libro, “From the crib to the grave, we all reach out for someone to love us and for someone we can love. Indeed, love is necessary for survival.”
In short, kailangan natin ng love. Kailangan natin ng taong mamahalin natin at magmamahal din sa atin.
Kung ikaw tatanungin ko, na-inlove ka na ba? Meron na bang na-inlove sa’yo?
Paano kung ganito yung sitwasyon mo?
Paano pag yung taong minahal mo, mahal din ng kaibigan mo? Masasabi mo pa kaya sa taong yun yung nararamdaman mo para sa kaniya?
Lalo na kung alam mong may nakaraan na sila at pangkasalukuyan na medyo malabo nga lang.
Kakalimutan mo na lang ba siya? Wag ka lang makasakit ng iba, wag lang masaktan ‘yung kaibigan mo?
‘Yung feeling na gusto mong sabihin na mahal mo siya pero hindi mo magawa. Halo-halong emosyon yung nararamdaman mo. Hindi mo alam kung saan mo kukunin yung lakas ng loob para magtapat sa kaniya. At kung meron ka mang lakas ng loob, hindi mo naman alam kung paano at saan ka magsisimula. Ni hindi mo nga alam kung dapat mo pa bang sabihin yung nararamdaman mo eh.
Yung feeling na gusto mong subukan kung pwede pero madaming hadlang.
Higit sa lahat, yung gusto mong ipaglaban yung pagmamahal mo pero hindi naman ikaw yung pinili niya. [Awtsu!]
Pero paano naman kung mahal ka na din pala niya? Ipagkakait mo ba sa sarili mo ang maging masaya kahit na nga ba ang kapalit ay masaktan mo yung taong mahalaga sa’yo.
Ano bang dapat mong gawin?
Paano ka susugal sa isang laban na alam mong hindi pa nagsisimula ay talo ka na? Kumbaga sa isang kwento, ikaw na agad ang kontrabida, di ka pa man lumalabas sa eksena.
Sige nga, hanggang saan ka susugal? At saan ka ba talaga lulugar?