Chapter Twelve

33 1 0
                                    

Pagkadating ko sa bahay, hindi ko maiwasang hindi balikan yung mga sinabi nila Sue sakin kanina. I know they’re right. May point si Tris, she’s right. We never talked about it. Kahit na nga ba minsan nakakapag-usap kami ni Jin but still, pag yun yung topic namin ay parang nagiging joke na lang samin yung mga nangyare. In Leila’s case, hindi talaga namin napag-usapan yun kahit kalian. Masyadong awkward. Nahulog kami sa iisang tao. Iisang tao lang ang minahal namin.

At ngayon nga, binabalikan ko ung huling sinulat ko sa scrapbook para sa kaniya.

Hey, miss me? Hahaha. Pano ba ‘yan, last entry ko na ‘to. Grabe wala pa atang limang entry yung nagawa ko. Pano naman kasi one moment I’m happy, the next moment hindi na.

Bigla bigla ka na lang kasing nagpaparamdam kaya may naisusulat ako sa mga naaalala kong nangyare. Minsan naman basta ka na lang hindi magpaparamdam, wala tuloy akong maisulat na madami dami.

Atska wala na talaga akong maisulat. Ang naaalala ko na lang talaga eh kung pano tayo nagkakilala which is naisulat ko na nga. Tapos yung mga araw na nagmomove on ka. Yung birthday ko. Nasabi ko na rin naman. Ano pa bang natira? Wala na.

Wala namang nangyari ngayong nag-college ako kasi hindi na tayo nagkakatext nun. So ano pa bang sasabihin ko?

Uhmm. May gusto pa ba kong sabihin sa’yo?

Ah sige. Sasabihin ko na lang sayo yung pagdradrama ko. Alam mo ba umiiyak ako nung binabasa ko yung convo natin. Sabi ko nga, bumabalik ulit yung sakit.

May sasabihin pala ako sa’yo. Minsan may nagtanong sakin kung na-inlove na daw ako. Sabi ko maraming beses na. Tinanong niya kung sino. Hindi ako sumagot. May inabot siya saking papel. Binasa ko naman.

Na-inlove ka na ba? Oo naman.

Kung oo, kanino? Madami na. Iba iba.

Kilala ko ba? Ewan sayo. Sino ka ba?

Sa heartthrob ba? Heartthrob ba siya? Madaming nagkakagusto sa kaniya. Counted na ba yun as heartthrob? Kung oo, e di oo heartthrob siya.

Sa playboy? Ay eto hindi ko na kailangan mag-isip. YES agad ang sagot. Hahaha.

Sa isang varsity player? May varsity jacket siya. Pamporma nga lang. Ahaha. Malay ko kung marunong sa sports yun. Volleyball ata?

Sa isang rich kid? Mukha naman siyang mayaman. May DSLR. May Iphone. May kotse? Oo ata mayaman siya.

Gwapo ba? Ewan ko eh. Siguro. Hahaha.

Mabait? Oo mabait naman siya.

Makulit? Ay sobra. Super duper kulit.

Yan yung nakasulat sa papel. Kilala mo ba kung sino tinutukoy ko? Wag kang tanga ha. Ikaw yan eh. Basahin mo ulit.

Heartthrob ka kasi madaming nagkakagusto sayo. Playboy ka kasi madaming kang crush. Malandi ka eh. Hahaha. Mahilig ka sa volleyball di ba? Mayaman ka din naman. Madami kang sideline eh. Gwapo ka para sakin, oh wag lumaki ulo ha. Mabait ka naman. Makulit, sobra.

Nung birthday ko, dapat lalayo na ko sayo. Pakiramdam ko kasi sobrang nasasaktan na ko nun. At ayoko ng lalong mahulog sa’yo. Kaya nga naaalala mopa ba yung mga text ko sayo nun? Grabe, birthday na birthday ko umiiyak ako.

Masakit na pakawalan ka noon kaso gaya nga ng sabi ko noon, hindi ka naman sakin. Gustuhin ko man na maging akin ka, wala eh. Hindi nga ako yung pinili mo di ba?

Tanga ka eh. Sorry ha. Hahaha. Mas pinili mo kasi yung taong ilang beses ka ng sinaktan kesa sa taong laging andiyan para damayan ka sa pag-iyak mo. Mas pinili mo yung taong binabalewalaka kesa sa taong laging andiyan para tulungan ka at payuhan.

Pero okay na yun. It’s my choice naman and it’s your choice. Choice mong piliin siya at choice kong mahalin ka at magpakatanga sayo.

Noon kasi naniniwala akong kung mahal mo yung isang tao, ipaglaban mo. O kaya naman ay ipagtapat mo. Yun naman ginawa ko di ba? Pinaglaban ko yung pagmamahal ko sayo kahit na nasaktan ko yung kaibigan ko. Ipinagtapat ko pa rin sayo yung nararamdaman mo.

Naniniwala kasi akong kung ipinaglaban mo yung nararamdaman mo para sa isang tao, tanggapin man niya o hindi yung pagmamahal mo, ayos lang. Ang mahalaga ay wala kang pagsisisihan sa huli.

Madami man akong pinagsisihan sa mga nagawa ko noon, hindi ko naman pinagsisihang minahal kita. Mali mang mahalin ka dahil mahal mo yung kaibigan ko. Ayos lang. Madami naman akong natutunan.

Wala naman tayong problema di ba? Naging ayos parin naman tayo sa kabila ng mga nangyare. Sana kahit anong mangyari manatili pa rin yung pagkakaibigan natin. Hindi man naging maganda yung mga nangyari satin noon, sana hindi yun maging hindrance sa friendship natin. At sana magtagal pa yung friendship na meron tayo.

At ngayon, gaya ng sinabi ko nung birthday mo. Happy Birthday Babes. More birthdays and blessings to come. I wish for you to have a good health. Always take care of yourself and continue to make other’s smile. Hindi mo alam kung gano karami yung mga taong napapasaya mo at tumatawa dahil sayo. Thank you for being a friend to us. Thank you for sharing happy moments with me. And I hope our friendship last. Happy Birthday Jin :D

Dear BabesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon