Grabe. Muntik nakong ma-late kanina. Buti nalang late din yung teacher namin sa English 105. Sabagay, late naman lagi si Ma’am. Minsan nga, hindi pa yun pumapasok eh. Kaya sobrang free ng araw namin pag ganun.
Last sem nga sya din yung teacher namin, kaso sa Humanities naman. Tas ayun, parang wala lang. Quiz namin, true or false lang. Minsan identification tas may pamimilian pang sagot. Elementary lang ang peg? Swerte swerte namin. Kaya nga 1.25 ako sa kaniya eh. Dapat uno yun eh, kung wala lang akong bitter na kaklaseng hindi ako sinama sa listahan ng may plus points. Tuwing naaalala ko talaga yun, kumukulo dugo ko. Argg!
Biruin mo lahat sila na kasama ko, uno tas ako lang yung naligaw? Sino naman hindi magtataka dun? Aber aber.
So much for that. Naglalakad kami ngayon papunta sa susunod na klase namin. Accounting 105. Isa pa to. Wala akong alam dito. Credit debit. Ni hindi ko nga kabisado ung mga normal side ng mga accounts eh. Hahaha. Paano naman ako papasa neto di ba?
Napatigil ako sa paglalakad nung siniko ako ni Tris.
“Hoy Tammy!” sabi niya
“Oh?” sagot ko
“Aba. Kanina pa ko nagsasalita dito ah. Tas di naman pala nakikinig. Ano ba yan.” Pagrereklamo niya
“Aynako Beatrice magtigil ka. Ano ba yung sinasabi mo?”
“Tinatanong ko lang naman kung may sagot ka sa Problem # 3 sa assignment natin?”
“Tinatanong pa ba yan? E di malamang wala. Ako pa gumawa? Baka may sakit na ko nun. Kailan ba ko gumawa ng assignment sa Accounting na yan e di naman iche-check. Sayang lang tinta ng ballpen at pilas ng papel.”
“Buti pa sa tinta ng ballpen at sa papel naghihinayang ka. Pero sa pera ng magulang mo pampaaral sa’yo, hindi ka nanghihinayang. Grabe ha.” Singit ni Sue
“Whatever. Hindi ko naman sinasayang yung pera ng magulang ko.”
Nakarating na kami sa classroom namin. Ang ingay ingay ng mga kaklase ko. Tawa dito, daldalan doon. May mga kanya kanyang mundo.
Kaming tatlo? Wala, tahimik lang. Si Tris, gumagawa ng assignment. Siya lang naman talaga masipag samin eh. Si Sue, ayun katext boyfriend niya. Lagi naman eh. Hahah.
Nagtataka ba kayo kung bakit sila lang yung nakakausap ko? Patay na kasi kami. Mga kaluluwang gala na lang kami. Joke lang. Hahaha.
Eh kasi tinatamad ako ikwento yung mga iba pang nagyayari sakin. Kung sino mga kumakausap samin. Ganun. Like, may connection ba sila sa ginagawa ko di ba? Wala naman eh.
Teka, parang may nangangalabit sakin. Pinupuntirya pa yung mga baby ko, baby fats. Mehehe. Lumingon ako sa gilid ko.
“Oy.” Sabi nung katabi ko
“Oy ka din. Bwahahah. Bakit ba?” Lakas tama ko eh.
“Maka-oy ka ah. Parang hindi tayo magkakilala.” Sabi niya
Hahah. Nakakatawa talaga si Vince. Parang ewan lang. Vince pangalan nung katabi ko. Kaklase namin tsaka officer din sa council namin. Treasurer siya, ako naman yung secretary.
Mabait yan. Kuya kuyahan ko na rin. Lagi niya kong tinuturuan sa Accounting. Pag nga hindi ako nakikinig, binabatukan ako niyan eh.
“Sige. May kausap pa ko.” Sabi na naman niya.
“Ano ba kasi yun?”
“May assignment ka na sa Accounting?”
“Bakit? Mangongopya ka?”
