Chapter Ten

35 1 0
                                    

Habang.. *sniff* Habang binabasa ko yung convo namin, naiiyak ako. Ugh. Habang tina-type ko yung convo namin, parang bumabalik yung sakit. Oo. Parang bumabalik lahat ng sakit nung mga panahong mahal ko pa siya.

Hindi ko alam kung paano ba napunta sa ganito yung lahat? Gusto ko lang naman siya tulungan noon. Gusto namin siyang tulungan kasi hindi niya deserve yung ganung treatment.

Kasi kung mayroon mang nakakakilala kay Leila? Kami yun eh. Kasi kaibigan din namin siya. At alam namin kung ano yung nangyayare. Ayaw lang naman namin noon na masaktan pa si Jin ng sobra. Na tama na yung sakit na narararamdaman niya noon, wag na sanang madagdagan pa.

Kaya nga we came up to a plan na tulungan siyang mag-move on. Syempre, sa lahat ata samin noon ako yung pinaka-close kay Jin at Leila. Ako lang yung nakakatagal sa kakulitan ni Jin that time.

Ako yung number one na nag-insist na mag-move on na siya.

At gaya ng sabi ko sa entry ko, okay naman nung simula eh. Everything went fine as what we’ve expected. Not until I fell for him. Yun lang naman yung nagpagulo sa sitwasyon.

I blame myself for the consequences of what I did back then. Madaming nasira, pagkakaibigan at relasyon. Na kung tutuusin eh hindi naman dapat masira kung hindi lang dahil sakin. Dahil sa pangingielam ko. Ako yung may kasalanan.

Ang sama ko noon. Yung mga ginawa ko. Pakiramdam ko ang selfish ko. Na instead na makatulong ako, lalo lang nagulo lahat.

Unang nasira yung pagkakaibigan namin ni Leila.

~*~**~*~

Flashback

Nagkwekwentuhan kaming magkakaibigan. Tapos..

“Oy, tara magsabihan ng positive sides at negative sides ng bawat isa.” Sabi ni Chelle

“Sige. Pero dapat walang mag-oover react ah. Be optimistic dapat. Dapat tanggapin  yung lahat ng sasabihin ng bawat isa in a positive way. Wala dapat magbabago satin after nito.” Sabi ni Leila

“Oh sige sige. Sinong mauuna?” sabi ko

“Ganito bunutan na lang.” Sabi ni Zee

“Dahil ikaw nakaisip, ikaw gumawa ng bunutan.” Sabi ni Tel

Pagkatapos gumawa ng bunutan, bumunot na.

Nauna si Leila.

“Oh ano game na?” Zee

“Oo. Ako muna” Chelle

“Game.” Ako

“Leila alam mo kasi napapansin namin na masyado kang spoiled. Lahat ng gusto mo nasusunod. Pag hindi naman, nagagalit ka. Tapos yung mga gamit mo, panay mahal. Sunod sunod pang binibigay sayo. Oo mayaman kayo kaso syempre di ba sila Tita yung naghihirap dun? Pinagpapaguran nila Tita yun. Sana lang, wag naman sunod sunod yung pagpapabili mo.” Chelle

“Oo nga Leila. Tska yung kay Ate Ashley. Alam natin na pinag-aaral siya ni Tita pero napapansin kasi namin na sobra naman yung ginagawa mo sa kaniya. Yung minsan na nasa Educ siya, pinapunta mo pa dito para lang bumili ng tubig mo. Eh kaya mo naman na bumili ng ikaw lang di ba? Yung mga ganun. May mga bagay naman na kaya mong gawin na hindi mo na kailangan pang i-asa sa iba. Naiintindihan mo?” Ako

Nagsimula ng umiyak si Leila. Na-guilty kami.

“Sinasabi lang namin to kasi kaibigan mo kami. Gusto lang namin baguhin mo yung sarili mo in a better way.” Zee

Dear BabesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon