Grabe, habang nagpiprint ako kanina, muntik pa kong maubusan ng colored paper. Kamalasan nga naman. Buti na lang sumakto pa sa bilang nung ipi-print ko.
Anyways, nagsusulat na ulit ako. Double time ehh. Mamaya ko na ulit kayo kakausapin ha. Bye bye..
As days passed by, lalo lang akong nasasaktan sa mga nakikita ko. Seeing you in that condition, hindi ko mapigilan ang hindi masaktan.
OMG. Why so drama? Hahahah..
Hindi ka pa ba nahihirapan sa pinag-gagagawa mo? Hanggang kailan mo ba talaga balak humawak at maghintay?
Sa tuwing tumatawag ako o nagtetext, palaging hindi mo nakakalimutang tumawa. You always laugh. Hobby mo pa nga ang pagkanta eh.
Parang ang saya saya mo. Parang wala kang problema.
Pero masaya ka nga ba talaga? Totoo nga ba yang mga tawa mo? O sa likod nyan eh nagtatago ang tunay mong nararamdaman?
Kalungkutan.
Yan ang tunay mong nararamdaman di ba? Deep inside, nasasaktan ka talaga. Nahihirapan ka na. Yet, you can still manage to laugh and pretend to be happy in front of everyone else.
Pwede na siyang mag-artista. Bagay na bagay eh. Chill chill lang sa kaniya. Magaling magpanggap ang mokong eh pati na magtago na nararamdaman.
Minsan nagtataka ako. Tinatanong ko yung sarili ko kung paano mo ba lahat to nagagawa? Hindi ko alam kung kailangan ba kong mabilib sa’yo o ano.
Trulalu. Kung ako siguro yun, wala na ah. Ngumawa na lang maghapon magdamag. Hahah. O kaya baka matagal na kong sumuko tas aawayin ko pa yung nanakit sakin para quits kami. Lol. Ano ba tong pinagsasasabi ko. Mehehe.
Napaka-determinado mo. It seems that no one can stop you from believing na babalik pa siya sa piling mo.
Ilang buwan na nga ba ang nagdaan since the last time you talked with her? Medyo matagal na rin naman di ba?
Isn’t that enough? Hindi pa ba sapat yung ilang buwan na nawala siya sa tabi mo para subukan mo naman ng mag-move on?
I wanted to help you. Gusto kitang tulungan para makalimutan mo na sya.
Pero alam mo ba kung ano yung nangyari?
I fell in love with you.
Oo. Nahulog ako sa’yo,
WHAT IS THE MEANING OF THIS?? HAHAHA!
So ganito pala yung confession ko. Ang aga ko namang na-inlove sa kanya. Grabe much. Hahaha. Ganun ganun lang, nahulog na ko. Wait, there’s more.
Hindi ko inakala na sa kagustuhan kong tulungan ka eh ganito pala yung mangyayari. I never expected for this to happen.
Kasi sa totoo lang, alam ko namang hindi pwedeng mahalin kita.
Una, dahil kaibigan ko yung mahal mo.
Pangalawa, kaibigan lang ang tingin mo sakin.
Pilit kong kinukumbinsi yung sarili ko na hindi totoo yung nararamdaman ko. Na nadadala lang ako sa mga nangyayari. Na baka naaawa lang ako sa’yo kaya iniisip ko na mahal kita.
But even though how many times I’ve tried to deny it, wala na eh. I know na mahal na talaga kita.
I don’t know what to do. Because loving you means hurting myself. At sa totoo lang, ayoko pang masaktan.
I’m not yet ready for another heartbreak.
Pero anong magagawa ko? Andito na eh.
Maybe, I’ll just accept na totoo na to. Na dapat ihanda ko na yung sarili ko na masaktan dahil ikaw yung minahal ko.
Iiyak na ba ko? Grabe naman ang drama drama ko noon. Well, hanggang ngayon din naman. Hahah. Shemay. Bat nga ba kasi ako na-inlove sa mokong na yun. Eh panay kalokohan lang alam nun. Tas panay Leila lang. Leila. Leila. Leila. Oh selos na ko? ASA. Haha. Baka noon, oo. Ngayon? I doubt it.
Weeks passed and I was so happy.
Nag-improve ka na kasi eh.
Hindi mo na sya ganun tinatanung sa akin. Hindi mo na ko kinukulit about sa kanya.
I thought okay na ang lahat. Na unti unti ka na nakakamove on.
Sabi mo pa nga 60:40 na di ba? Atleast malapit na sa kalahati yung pagmomove on mo.
You even said to me na hindi mo na sya mahal. A part of me was happy. Knowing that little by little, you’re trying to forget her and the feelings you have towards her. But still, I’m doubting kung totoo ba talaga?
Nakalimutan mo na nga kaya siya?
O sinasabi mo lang yan dahil mahal kita at ayaw mong masaktan ako kahit na nga ba kaibigan lang ang turing mo sakin?
Ano ba itechiwara. Hahaha. Nakakaewan na magtype. Ang drama ko kasi noon. Feeling ko ibang tao yung nagsulat nito. Parang hindi naman ako yung nagsulat nito. I can’t even imagine myself saying something like this. Parang sobrang senti ko naman.
Anyways, high way. 2:30 am na. May pasok pa ko mamaya. Mamaya na lang ulit. Ciao!