Chapter One

68 1 0
                                    

Ahmm. Hmm. *gulong sa kama*

*Ikot-ikot, tingin sa kisame, bilang ng butiki.*

‘Yung totoo? Paano ko ba ‘to sisimulan?

Wala akong masabi kaya tuloy wala akong masulat. Hahaha.

Ni hindi ko nga alam kung mapaninindigan ko’to eh. Hindi naman sa tamad ako ha pero madali kasi akong magsawa lalo na sa mga ganitong bagay. Hanggang sa simula lang ako.

Para kasing tanga eh. Kinakausap mo yung papel o laptop. Parang eng-eng lang. Well, pananaw ko lang naman ‘yun.

Haynako. Masimulan na nga kesa dumaldal pa ko dito. Bahala na. Basta kailangan ko’to matapos sa loob ng isang linggo.

Hmm. Landscape ba o portrait na lang?

Okay. Landscape na nga lang.

Dikit. Gupit.

Gupit. Dikit.

Dikit. Dikit.

Gupit. Gupit.

Sulat. Teka, handwritten o print na lang?

Para kasing mas may effort pag handwritten. Tsaka maganda naman yung sulat ko kaya walang problema. Pero kasi nakakatamad magsulat. Mas madaling mag-type tsaka mas prone sa error ang handwritten. Baka imbes na matapos ko ‘to ng isang linggo, abutin pa ko ng isang dekada. Haha. OA lang.

Dikit. Gupit. Type.

Print. Gupit. Singhot katol. De joke lang, sinusunog ko kasi yung gilid ng papel para may design di ba?

Type ulit. Gupit. Dikit.

Type. Print.

Print error. Aish, wala ng ink yung printer.

Hanap hanap ng bagong ink. Ayun, meron pa.

Print na. Gupit. Dikit.

Inat inat ng konti.

Type. Isip isip.

Nakakangawit sa likod. Kanina pa ko nakaupo.

Higa. Tingin sa bintana.

O_O

May multo na nakatayo. Naglalakad papunta sa akin. Waaahhh!!

Joke lang. Hahaha! Maliwanag na kasi. Sumisikat na yung araw.

Game na ulit. Gupit. Di-- Teka, maliwanag?? Sumisikat?? Araw?? O_O

Loading.

Loading..

Loading Complete...

OW. SHET NA MALAGKIT. LATE NA KOOOOO.. Kanina gabi pa lang ahh. Six thirty na? Agad agad? Di pa ko naliligo. Patay ako nito kay monster este kay teacher.

*toktok*

“Tamara Mara. Lumabas ka na diyan.”

Ow. Isa  pa pala ‘tong si Kuya. Panigurado sermon ang abot ko nito pag nalaman niyang hin-

*bukas pinto*

“TAMARA MARA ALLEGRE! Tara-- HINDI KA PA NAKAKALIGO?? Anong oras na ah? At ano yang mga kalat na ‘yan sa kama mo ha? Mukha na namang basurahan ‘tong kwarto mo.”

Woosh. Eto na nga ba yung sinasabi ko eh. Sermon na naman. Umagang umaga ehh.

“Ah. Eh. Wait lang Kuya kong mabait. Ten minutes lang talaga. Promise!” sabi ko with matching pa-cute na face. Haha!

“Ten minutes your face. Katatapos mo lang maligo nun. Six thirty five na! Seven pasok ko. Idadaan pa kita sa school mo. E di na-late na ko nun. Bahala ka na diyan. Mag-commute ka na lang,”

Dear BabesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon