Final Chapter

31 0 0
                                    

Hello. Kilala niyo naman ako di ba? Ako si Tris. Eepal muna ako..

Kahapon andun kami sa Grandstand kasama ko sila Sue at Tammy. Nagdadaldalan kami ni Sue ng bigla ko nalang narinig si Tammy na parang may binubulong habang nakaharap sa laptop niya.

~*~*~*~

Flashback

“Sue pahiram ng book mo ng Allegiant ha. Balita ko nakabili ka na daw eh. Tutal naman hindi ka pa tapos sa Insurgent.” Sabi ko

“Ayoko nga. Tapos mo na ba yung I am Number Four?” Sabi naman ni Sue

“Hmp. Eh di wag. Yung kay Tammy nalang.” Sabi ko sabay irap sa kaniya.

“Hoy Tammy pahiram naman ng libro oh.” Sabi ko. Kaso hindi siya sumagot. Nung tingnan ko siya, nakita kong nakatulala lang siya. Tas narinig kong may sinasabi siya. Kaya naman lumapit ako.

“Buti na lang hindi siya nagbubukas ng Wattpad niya.” Narinig kong bulong ni Tammy.

Hmm. Ano kayang tinutukoy niya. Alam ko naman kung sino eh. Malamang si Jin na naman. Pero bakit yung Wattpad? Hmm. I smell something fishy ha.

End of flashback

~*~*~*~

At dahil nga dun, tinawagan ko si Sue kagabi pagkauwi ko.

~*~*~*~

Flashback

Calling Sue..

“Hello”

“Oh bakit?” Sabi ni Sue

At kinwento ko nga yung nangyari kahapon.

“So anong plano mo? I know you. Spill it.” Sabi niya

“Ganito yan, bukas daldalin mo si Tammy tapos hihiramin ko yung laptop niya. Hahanapin ko kung ano yung tinatago niya. Malamang may iba pa siyang regalo kay Jin. Tagalan mo para magkaroon ako ng time na mahalungkat yung mga files niya.”

“Feeling ko alam ko na kung ano yung hahanapin mo. Story yan. Sa documents niya lang yan nakalagay. Kaya pala lagi niyang dala yung laptop niya. Galing mo talaga Tris.”

“I know right. Hahah. O basta ganun ha.”

End of Flashback

~*~*~*~

At ngayon kasalukuyan akong nagta-type. Obvious naman di ba? Kanina kasi naisagawa namin yung plano namin. And tama kami. Nakopya ko yung files niya. Grabe Sabi na eh. May story siyang ginawa. Hahaha. Nabasa na nga namin eh. At ngayon andito kami ni Sue sa bahay.

Balak naming i-post yung story niya. Hindi man niya naibigay yung scrapbook atleast may story naman. Ayos na yun. At eto nga hina-hack namin yung Wattpad account ni Tammy.

“Hoy, tulungan mo nga ako dito.” Sabi ni Sue

O siya mamaya na ulit. Tulungan ko muna to.

After 1 hour, nabukas na rin namin.

At eto nga i-popost na namin. Nakagawa na din kasi kami ng cover.

“Oh ano. Game na?” Tanong ni Sue

“Teka ilalagay ko lang yung sinulat ko.” Sabi ko

“O siya. Feelingerang writer. Hahaha.” Sabi niya

“Oh ayan okay na.”

At pinindot niya na nga ung PUBLISH button.

“Mission accomplished!” Sabay naming sabi ni Sue at nag-appear pa.

Dear BabesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon