Chapter Two

42 1 0
                                    

Nagising ako dahil sa ingay na naririnig ko mula sa labas. Ano na naman kaya ang nangyayari at may mga nagsisigawan? Inikot ikot ko yung mata ko sa paligid. Teka, nasan ba ko? Bakit wala ako sa kwarto ko? Paano ko napadpad dito sa attic?

Tumayo na ko at akmang lalabas nang marinig ko na naman yung mga boses na nagsisigawan.

“TAMMY. TAMMY. Nasan ka?”

Teka boses ni Kuya yun ah.

“Yaya, sigurado ba kayong hindi niyo napansin na umalis si Tammy ng bahay? Baka naman pumunta sa mga kaibigan niya?” tanong ni Kuya sa kausap niya which is si Yaya.

“Hindi ko talaga sya napansing umalis anak. Pagdating niya nag-diretso agad siya sa kwarto at matutulog daw. Nung puntahan ko naman, wala siya dun.” Sagot ni Yaya

“Eh sinubukan niyo na po bang tawagan sina Tris at Sue?” tanong ulit ni Kuya

“Oo anak.. At wala naman daw sa kanila si Tammy. Yung cellphone naman ni Tammy naiwan sa kwarto.”

“Oh sige Yaya. Baka andito lang yun. Hanapin na lang ulit natin.”

Oh my gas. What is the meaning of this? Why are they making hanap to me. Eh dito lang naman me. Makalabas na nga bago pa kung anong isipin nila Kuya. Baka i-report pa sa police na nawawala ako.

“Hello World.” Masigla kong bati habang nakatayo sa harap nila. And so nakakatawa their face. Like nakakita ng ghost.

“Hello. Yuhuu.. I’m here. Why are you making hanap to me?” tanong ko.

Sumagot si Kuya na mukhang nabunutan ng tinik nung nakita ako, “Tammy saan ka ba nagpunta ha?”

“Hello. Saan ba ko lumabas Kuya? Sa attic di ba? Malamang dun ako nagpunta.”

“Tamara Mara tigil tigilan mo ko sa ganyang pagsagot sagot mo ha. Alam mo bang kanina ka pa namin hinahanap? Akala namin kung ano na nangyari sayo.”

Oh no! Andiyan na si crush este nagagalit na pala si Kuya. Better make may sagot to him na ng maayos.

“Eh di ko din alam kung bakit ako nandito eh. Ang alam ko nasa kwarto ko ako natutulog tapos nagising ako ka.. Oh I know na. Nauuhaw kasi ako kanina kaya lumabas ako para uminom. Siguro dahil sa antok pa ko nun, di ko namalayang sa ibang lugar pala ko nagpunta at dun na nakatulog. Hihi. Sorry.” Paliwanag ko ng nangyari.

“Okay.” He sighed. “Sa susunod siguraduhin mo munang gising ka na bago ka pumupunta kung saan saan ha. Baka sa susunod sa kalye ka na mapunta. Nag-alala pa naman din kami sayo.”

“Oo na po. Sorry.”

“Oh tama na yan mga anak. Ang mahalaga ligtas si Tammy. Tara na sa baba at kakain na.” Singit ni yaya

“Merienda? Gusto ko ng chocolate cake at gatas yaya.” Masaya kong sabi. Nagugutom na ko eh.

“Anong merienda ka dyan Tammy. Seven na po. Kakain na tayo ng hapunan.” Sagot ni Kuya sa tanong ko

Seven? Seven na? Kanina three pa lang ah. Apat na oras akong nakatulog?

Ow. I thought hapon pa lang. So anyways, tara na po. Nagugutom na ko eh.”

At nagsimula na kong maglakad pababa.

Pagkatapos namin kumain, umakyat na ko sa kwarto ko at nag-shower. Pagkabihis ko, umupo na ko sa kama ko. Sisimulan ko na ulit yung ginagawa ko.

Kagabi natapos ko na yung design nung cover page at likod nung scrapbook. Di ko pa nga lang alam kung ano yung ilalagay ko sa harap. Ngayon naman sisimulan ko ng lagyan ng laman yung loob.

Dear BabesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon