♫ You’re my honeybunch sugar plum
Pumpy hummpy umkin
You’re my sweetie pie
You’re my cuppycake gumdrop ♫
Aish. Hikab hikab. Anong oras na ba? Five thirty pa lang? As in five thirty? OMG! First time kong maagang nagising.
Yuhuu! ‘Em so happy. Lalalala~
Kailangan ko ‘to ipagmalaki. Sigurado matutuwa sila Kuya at Yaya ‘pag nakita akong gising na. Mehehe.
Pagdating ko sa kusina, andun na si Kuya at nakaupo. Mukhang busy. Inaayos niya ata yung final draft ng thesis niya para mai-distribute na sa lahat ng professors niya. INC pa kasi yung isang subject niya. Ewan ko ba dito kay Kuya, hindi pa kasi inasikaso nung may pasok. Ayan tuloy kahit bakasyon, pumapasok sya.
Oo. Bakasyon na. May na kaya. At bakit kami may pasok? Nag-summer kasi kami. Advance subject para hindi hassle next na pasukan. Para maluwag di ba? Tutal wala naman kami gagawin ngayong bakasyon. So better be productive di ba?
“Good Morning Kuya Jet. Good Morning Yaya.” Bati ko sa kanila
“Oh buti naman nagising ka ng maaga. Akala ko gusto mo na naman maiwan eh.” Sabi ni Kuya
“Oo nalang Kuya. Iisipin ko na lang Good morning din Tammy yung sinabi mo.” Asar kong sabi. Hmpp. Buti nga maaga ako nagising eh. Hindi man lang natuwa.
“Oh tama na yan kayong dalawa. Ang aga aga eh.” Sabi ni Yaya na biglang humarap sakin at ngumiti. “Good morning din Tammy. Maupo ka na at kumain na kayo ng kuya mo.”
“Opo yaya.” Sagot ko.
Buti pa si Yaya mukhang masaya na maaga akong nagising. Baka nga si Yaya talaga ang tunay kong pamilya. Huhu.
Binilisan ko nalang ang pagkain. Aakyat na sana ko ng biglang nagsalita si Kuya.
“Kung ano ano naman yang iniisip mo Tammy. Syempre masaya ako na maaga kang nagising ngayon. First time na hindi ka ginising. Pero kasi ako nag-alarm ng cellphone mo kaya alam kong magigising ka ng maaga. Naiintindihan mo ba? Kaya wag ka na magdrama dyan at maligo ka na.”
Natuwa naman ako. Hahaha.
“Ayie. Ikaw nga nagdradrama dyan eh. Ang aga aga ang sweet mo. I love you Kuya. Haha. Sige maliligo na ko.” Masaya kong sabi sabay akyat na sa kwarto.
Six fifteen ng umalis kami sa bahay. At ngayon andito na ko sa Qwerty. Actually, hinahanap ko sina Tris. Maaga din kasi pumapasok yun eh.
At ayun, na-sight ko na sila.
“Tris. Sue.” Sigaw ko habang papalapit sa kanila.
“Yuck Tammy. Wag mo nga sinasabi ng magkasunod yung pangalan namin. Nagmumukhang tissue eh.” Reklamo ni Tris
“Ahahaha. Oo nga nuh. Tris. Sue. Tissue.” Sabi ko habang tumatawa.
“Oo Tammy. Masaya ka na niyan” sabi naman ni Sue na halatang naasar na din.
“Okay. Titigal na. Ang KJ niyo ha,” sabi ko
“Psh. Oh teka, himala at ang aga mo ata pumasok.” Pansin ni Tris
“Oh buti napansin mo. Hahaha. Bagong buhay lang. Mehehe.” Sagot ko
“Whatever Tammy.” Sabi ni Sue
“Whatever your face Sue. Tara na nga pumasok.” Aya ko sakanila.
~*~*~**~*~*~
After ng class namin ngayong umaga, mamayang three o’clock na ulit yung susunod kaya andito kami ngayon sa Grandstand. Umorder kami sa Jollibee ng pagkain at dito na balak magpalipas ng oras habang wala pang klase.
