Chapter Four

26 1 0
                                    

♫ You’re my honeybunch sugar plum

Pumpy hummpy umkin

You’re my sweetie pie

You’re my cuppycake gumdrop ♫

Nagising ako dahil sa alarm ko. Buti na lang epektib talaga yung alarm clock sa cellphone.

10:15 pm na. Kinuha ko yung journal ko tapos yung laptop ko. Magsusulat na ulit ako. 3 days na lang bago yung birthday niya. Wala pa ko sa kalahati ng ginagawa ko. Paano ko ‘to matatapos sa oras.

Buti na lang pala nakita ko ‘tong journal na ‘to. Atleast kokopyahin ko na lang yung mga isinulat ko noon. Kaso nga lang yung mga nakasulat dito eh yung mga hinanakit ko nung 4th year ako. Yung mga nararamdaman ko noon.  Mahirap naman i-edit para sumakto sa time frame ngayon. E di panay “noon” nalang ang isusulat ko dito.

PS: Hoy. Lalaki. Pag binasa mo ‘to. Isipin mo nalang eto yung nararamdaman ko noon at hindi na ngayon. Madami ng nagbago. Isang taon na din. Imposible namang ganun pa din di ba?

Isinulat ko sa taas na taas. Nilakihan ko pa yung font para kitang-kita. Naka-bold pa. Hahah. Kilala ko yang lalaki na yan eh. Dakilang assumero, feelingero. Lels xD Baka kung ano pa isipin niya.

Ano? Magpapakatanga Ka Nalang Ba Talaga? Srsly? Bat may title? Hahaha.

Di ba nga sabi ko kaibigan na kita? Na mahalaga ka na sakin kahit papaano. Kahit na nga di ba lagi kitang minumura?

Hahaha. Oo nga. Lagi ko siyang minumura noon.

Pasensiya na nga pala dun ha. Hindi ko kasi alam kung paano ko ipapakita na mahalaga ka na sakin. Malay ko ba. Basta ganun yun.. Mahirap kasi i-express yung feelings ko eh. Lalo na pagdating sa’yo. Eh hindi ko kasi alam kung kaibigan na nga rin ba turing mo sakin?

 Totoo naman. Friends na ba kami nun? Malay ko eh. Para sakin,oo.

Hindi naman tayo kasi magkakilala personally di ba? Like what I’ve said nga noon, sa text at tawagan lang tayo nagkakilala. Kaya mahirap mag-assume na close na tayo o hindi pa? So ayun. That’s why lagi akong ganun sa’yo. That’s my way of showing na mahalaga ka sakin talaga. Though alam ko na pwede kang ma-mislead nun. Basta. Yun na yun.

Anyways, di ba nga mahal mo yung kaibigan ko?

Kaya ka nga nasasaktan ngayon eh. Kaya ka nag-dadrama ng ganyan.

Eh choice mo naman yan di ba?

Ayaw mo kasi makinig samin. Sakin. Nagpapakatanga ka nalang dyan.

Tapos magrereklamo ka na masakit na? Na nahihirapan ka na?

Eh sino ba kasi nagsabi sa’yong magpakatanga ka?

Sarili mo lang naman di ba?

Tigas kasi ng ulo mo eh. Ayaw mo kami pakinggan.

Ay. Teka mali pala. Pinapakinggan mo nga pala kami. Yun nga lang, hindi mo naman kasi sinusunod. Pasok sa kanan, labas sa kaliwa ng tenga mo ang drama mo. So I assume pwede kong sabihing nonsense lang lahat ng sinasabi namin.

Hahaha. Natatawa ako. Feel ko galit na galit ako nung sinusulat ko ‘to noon. Grabe. Ang war freak ko talaga. Sermon kung sermon eh. Anyways, type na ulit.

Alam mo ba na nakakapagod ka na? Na nakakasawa ka na?

Ilang beses ba kitang kakausapin? Sasabihin na mag-move on ka na. Na kalimutan mo na lang siya?

Oo. Kaibigan ko yung pinag-uusapan dito. Pero kaibigan narin naman kita di ba. Pasalamat ka nga na ikaw pa kinakampihan ko eh.

Para naman akong teacher neto. Pero sabagay. Nakakapagod nga naman nagsalita ng magsalitan ng wala naman palang nakikinig sayo. Tsaka biruin mo nga, mas kinampihan ko pa siya kesa sa tunay kong kaibigan. Grabe. Ang sama ko naman.

Kawawa ka naman kung siya kinampihan ko. E di lalo ka ng nasaktan. Baka nga mabalitaan ko nalang na naka-libing ka na pala. Hindi pa naman ako makaka-attend ng burol at lamay mo pag nagkataon. De joke lang.

Grabe na talaga yung kasamaan ko nung 4th year ako. Pinapatay ko na siya.

Sabi mo mahal mo siya. Mahirap siyang kalimutan. Hindi naman ako kontra dun eh. Tama ka naman. Mahirap talaga kalimutan yung isang taong minahal mo ng sobra. Lalo na pagmatagal tagal din yung inabot nun.

Pero hindi ka ba talaga napagod na umaasa? Mahal ka niya? Oo.  Alam ko yun. Pero… Pero hindi ka naman niya kayang ipaglaban eh..

Teka? Pagmamahal na nga ba tawag dun? Ewan ko. Para kasi sa iba, hindi.  Di ba nga sabi nila pag mahal mo ang isang tao, ipaglalaban mo siya. Hindi ka bibitaw. Eh bakit siya binitawan ka na agad? Samantalang ikaw, nakahawak pa din.

Kailan ka ba magigising?

Sa katotohanang mahal ka nga niya pero hindi pa rin sapat yung pagmamahal na yun para piliin ka niya at balikan ulit.

Shemay. Naaalala ko na. Eto yung mga panahong hindi siya tinetext ni Leila kasi nga magagalit ata parents ni Lei. Nakakaawa siya nun kasi text siya ng text, wala naman siyang natatanggap na reply. Yun yung alam ko.

Gumising ka na please. Hindi naman na siya babalik eh. Hindi ka pa ba nagsasawa sa paghihintay? Hanggang kailan mo ba talaga balak magpaka-tanga sa kanya ha?

Hays. Grabe talaga to. Tatlong taon din yun ha. Tatlong taon siyang naghintay. Hindi ko alam kung paano niya natagalan yun. Siguro true love talaga? Ang tiyaga niya. Pero at the same time, ang tanga niya. Umaasa sa taong ni hindi man lang magpakita ng clue kung may dapat ba siyang asahan. Maghintay sa taong hindi naman sinabing hintayin mo siya.

Hmm. Madagdagan nga yung sinulat ko sa journal.

Nasaan pa kaya yung pagmamahal dun? Kalokohan. Gaguhan. Nakakapanghinayang yung mga taong nasayang sa wala. Nakaka-hinayang yung effort at pagmamahal na hindi man lang na-appreciate at nasuklian.

Pero ganun nga ba talaga yun? Na sa sobrang pagmamahal mo sa isang tao, handa mong gawin lahat. Handa mong isugal yung puso mo. Pag nagmahal ba, nagiging tanga talaga ang isang tao? Na kahit masakit na, sige pa rin ng sige.

Nawawalan nga ba tayo ng kakayahang gamitin ang isip para malaman kung ano pa ang tama at ang mali. Lagi na nga lang bang puso ang pinapairal natin. Na kahit masakit na, binabaliwala lang natin?

Hindi na nga ba talaga tayo nakikinig sa sinasabi ng iba? Na iniisip natin mga nega lang sila, mga taong kung ano ano ang sinasabi para lang panghinaan ka ng loob. Iniisip natin na sila yung kontrabida sa istorya natin.

Pero paano kung sila pala ang mga fairy godmother sa istorya? Yun nga lang, hindi tayo marunong makinig. Desisyon lang natin yung sinusunod natin. Bakit ganun pag nagmahal? Nagiging bobo. Nagiging tanga?

Okay. Nagdra-drama na ko. Grabe. Na-carried away ako. Feeling ko sakin nangyayari yung mga bagay bagay na to. Word of the day na ata ang salitang tanga. Tanga na lang ako ng tanga. Totoo naman kasi. Nakakatanga magmahal.

Na kahit sobrang talino mo, pag nagmahal ka, instant nagiging bobo ka. Hindi gumagana ng maayos ang utak natin. Parang may energy na humihigop sa mga brain cells natin. Kaya ang tendency, nawawalan tayo ng kakayahang makapag-isip ng tama. Nakakagawa tayo ng mga bagay na mali. Nakakasakit tayo.

Ano ba yan. Parang hindi ako yung nag-iisip at nagsusulat neto. Ano bang nangyayari sakin? Bat ganito? Parang ang dami kong alam? Bat nagpapaka-senti ako. Nakakatawa. Hahaha.

Makapag-print na nga lang muna. At ng maiayos ko na to sa scrapbook. Maaga pa naman eh. 12 palang. Hahah. Anong maaga dun? Maaga na para bukas?

Dear BabesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon