Chapter 1

79 3 0
                                    

Sabay na lumaki sila Luo at Zhen palibhasa mag kasunuran silang pinanganak ay mag kasundo pa ang kanilang mga magulang. Matanda lang sa araw si Luo kaya halos mag Kapatid na ang tingin ng mga magulang nila.

Sa ilang taon na lumipas, si Zhen ang pinag tuunan niya ng pansin, tinuring na kapatid at minahal niya ito. Pareho lamang silang dalawa na iisang anak kaya silang dalawa lang rin ang poprotekta sa isa't isa.

Palaging nasa tabi niya ang kababata, nangako din sila sa sarili na silang dalawa ang mag sasama pang habang buhay kahit na tumanda pa sila. Kaya walang nag tatangkang lumapit Kay Zhen dahil takot ang mga ito kay Luo. Bukod sa barkada nito ay kilala din ang pamilya nila.

Nang makapagtapos ng grade 6 ang dalawa ay lumipat sila sa school na gustong pasukan ng dalaga, kung saan naman masaya ito ay okay narin sa kanya basta kasama nya parin ito.

Ramdam nila pareho ang pag mamahal sa bawat isa, hindi man nila masabi ay alam na nila. Sapat na siguro sa kanila ang pag aalaga at pag mamahal para maramdaman na wala na silang ihahangad na iba pa bukod dito.

Madalas mag kapikonan ang dalawa at nauuwe sa paglalambing. Tinalo pa nga yata nila ang ibang mag karelasyon sa sobrang kasweetan nila sa isa't isa.

 We Secretly In Love With Each Other (LuoZhen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon