Nag pahinga lang ako buong araw dahil kakauwi lang namin kahapon at may pasok na kami bukas, naka kapagod din pala yung fieldtrip namin. May jetlag pa nga yata ako, hindi rin tumawag sila Rim sakin dahil alam kung nag papahinga din sila.
Si Luo naman walang paramdam sakin, ang sweet sweet namin kahapon tapos hindi man lang ako pinuntahan dito sa bahay. Ano naman kaya ang ginagawa nun?
" Zhen, bumaba ka may bisita ka. "-Mommy
" Si Luoluo po ba? "-Zhen
Umiling naman sya saka umalis na, sino naman kaya yun? Sumunod na agad ako sa kanya, pansin ko naman lalake iyon kahit hindi ko pa nakikita dahil sa sapatos niya.
" Hi Yuan, "-Alex
" Anong ginagawa mo dito? "-Zhen
" Pinapasyalan ka, hindi ka daw kasi lumalabas ng bahay kaya pumunta na lang ako. "-Alex
Kanino nya naman kaya nalaman na hindi ako lumalabas ng bahay namin? Wala nga akong pinag sabihan kahit sila Young, stalker ko na ba talaga sya? Kakaiba talaga sya,
" Wala naman akong sakit para dalawin mo, "-Zhen
" Namiss lang kita, "-Alex
" Hindi ako nag bibiro, bakit ka nga pumunta dito? -Zhen
" Seryoso ko, namiss lang talaga kita kaya gusto kitang makita. "-Alex
" Sinabi ko na sayong itigil muna, masasaktan ka lang sa ginagawa mo. "-Zhen
" Hayaan mo lang ako Yuan dito ako masaya. Pwede ko ba makita yung kwarto mo? "-Alex
" Umalis kana, "-Zhen
" Ganyan kaba sa mga bisita mo? Atsaka inaantay ko pa yung pagkain na hinanda ng Mommy mo. "-Alex
Mag sasalita pa sana ako ng dumating na si Mommy,
" May kaibigan kapa pa lang lalake, akala ko sila Ric lang. "-Mommy
Binigay nya naman yung pagkain na dala nya,
" Hindi nya po ako kaibigan, "-Alex
" Ganun ba? Ano---? "-Mommy
" Sige po Mommy, aakyat na po kami sa kwarto ko may gagawin pa po kasi kami para sa activity. "-Zhen
Hinila ko naman sya, baka ano pa masabi nya kay Mommy.
" Classmate nya lang po ako Tita, Hehe! "-Alex
Nag tataka naman si Mommy kaya mas binilisan ko pa syang hilahin, ang hirap talaga pigilan ng bibig nya.
Nakahinga lang ako ng maluwag ng makapasok na kami sa kwarto ko, tiningnan ko naman sya ng masama.
" Wag kana magalit, hindi ko naman sasabihin na manliligaw mo ako. "-Alex
" Kelan pa ako pumayag na ligawan mo ako? "-Zhen
" Kahit ayaw o gusto mo, manliligaw parin ako. "-Alex
" Bahala ka. "-Zhen
" At yung nangyare s--- "-Alex
" Wag mo ng ipaalala, nakalimutan ko na yun. "-Zhen
Naupo na lang ako sa kama ko at tiningnan sya na nag lilibot sa kwarto ko, baka mamaya makita sya ni Luoluo na nandito, ano na naman ang iisipin nun. Mabilis ko namang sinara yung kurtina, baka tulog pa yun si Luoluo dahil hindi pa sya tumatawag sakin at pag nalaman nya na nandito si Alex baka mag selos na naman yun. Panira talaga ng araw tong lalake na to,
" Siguro naman makakapunta na ako dito palagi sa bahay nyo dahil kilala na ako ng mommy mo, makakasama na kita ng matagal. "-Alex
Hindi na lang ako kumibo, hindi ko naman sya mapipigilan kahit sabihin kung hindi pwede.
BINABASA MO ANG
We Secretly In Love With Each Other (LuoZhen)
RomanceSimula pag kabata alam na nilang may gusto sila sa isa't isa. Hindi lang bilang mag kapatid ang turingan nila kundi parang isang relasyon na, hindi man nila maamin pero alam nila yun. Pero paano kung dumating ang isang pag subok, pagsubok para malam...