Huling araw na namin ngayon kaya maaga kaming umalis ng Hotel, nag aya kasing mag lakad lakad si Luo tutal aalis narin kami mamaya.
Wala naman din nangyari na maganda kahapon dahil di naman talaga ako nag enjoy, napagod lang ako pero hindi talaga ako nag enjoy.
" Sana may boyfriend din tayong mag aaya para lumabas ngayon, "-Murim
" Sana lahat, nakakainggit. "Hyesun
"Kesa mainggit kayo sakin bakit hindi na lang kayong tatlo lumabas, mamasyal din kayo. "-Zhen
" Pag iisipan namin, enjoy na lang sa lakad mo. "-Hwayoung
Nagbeso naman ako sa kanila saka lumabas, nag aantay na kasi sa lobby si Luo.
Sinalubong nya naman ako pagdating sa lobby,
" Let's go! "-Zhen
" Wait! May inaantay pa kasi ako, pababa narin sya. "-Luo
Napatingin naman ako sa kanya ng seryoso, sino naman ang aantayin nya.
" Diba tayong dalawa ang lalabas? "-Zhen
" Nandito na pala sya, "-Luo
Kumaway naman sya sa likod ko kaya humarap ako, nagulat naman ako sa nakita ko.
" Hi Yuan, sorry nag antay yata kayo. "-Alex
" Hindi naman, kararating lang din nya. "-Luo
" So, let's go? Para mas marami tayong mapasyalan, "-Alex
Inakbayan naman ako ni Luo kaya nag lakad narin ako.
Gulat na gulat ako sa nangyari, kung alam ko na may kasama pala kami sana sinama ko na si Young kesa kasama ang lalake nato. Ano ba talagang balak nya? Bakit napapayag nya itong si Luo?
" Bakit ang tahimik mo yata? "-Luo
" Wala lang, "-Zhen
" Hindi ako sanay, "-Luo
" Akala ko ba dalawa lang tayo? "-Zhen
" Ah! Yun ba? Ang totoo nyan si Alex talaga ang nag aaya na mamasyal sumama lang ako sa kanya at sinabi nya rin na isama ka. "-Luo
Hindi na lang ako umimik, so it was Alex's idea? Sana mas nilinaw nya sakin, kung alam ko lang na ganito sana natulog na lang ako. Akala ko pa naman last date namin dito, yun pala kami ang nakikisama sa kanya. How nice. Iba na yata mag isip ngayon si Luo, kelan pa sya naging ganito sa ibang lalake? Nakakapanibago talaga sya ngayon,
" Siguro ang mabuti pa kumain na muna tayo, kaya tahimik yang si Yuan. "-Alex
" Gusto mo bang kumain na muna tayo? "-Luo
Tumango na lang ako sa kanya, hindi nya ba napapansin na ayaw ko kasama si Alex? Hindi naman sya dati ganito, alam nya kung ayaw at gusto ko. Siguro nga mas nilawakan nya ang pasensya nya at pag iisip para lang kay Alex, tingin nya ba magiging maayos ang relasyon namin kung ganito sya? Mas gusto ko pa yata ang protective at selosong Luo dati kesa ngayon.
Hanggang sa pagkain namin hindi parin ako nag sasalita, silang dalawa lang ang nag uusap pinapabayaan lang nila ako. Mas close pa yata sila kesa sakin, nakakaasar -.- sila na lang kaya ang mag date.
Kailangan ko yung tatlo ngayon, mamamatay yata ako sa katahimikan ko dito. Bwesit.
Nag text naman ako sa kanila na sumunod samin, hindi naman sila nag reply. Baka mamaya natutulog na ang mga yun.
" Zhen, sa souvenir shop tayo? "-Luo
" Ha? Ah. Sige, "-Zhen
Sumunod na lang ako sa kanila, bakit ba kasi hindi nag paparamdam ang mga yun?
BINABASA MO ANG
We Secretly In Love With Each Other (LuoZhen)
RomanceSimula pag kabata alam na nilang may gusto sila sa isa't isa. Hindi lang bilang mag kapatid ang turingan nila kundi parang isang relasyon na, hindi man nila maamin pero alam nila yun. Pero paano kung dumating ang isang pag subok, pagsubok para malam...