Chapter 6

22 2 0
                                    


Hindi naman sumuko si Luo na hindi niya ako makausap kaya pumunta siya sa bahay at tumulong kay Mommy na magluto ng tanghalian namin pero hindi ko sila pinansin at naupo na lang ako sa sala.

" Zhen, may gusto ka bang kainin? Ipagluluto ka namin ni Luo, "-Mommy

" Wala na po, lalabas muna po ako saglit. "-Zhen

" Saan ka pupunta? Maluluto na toh, "-Mommy

Napatingin naman ako kay Luo, hindi kasi alam ni Mommy na hindi kami nag papansinan ni Luo at hanggang ngayon hindi ko parin siya kinakausap.

" Sasamahan ko po muna si Zhen Tita, kayo nyo na po ba mag isa?"-Luo

" Gusto ko muna mapag-isa, babalik din naman ako. "-Zhen

Mukhang nagulat naman si Mommy pero hindi ko pinansin yun at lumabas na ng bahay.

Napadaan naman ako sa basketball court pero hindi ko napansin na nandun si Alex. Naaasar parin ako kay Luo, hinayaan nya lang na lumipas yung araw na hindi siya nag sosorry dahil sa ginawa nya kay Alex. Hindi naman aabot ang lahat ng toh dito kung sa una pa lang nalaman nya na yung pag kakamali nya.

" Yuan! "-Alex

Napalingon naman ako sa likod ko at napansin ko na tumatakbo siya palapit sakin.

" Kailangan mo ng kausap kaya pumunta ka dito? "-Alex

" Hindi. Napadaan lang ako dito, "-Zhen

" Ganun? Bakit saan kaba pupunta?"-Alex

" Gusto ko lang mag lakad lakad, hindi ko kasi gusto tumambay sa bahay. "-Zhen

" Pwede ba kitang samahan? Wala din naman akong ginagawa ngayon, "-Alex

" Bahala ka, may sasabihin din pala ako sa'yo."-Zhen

" Ano yun, may problema ba? "-Alex

" Gusto ko sana na ako na lang ang humingi ng paumanhin sayo dahil sa ginawa ni Luo, ilang araw na kasi ang lumipas pero hindi parin siya nag sosorry sayo. "-Zhen

" Ano kaba hindi ka dapat mag sorry at saka hayaan mo muna sya baka nag mamatigas lang yun. "-Alex

" Pero sorry parin, hindi naman sya ganun eh mabait siyang tao. Inamin nya kasi sakin na nag seselos lang daw sya kaya nagawa nya yun dahil hindi nya na mapigilan yung sarili nya. "-Zhen

" Diba sinabi mong hindi mo muna sya iisipin at babanggitin pa pag kasama mo ako? "-Alex

" Sorry, gusto ko lang talaga na mag sorry sayo."-Zhen

" Okay na kaya wag na nating pag-usapan yun. "-Alex

" Sorry talaga, "-Zhen

" Para naman mapatawad kita, samahan muna lang ako kumain ngayon. "-Alex

Hinawakan nya naman yung kamay ko at hinila nya ako palayo. Hays! Ito na naman ako, sinabi ko sa kanya na di ko iisipin si Luo pag kasama ko sya pero yun parin yung nangyayari ngayon. Pakiramdam ko nasasaktan ko na naman sya bukod sa umaasa sya na magugustuhan ko sya.

Siya naman ang kusang bumitaw ng kamay ko ng mapansin niyang nakatingin ako dun, pero ngumiti lang sya.

" Dito rin ako madalas kumain pag hindi ko naguguluhan yung pagkain sa bahay."-Alex

" Buong mag hapon ka bang nasa labas ka ng bahay nyo!  "-Zhen

" Parang ganun narin, mas gusto ko kasing nasa labas ako ng bahay. "-Alex

Inalalayan nya naman akong maupo bago siya naupo sa upuan nya.

" Anong gusto mo kainin, pumili ka lang. "-Alex

 We Secretly In Love With Each Other (LuoZhen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon