" Good morning Luo, gumising kana maaga pa tayong papasok. "-Zhen
Nakatingin parin ako sa kabilang bahay kung saan naruon ang kwarto niya. Agad ko ulit pinindot ang button para mag salita kaya lang bumukas ang bintana niya.
" Kahit maaga tayong gumising malalate parin naman tayo dahil sa kupad mong kumilos. "-Luo
Napanguso naman ako. Tsk! Hindi man lang nag good morning sakin.
" Maligo kana nga lang. Antayin moko sa labas namin ah! "-Zhen
Mag sasalita pa sana siya ng sarhan ko ng kurtina, mabilis naman akong pumasok sa banyo para makaligo na.
Pag labas ko sa gate agad kung napansin siyang nakaupo sa harap ng kotse niya, nangisi na naman siya.
" I told you, late parin tayo. "-Luo
Napabuga na lang ako ng hangin, pansin ko naman na lumapit siya at inakbayan ako.
" Pero okay lang ang malate kasi kasama naman kita. Buo na agad ang umaga ko. "-Luo
Tinulak ko naman siya.
" Paano naman ako? Hindi na nga buo ang umaga ko wala pa kung good morning na naririnig sayo. "-Zhen
Araw araw kaya niya akong binabati tapos ngayon papasok na lang kami hindi pa niya ako binabati.
Nabigla naman ako ng yakapin niya ako at halikan sa noo.
" Good morning My Zhen. Wag kana mag tampo dyan, hindi ko naman nakakalimutan na batiin ka. Ang ingay lang talaga ng bibig mo kaya hindi ako makasingit. "-Luo
" Tara na nga. Baka malate pa tayo. "-Zhen
Hindi ko talaga kayang itago yung kilig ko pag ganyan ang mga banat nya. Ang sweet este ang corny. Joke.
Pag dating sa hallway may nakabangga sakin dahil nag mamadali itong mag lakad. Napansin naman ni Luo kaya hinigit niya ang braso nito at napaharap siya sa amin. Mukha naman siyang mabait kaso ang angas lang ng dating nya at mukhang baguhan ang itsura nya.
" Hindi kaba mag sosorry? "-Luo
" Bakit ko gagawin yun? Hindi naman yata sya nasaktan. "
Kinapitan ko naman yung kamay ni Luo dahil alam kung hindi siya mag papatalo dito hanggat hindi niya naririnig ang gusto niya marinig.
Tumalikod naman yung lalake na nakabangga sakin.
" Aba! Bastos yun ah. Hindi man lang nag sorry sayo. "-Luo
" Okay lang yun. Hindi naman ako masyadong nasaktan. "-Zhen
Hinila ko na siya para mag lakad kaso patuloy parin siya sa pag bubunganga.
" Ako nga hindi kita makuhang banggain ng ganun tapos siya ganun na lang. Hindi pwede sakin yun. "-Luo
" Nagiging OA kana Luo. "-Zhen
" Ayaw ko lang nasasaktan ka. "-Luo
Ngumiti ako sa kanya.
" Ayaw mo talaga? "-Zhen
Tumango naman siya na parang bata. Abnormal talaga. Kinilig na naman ako. Sya lang ang nag papasaya sakin ng ganito.
Pagkaupo ko ay sunod naman siyang naupo sa table ko. Mabuti na lang at wala pa ang Prof namin.
College na kami pareho ni Luo at pareho kami ng kurso na kinuha. Ayaw nya naman na hindi kami mag kaklase at ganun din ako kaya mag kasama kami hanggang ngayon.
"Pupunta kaba mamaya ng library? "-Luo
" Kailangan ko mag advance lesson at sasama ka sakin. Gusto ko na ikaw parin ang pangalawa sa akin. "-Zhen
BINABASA MO ANG
We Secretly In Love With Each Other (LuoZhen)
RomanceSimula pag kabata alam na nilang may gusto sila sa isa't isa. Hindi lang bilang mag kapatid ang turingan nila kundi parang isang relasyon na, hindi man nila maamin pero alam nila yun. Pero paano kung dumating ang isang pag subok, pagsubok para malam...