Hindi na nakapasok si Luo dahil inaapoy na siya ng lagnat kaya mag isa lang akong papasok ngayon. Sinabi ko na kasi na mag iingat sya ayan tuloy nag kasakit sya. Hindi narin muna kami matutuloy sa date namin, pag gumaling na sya saka ko na lang ipapaalala sa kanya. Marami pa naman kaming oras para dun, ang mahalaga ngayon gumaling muna siya.Hindi nako nag pakita sa kanya kanina dahil alam kung mag pupumilit lang yun na pumasok sya o kaya naman ako ang pilitin nya na wag pumasok. Kailangan ko rin mag review ngayon s library dahil malapit na ang exam namin, tutulungan ko na lang sya mag review pag magaling na siya.
Medyo na nibago naman ako sa pag lalakad ko sa hallway dahil wala akong kasama, walang nakaakbay sakin at maingay.
Naupo naman ako sa desk ko, medyo konti pa lang ang mga stupidyante ngayon dahil maaga pa nga. Nilabas ko naman yung notes ko pra mag basa, may oras pa naman bago pumasok yung Prof namin.
Nakaramdam naman ako na may humalik sa ulo kaya napatayo ako, tawa naman sila ng tawa sakin. Sino pa ba? Yung mga kaibigan kung baliw.
" Ano na naman bang trip nyo? Tsk "-Zhen
" Mukhang nag eemo ka yata ang aga aga."-Hwayoung
" Hindi ako nag eemo, may binabasa lang ako. "-Zhen
" Nasaan si Luoluo, bakit wala yung bag nya? "-Hyesun
" Ah. Kaya naman pala, wala kasi ang Prince charming nya. Haha! "-Murim
" May sakit yung tao kaya hindi sya makakapasok."-Zhen
" Get well soon ko. "-Hwayoung
" Zhen ako ulit ang uupo sa tabi mo ah, "-Murim
Bago pa ako makapag salita naupo na sya, pinipilit naman siyang paalisin ni Hyesun.
" Ako naman ang tatabi kay Zhen, umalis ka nga Rim. "-Hyesun
" Mangongopya ka lang naman kaya gusto mo dito, bahala ka dyan hindi ako aalis. "-Murim
Hinila naman ni Hwayoung si Hyesun,
" Tsk. Wala ka bang tiwala sakin, makakasagot tayo mamaya. "-Hwayoung
" Hindi na ako maniniwala sayo, ganyan din yung sinabi mo sakin eh pero wala naman tayong nasagot. "-Hyesun
" This time mag tiwala kana, promise ko yan. "-Hwayoung
Natawa naman ako dahil hindi mapunta sa mukha ni Hyesun yung tiwala nya kay Hwayoung. Haha!
" Zhen, pakopyahin mo ko mamaya ah. "-Murim
" Kahit hindi muna sabihin, nangongopya ka naman talaga. "-Zhen
Hindi ko na sya pinansin at pinag patuloy ko na yung pag babasa ko. Hindi naman sa umaasa sakin si Murim, kinokopya nya lang sakin yung mga hindi nya naintindihan kaya gusto nya na katabi ako. Ulyanin kasi sya, ang bilis nya makalimutan.
Dumating na yung Prof namin kaya nakinig narin ako.
Hindi naman ako lumabas ng room dahil hindi ako nagugutom, kailangan ko talaga mag review.
" Ayan binili kana namin ng pagkain mo, masyado kang busy. "-Hwayoung
" Pag nandito lang si Luoluo baka pinagalitan kana nun. "-Hyesun
" Salamat, kakainin ko na lang yan mamaya, tatapusin ko lang ito. "-Zhen
Itutuloy ko na sana yung pag susulat ko ng gawin ni Murim yun,
" Pwede ba Zhen may oras para dito mamaya, kumain ka muna. "-Murim
Wala naman akong magawa dahil hindi nya talaga ibabalik yun kaya kumain na lang ako.
BINABASA MO ANG
We Secretly In Love With Each Other (LuoZhen)
RomanceSimula pag kabata alam na nilang may gusto sila sa isa't isa. Hindi lang bilang mag kapatid ang turingan nila kundi parang isang relasyon na, hindi man nila maamin pero alam nila yun. Pero paano kung dumating ang isang pag subok, pagsubok para malam...