Napatingin naman ako kay Alex,
Gusto kung makausap si Alex dahil ayaw ko ng paasahin sya at ayaw ko ng lumapit sya sakin kasi hindi ko na alam kung ano pang sasabihin nila Rim pag pinilit nya parin yung sarili nya sakin. Siya lang naman yung inaalala ko, ayaw ko ng masaktan pa sya pero siya parin naman ang nag pupumilit. Maayos na kami ni Luo ngayon, umamin na kami na mahal namin ang isa't isa at ayaw ko ng masira yun.
" Zhen? "-Luo
Nawala naman yung iniisip ko nung tinawag ako ni Luoluo kaya napatingin ako sa kanya.
Isang linggo narin yung lumipas simula nung mag kasakit sya, at isang linggo narin ang nakalipas nung araw na umamin kami. Hanggang ngayon ang saya ko parin, alam na mga kaibigan ko yung nagyari dahil sinabi ko na sa kanila at ang reaksyon nila halos hindi sila makapaniwala, sobra silang kinilig, matatawa na lang talaga ako sa reaksyon nila.
Hindi ko na kakayanin na katabi si Rim sa sobrang ingay nya. Wala naman akong naiintindihan sa mga sinasabi nya.
" May sinasabi ka ba? "-Zhen
Katulad nga ng sinabi niya hindi nya ako tatawaging girlfriend ko pag may tao pero kanina habang papasok kami kinakanta nya pa yun sakin.
" May laban kami mamaya kaya aalis ako para mag practice, baka hinahanap narin kami ni Couch. "-Lou
" Manunuod kami nila Young, "-Zhen
" Aantayin ko kayo dun, "-Luo
" Samahan na kita, wala parin naman yung prof natin."-Zhen
" Ikaw ang bahala, "-Luo
Hinawakan nya naman yung kamay ko at tumayo na kami at pumunta na sa gymnasium.
" Galingan mo boyfriend ko para sakin. "-Zhen
" Ikaw pa ba girlfriend ko, manuod kana lang mamaya para sa'yo yun. "-Lou
" Babalik na ako sa room, mag practice kana. "-Zhen
Hinalikan nyo yung pisngi ko bago sya pumunta sa mga kasama nya, wala parin si Alex kaya alam kung nasa room pa sya. Pupunta naman sya kaya aantayin ko na lang sya, sumandal naman ako sa pader habang nag aantay sa kanya medyo malayo ako ng konti sa gymnasium dahil nasa labas nga ako.
Malayo pa lang sya napansin nya na ko pero kasama nya yung iba naming ka klase, tumingin lang ako sa kanya mukhang na halata nya naman kaya pinauna nya na yung mga kasama at naiwan sya sa harapan ko habang ako nakasandal parin sa pader.
" Bakit nandito ka, hindi kapa babalik sa room? "-Alex
" Inantay talaga kita gusto kasi kitang makausap, "-Zhen
" Tungkol ba sa mga kaibigan mo? Okay lang naman sakin kahit anong trato nila sakin, ikaw naman ang gusto at wala akong pakialam kung bastusin nila ako "-Alex
" Hindi dun, tungkol sayo. "-Zhen
" Anong tungkol sakin? "-Alex
" Ayaw kung masaktan kapa, kaya na isip ko na mas mabuti pang lumayo kana sakin. Isipin muna lang hindi mo ako kilala, ituring muna lang akong hangin pag nag kikita tayo sa room. "-Zhen
" Ano bang sinasabi mo? "-Alex
" Ayaw ko ng pahirapan ka, ang tanga ko para hindi maisip na pinapaasa lang kita. Hinayaan ko pa na gawin lahat ng gusto mo, hindi ko gusto lalong mahulog ka sakin dahil hindi kita kayang saluhin. Sana naiintindihan mo ko, para din sayo yun."-Zhen
" Sinabi ko na sa'yo na handa akong masaktan, pero yung kalimutan ka at parang wala akong nararamdaman sa'yo hindi ko yata kaya yun. Alam kung nahulog na ako sa'yo, nasasaktan ako pag mag kasama kayo ni Luo lalo na makita yung mga kaibigan mo buto sa kanya samantalang ako pinag tatabuyan nila. "-Alex
BINABASA MO ANG
We Secretly In Love With Each Other (LuoZhen)
RomanceSimula pag kabata alam na nilang may gusto sila sa isa't isa. Hindi lang bilang mag kapatid ang turingan nila kundi parang isang relasyon na, hindi man nila maamin pero alam nila yun. Pero paano kung dumating ang isang pag subok, pagsubok para malam...