Umuwi na nga yung dalawa pagkatapos namin kumain, kaya nag patuloy narin kami sa pag eenjoy dito sa Disneyland.
Humiwalay ulit yung tatlo samin kaya kami na lang ulit ni Luo ang mag kasama, nakikiramdam din yung mga yun samin.
Napatingin naman ako ng hawakan niya yung kamay ko, pero ngumiti lang ako ayaw ko naman ipahalata sa kanya na kinikilig ako.
" Bakit parang ang tahimik mo ngayon? "-Luo
" Hindi naman ah, "-Zhen
" Napapagod kana ba mag lakad? Pumunta muna tayo sa Tea House, may nakita kasi ako kanina. "-Luo
Hindi na lang ako nag salita dahil hinila nya na ako, pag pasok namin dun ganun parin mga mukha parin nila Mickey ang design na nakalagay.
Hindi naman puno yung Tea House kaya nakahanap parin kami ng mauupuan sa dulo kaya nag lakad na ulit kami, nag taka naman ako ng huminto si Luo.
" Nandito pala si Alex, "-Luo
Kumaway naman sya kaya napatingin ako sa kinawayan nya,
" Dun na lang tayo maupo, "-Luo
Pinigilan ko naman sya kaya nag tataka sya sakin
" Hayaan na lang natin sya, maupo na tayo. "-Zhen
" Ano kaba, okay lang sakin. Hindi na ako mag seselos, promise yun. "-Luo
Ngumiti na lang ako ng pilit ng makarating kami sa pwesto nya,
" If you don't mind, can we join you? "-Luo
" Okay lang kung hindi ko naman kayo naiistorbo. "-Alex
" Hindi naman, gusto ko nga na makilala ka sabi kasi sakin ni Zhen mabait ka kaya maniniwala ako sa sinasabi nya. "-Luo
Tumingin naman sya sakin pero nag iwas ako
" Sana nga pala kalimutan na natin yung nangyari dati, "-Luo
" Hindi naman ako nag tatanim ng galit, okay lang sakin. "-Alex
" Kaibigan na kita ah? Tutal mag kaibigan narin kayo ni Zhen, "-Luo
" Oo naman, gusto rin kita maging kaibigan."-Alex
Yumuko na lang ako kasi alam kung nakatingin sya sakin, hindi ko rin alam kung anong pumasok sa utak ni Luo kung bakit ginagawa nya to ngayon. Ako na nga ang umiiwas sa gulo tapos magiging mag kaibigan pa pala sila, paano ko na lulusutan to? Ayaw ko talaga na mag kalapit sila, ngayong hindi pa alam ni Luo na may gusto sakin si Alex. Hays.
" Mukhang nagugutom na yata si Yuan, "-Alex
Hinawakan naman ni Luo yung kamay ko,
" Anong gusto mo? "-Luo
" Ikaw na bahala, "-Zhen
" Osige, iiwan ko muna kayo ni Alex. "-Luo
Pag kaalis nya ang awkward sa pakiramdam na kaharap ko sya,
" Hindi ko na pala kailangan na pilitin ka para makasama, salamat kay Luo. "-Alex
" Wala ng mag babago sa sinabi ko sa'yo. "-Zhen
" Okay lang, basta kasama kita dito. Hindi rin mag babago yung pag mamahal ko sayo, hindi ako susuko. Kaya sana wag mo kung pahirapan, pansinin muna ulit ako. "-Alex
" Hindi tama na mag kaibigan kayo ni Luo, hindi nya pa alam yung tungkol sa nararamdaman mo sakin baka mag bago yung pakikitungo nya sa'yo at yung ayaw kung mangyari dahil mag kakagulo lang. "-Zhen
BINABASA MO ANG
We Secretly In Love With Each Other (LuoZhen)
RomanceSimula pag kabata alam na nilang may gusto sila sa isa't isa. Hindi lang bilang mag kapatid ang turingan nila kundi parang isang relasyon na, hindi man nila maamin pero alam nila yun. Pero paano kung dumating ang isang pag subok, pagsubok para malam...