Napatingin naman ako sa orasan dito sa library, mag aalas dyes na pala sakto na patapos narin ako, kaya inayos ka na yung gamit ko. Hindi ko kasama si Luoluo dahil may practice sila kanina at panigurado na kakauwi lang nya sa kanila, ayaw ko narin na abalahin siya dahil alam kung pagod sya kaya hindi na lang ako mag papasundo sa kanya mag te-text na lang ako kay Mommy. Maraming mga estudyante ngayon dahil mas gusto rin siguro nila na mag aral dito.
Kinuha ko na yung gamit ko saka lumabas na at nag lakad papunta sa kabilang building para dun ko na lang tawagan at antayin yung kotse na mag susundo sakin
Mabilis naman akong tumakbo ng maramdaman kung uulan, medyo nabasa yung damit ko dahil sa lakas ng patak ng ulan. At pag minamalas nga naman ako na lowbat pa yung cellphone ko, paano pa ako makakatawag kay Mommy kung patay na yung cellphone ko. Lumakas pa lalo yung ulan, hindi naman ganun kalayo yung bahay namin pero hindi ako nag lalakad mag isa da kalsada. Paniguradong basa nako bago ako makalabas para mag para ng taxi, aantayin ko nalang tumila yung ulan kaya naupo muna ako sa gilid.
Nakalipas na ang ilang minuto pero patuloy parin ang pag patak ng ulan, naiinip narin ako dahil basa na ang mga paa ko at nilalamig narin ako.
" Mukhang hindi na yata hihinto ang ulan, "
Napatingin naman ako sa nag salita, ngumiti naman siya sakin. Ano naman ang ginagawa nya dito?
" Bakit nandito kapa? "-Zhen
" Inaantay ka, alam ko naman na nandito kapa kaya pumunta ako dito. "-Alex
" Hindi ba't may practice kayo? Hindi ka ba pumunta? "-Zhen
" Kanina pa natapos yung practice namin, akala ko susunduin ka ni Luo pero hindi pala kaya ako na lang ang pumunta. "-Alex
" Bakit ba ginagawa mo parin to? Sinabi ko na sayong itigil muna, "-Zhen
" Hindi ko kayang gawin yun, hindi naman kasi lahat ng oras na sa tabi mo sya katulad ngayon. "-Alex
" Umuwi kana, "-Zhen
" Sumabay kana sakin, ihahatid na kita."-Alex
" Hindi na, aantayin ko na lang tumila yung una. "-Zhen
" Ayaw muna ba talaga akong makita at makasama? "-Alex
" Ayaw ko lang na mag kagulo pa kaya iiwas na lang ako. "-Zhen
Alam kung mangungulit pa sya kaya tumakbo na lang ako kahit alam kung mababasa ako ng ulan, pinigilan naman niya ako at ramdam kung hindi na ako nababasa ng ulan dahil may payong na naka silong sakin pero sya basang basa na sa ulan. Kinuha nya naman yung kamay ko at pinahawak nya sakin yung payong.
" Hindi na bale ako ang mabasa at mag kasakit wag lang ikaw. King ayaw mo talaga pahatid sakin, gamitin muna lang yang payong. Wag kana ng mag papaulan, "-Alex
Nag lakad naman siya palayo sakin, kitang kita ko na basang basa na sya ng ulan. Kagagaling nga lang niya ng practice dahil dala niya yung bag nya.
Bakit ba ganyan ka? Wala akong karapatan na saktan ka pero nasasaktan ka parin dahil sakin. Bakit ba kasi sa lahat ng pwedeng mahalin mo, ako pa? Alam mong may mahal na ako at masasaktan ka pero mas pinili muna mahalin parin ako.
Napatakbo naman ako para habulin sya at pasilungin sa payong kahit alam kung basa na sya.
Hindi ko rin alam kung bakit ko to ginagawa, ang alam ko lang ayaw ko syang masaktan at ayaw ko rin na mag kasakit siya ng dahil sakin. Hindi naman ako tumingin at patuloy parin sa pag lalakad pero kinuha niya sa kamay ko yung payong at siya ang humawak nun. Wala din akong choice kundi angag lakad kasama sya dahil wala naman yata syang dala na kotse, kaya hindi na ako nag abala na tanungin sya. Tahimik kaming nag lalakad pareho habang patuloy parin ang pag buhos ng malakas na ulan.
BINABASA MO ANG
We Secretly In Love With Each Other (LuoZhen)
RomanceSimula pag kabata alam na nilang may gusto sila sa isa't isa. Hindi lang bilang mag kapatid ang turingan nila kundi parang isang relasyon na, hindi man nila maamin pero alam nila yun. Pero paano kung dumating ang isang pag subok, pagsubok para malam...