Masaya ako ngayon makakasama ko sya at matutuloy na yung date namin, kahit kagagaling nya lang sa sakit gusto nya parin na lumabas kami dahil magaling na sya kaya itutuloy na namin.Nahihiya pa nga sya sakin dahil hindi nya agad na grant yung price ko dahil nag kasakit siya, para naman sakin wala na yun dahil gusto ko din na gumaling na sya. Kahit matagalan pa yung date namin bago matuloy mag aantay narin ako kasi sya lang yung tao na gusto ko makasama kasi sa kanya ko naramdaman yung saya.
Alam nya narin yung tungkol sa field trip namin, katulad ko excited narin sya pumunta sa Hong Kong. May plano na nga sya agad ng gagawin namin dun at alam nya na mag eenjoy ako. Basta kasama ko sya lahat na eenjoy ko, ganun siguro talaga pag mahal mo yung isang tao. Ang dali na lang ngumiti at maging masaya dahil kasama mo sya.
" Ibigay mo nga pala sakin yung passport mo mamaya dahil si Daddy na ang bahala dun. "-Luo
" Hindi na, nakakahiya kasi sa Daddy mo. "-Zhen
" Hindi ka parin sanay sa Daddy, para ka ng anak nun eh. Mag tatampo yun pag hindi mo binigay, ikaw rin "-Luo
" Osige na nga, na nakot kapa eh. Kukunin ko muna para nandito parin naman tayo sa harap ng bahay, "-Zhen
Pumasok naman ako ng bahay, nag taka si Daddy pero sinabi ko sa kanya na may nakalimutan ako kaya ako bumalik. Nag hanap agad ako sa kwarto ko, nung makita ko na bumalik na ulit ako sa labas saka binigay sa kanya. Ang hirap naman kasi tumanggi pag yung daddy nya na yung nag sabi, minsan lang kasi yun makiusap kaya pag bibigyan ko na.
" Ibibigay ko na lang pag nakauwi na tayo mamaya, "-Luo
" Salamat Luo, "-Zhen
" Shall we go? "-Lou
Tumango naman ako saka niya ako pinag buksan kaya pumasok na ako sa loob bago siya naman ang naupo sa driver seat.
Nag simula na syang mag maneho sa pupuntahan namin, hindi ganun kalayo yun kaya saglit lang din ng makarating na kami. Bumaba naman kami at nag lakad,
Alam nya naman na hindi akong mapiling tao kahit saan kami pumunta okay lang sakin basta kasama ko sya, mag eenjoy na ako.
" Diba gusto mong makita yung araw na lumubog? "-Luo
" Kaya dinala mo ko dito ganun ba? "-Zhen
" Oo kasi gusto ko tayong dalawa ang makakita nun, dito tayo mag d-date. "-Luo
" Gusto mo talaga ko napapasaya noh? "-Zhen
" Gustong gusto, makita ko lang yang ngiti mo masaya nako. "-Luo
" Salamat ah. Ikaw lang kasi yung nag pangiti-ngiti sakin. Ikaw yung nag bibigay sakin ng mga bagay na imposible kung makuha, dahil pag dating sa'yo walang imposible basta mabigay mo sakin. "-Zhen
" Zhen, "-Luo
Hinawakan nya naman yung mag kabila kung pisngi at tumingin ako sa kanya, nakatitig naman sya sakin.
" Hindi ko man masabi sa'yo nung simula pa dahil hindi ko alam kung paano sabihin ayo, pag lumalapit kapa lang sakin kinakabahan na agad ako kaya hindi ko masabi sa'yo ng harapan. "-Luo
Bakit parang pakiramdam ko ito na yata ang magiging masaya na araw para sakin,
" Zhen, alam kung nararamdaman mo yun sa bawat oras na mag kasama tayo pero hindi ko na sasabi sayo. "-Luo
" Ganun din ako, pareho tayong palaging kinakabahan. Pareho tayong hindi masabi sa isa't isa, pero sana magawa na nating amin yun. "-Zhen
" Hindi ko ito sasabihin sa'yo dahil gusto kung maging mag mamay ari kita, gusto kung sabihin sa'yo yun dahil yun talaga ang nararamdaman ko. Mahal kita Zhen, mahal na mahal."-Luo
BINABASA MO ANG
We Secretly In Love With Each Other (LuoZhen)
RomansaSimula pag kabata alam na nilang may gusto sila sa isa't isa. Hindi lang bilang mag kapatid ang turingan nila kundi parang isang relasyon na, hindi man nila maamin pero alam nila yun. Pero paano kung dumating ang isang pag subok, pagsubok para malam...