Chapter 3

33 2 0
                                    

Tahimik naman akong nakatingin sa kanya habang nag hahabulan sila ng barkada nya. Katatapos lang ng klase namin at sinamahan ko syang mag practice ng basketball nila. May ilang minuto pa sila bago mag simula ang pag sasanay nila kaya nagawa pa nilang mag harutan. Akala ko babae lang ang maharot sila din pala -.-

Napatayo naman ako ng makita ko na palapit sa akin si Alex, ayaw kung mag pang abot sila ni Luo kaya hanggat kaya kung umiwas iiwasan ko sya kaso mabilis naman niya akong naharang at kinapitan nya yung braso ko.

" Hey! Aalis kana agad? Hindi pa naman nag sisimula yung practice ah. Samahan mo muna akong maupo at may itatanong narin ako sayo. "-Alex

Tumingin naman siya kung nasaan si Luo,

" Hindi naman sya nanliligaw sayo diba? Bakit ba parang natatakot kang makita nya tayo. Sinabi naman ni Prof na pwede kitang tanungin kung may katanungan ako diba? "-Alex

" Wala kang alam sa mga sinasabi mo, kaya pwede ba layuan mo ako. At yung sinasabi mo na pwede kang mag tanong sakin, yun yung mga bagay na may kinalaman sa campus hindi sa buhay ko. "-Zhen

" Tsk! Oo nga pala. Pero alam mo ba mas lalo kitang nagugustuhan pag nag susungit kana. Ang cute mo kasi, "-Alex

Binawi ko naman ang braso ko sa kanya at naglakad nako papunta kay Luo na nakatingin na sa amin.

" Anong pinag usapan nyo? Bakit hawak nya yung braso mo? Binastos kaba nya. "-Luo

Ayaw kung sabihin sa kanya yung sinabi sakin ni Alex dahil mas lalo lang lalala at ayaw ko ng mangyare yun.

" Sinabi ko na sa kanya ang lahat ng gusto nyang malaman dito sa campus, wag muna lang sya pansinin. "-Zhen

Mukhang hindi naman siya naniniwala, dahil hindi ako makatingin sa kanya ng diretso.

" Tol, relax ka lang dyan. "-Richard

" Wag mo ng pansinin yun, nag hahanap lang yun ng away. Mag focus kana lang sa practice natin. "-Jisoo

" Mabuti pa nga. Maya maya mag sisimula na yung practice nyo, galingan nyo na lang. "-Zhen

" Para namang sinabi muna hindi kami magaling Zhen? "-Richard

"- Hindi naman sa ganun, basta galingan nyo. Mag c-cheer ako para sa inyo. "-Zhen

" Hindi ba pwedeng ilibre muna lang kami mamaya? Haha! "-Jisoo

" Hoy! Mahiya ka nga dyan Jisoo, babae pa talaga ang manlilibre sayo. Layuan nyo nga muna kami. "-Luo

Binato nya naman yung dalawa kaya tuluyang lumayo ito sa amin. Nagulat naman ako ng hilahin niya ako at niyakap ng mahigpit.

" Promise ko sayo kokontrulin ko  yung sarili ko na hindi patulan yung mokong na yun. Ikaw na lang yung iisipin ko. "-Luo

" Ayaw kung nakikipag away ka. "-Zhen

" Kelan ba ako nasama sa gulo? "-Luo

" Nag sasabi lang ako. Galingan mo ah, sayo ako mag c-cheer,"-Zhen

" Bakit may balak kaba na icheer sya? "-Luo

Binatukan ko naman sya, tawa naman siya ng tawa. Nakakaasar kaya yung tanong nya -.- Alam naman niyang sa kanya lang ako lagi tapos ipagtutulakan nya ako sa mokong na yun. Siya nga yung mahal ko tapos ganyan pa sya.

" Tsk! Kung ayaw mo sa kanya na lang ako mag checheer. "-Zhen

" Kelan ako nag sabi na ayaw ko? "-Luo

" Sa salita mo pa lang eh. "-Zhen

" Wala akong sinabi. Oo nga pala sa labas na tayo kumain mamaya. Sinabi kasi ni Mommy na may bagong restaurant na kabubukas lang malapit dito. Try lang natin, "-Luo

 We Secretly In Love With Each Other (LuoZhen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon