Chapter 14

18 1 0
                                    


This is it pancit. Fly fly away na kami papuntang Hong Kong, maaga kaming nasa airport inaantay na lang namin yung mga Prof namin halos kompleto na kasi lahat ng students dito. Mga excited kasi kami kaya nauna na kami, hinatid na rin kami ng Daddy ni Luo.

" Kung sino pa ang estudyante sila pa ang nauuna, mag aantay pa tayo sa kanila. "-Hwayoung

" Kaya nga, dapat iwanan na sila eh. Ilang minuto na lang flight na natin, "-Hyesun

" Mga babae talaga masyadong mainipin, "-Richard

" Hindi pa marunong mag antay, makakarating rin naman. "-Jisoo

" Hoy mga ugok tigilan nyo nga kami, "-Hwayoung

" Tama na yan, mag antay na lang kasi kayo. "-Luo

Natahimik naman sila, ilang saglit lang dumating na sila kaya pumili na kami para makapasok.

Pagkatapos naming mahanap yung mga upuan namin, nag kanya kanya na sila kaya hindi ko narin sila inabala. Nasa unahan namin si Rim at Young, nasa gilid naman namin sila Jisoo at Ric tapos si Hyesun ang nasa likod namin hindi ko alam kung sino yung katabi nya dahil wala pang umupo dun.

" Picture muna tayo girlfriend ko, "-Luo

Sumandal naman ako sa balikat nya saka ngumiti,

" Ayan may picture na tayo, sisiguraduhin ko sayo na mapupuno ng mga pictures natin itong camera na dala ko at kasama narin yung moment na kasama kita. "-Luo

" Hindi pa nga tayo nakarating, may moment na agad tayo. Ang corny muna kasi, Haha! "-Zhen

" Para naman maalala mo lagi yung kakornihan ko, Haha! "-Luo

" Mga kababuyan, Haha! "-Zhen

" Dibale na mahal mo naman, "-Luo

" Korni parin, Bleeeh. "-Zhen

Pinisil niya lang yung pisngi ko saka sumandal na siya sa upuan nya, paalis narin kami kaya tumahimik na yung mga tao.

" Matulog ka muna saglit, gigisingin kita pag nandun na tayo. "-Luo

" Hindi ako inaantok eh, ikaw na lang ang matulog babantayan kita. "-Zhen

Natulog naman sya, napuyat yata sya kagabi hindi ko rin alam kung anong mga pinaggagawa nya kasi maaga akong natulog dahil nga maaga kaming pupunta ng airport.

Kinapitan ko naman yung kamay nya saka ko sya tinitigan, kahit tulog sya napapangiti nya parin ako iba talaga yung dating nya sakin

" Babaeng mapagsamantala pag tulog si Luoluo, Haha! "-Murim

" Inggit ka lang kamo, Haha! "-Richard

" Tsk. Nag salita ang isa dyan, ganun din naman. "-Hwayoung

" Bawal PDA dito sa eroplano baka langgamin pa kami, "-Richard

" Nadali mo Ric, nilalanggam na nga ako. "-Murim

" Matulog na nga lang kayo, mawawala din yang langgam mamaya. "-Zhen

" Tanggalin mo muna yung kamay mo kay Luo, Haha! "-Richard

Nag roll eyes lang ako sa kanya, tinigilan narin nila ako kaya tumahimik na ulit siguro matutulog na sila ngayon. Mas maganda na yun para may energy sila mamaya pag nandun na kami dahil marami kaming lilibutin mamaya. May kanya kanya kaming bucket list dahil pinagawa kami ng Prof namin para alam daw namin yung mga gagawin namin dun para hindi masayang yung oras namin, kaya mag ka katime kami ni Luo na mag kasama dahil halos lahat pareho kami ng sinulat.

-

Pagkarating pa lang namin sa airport para na kaming mga timang dahil kanina pa kami sumasayaw simula nung makababa na kami sa eroplano. Puro excitement kasi yung nasa utak ko ngayon, nagiging hyper narin ako katulad nila. Haha!

 We Secretly In Love With Each Other (LuoZhen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon