PANIMULA
"Patuloy kitang mamahalin kahit di mo na malaman."
"Kahit di ko na malaman ang nararamdaman mo para sa akin, basta alam ko ang nararamdaman ko para sa'yo, masaya na ako."
"Kahit di na niya malaman na nasasaktan nako, hindi ko siya iiwan."
Dalawa lamang ang pinaka masayang pakiramdam sa mundo. Ito ay ang pakiramdam ng may minamahal at ang pakiramdam ng may nagmamahal. Minsan hindi maiiwasan na magkaibang tao ang iyong minamahal, at ang taong nagmamahal sa'yo.
Mapalad ka kung ang taong iyong minamahal at ang taong nagmamahal sa'yo ay iisa.
Ngunit paano kung hindi kayo nagkaroon ng lakas ng loob para sabihin sa isa't isa ang inyong nararamdaman?
May mga bagay sa mundo na kahit gustong-gusto nating maangkin, ay hindi na natin pipilitin pang makuha. Dahil alam natin na sa oras na makuha natin ito, muli ay magnanais tayo ng mas higit pa dito. Minsan ang pagtitig sa isang paru-paro na malayang lumilipad ay higit na masaya kesa sa kung kunin mo ito at ikulong na maaaring ikamatay dahil sa hindi mo kayang alagaan.
Ang kwentong inyong mababasa ay hango sa totoong buhay.
Ito ay isang kwento na nagpapatunay na ang pagibig ay hindi humihingi ng kapalit, na kaya nitong maghintay kahit alam nitong wala siyang dapat hintayin, na patuloy lamang itong magmamahal kahit na sa mahabang panahon, o magpakailanman.
Ikaw, magmamahal ka ba ng taong hindi mo alam kung mamahalin ka din pabalik?
KAHIT DI NA MALAMAN
by the_hell_i_care
BINABASA MO ANG
Kahit Di Na Malaman (BL)
Teen FictionNagmahal ka na ba ng patago? Ito ang kwento ng dalawang taong nagmamahalan ngunit hindi masabi sa isa't isa ang tunay na nararamdaman.