Chapter 35

7.2K 106 11
                                    

Nang makatungo si Renz sa sasakyan nila ni Mark ay itinaas ni Mark ang kanyang mga braso.

“Kailangan mo ba nito?” tanong niya dito, tumango lamang si Renz at agad siyang niyakap ni Mark, dito ay ipinagpatuloy ni Renz ang paghagulgol at paglalabas ng sama ng loob.

Kinabukasan habang naglalakad si Mark sa hallway ng CAS Building ay nakita niyang muli ang lalaki na nakabungguan niya noong isang araw, medyo malayo ito sa kinatatayuan niya, nagaayos ito ng kanilang bulletin board. Nilapitan niya ito.

“Ikaw yung nakabangga ko nun diba?” tanong ni Mark sa lalaki. Nabigla ang lalaki ng marinig iyon at mas lalong ikinabigla nito nang makitang si Mark ang nagtanong.

“O..oo.” kinakabahan nitong sagot sabay ayos sa kanyang salamin at ipinapatuloy ang ginagawa.

“Nakalimutan kong mag-sorry nun.. Sorry bro.” sabi ni Mark.

“Ok lang yun, no problem.” Sagot ng lalaki na naguumpisa ng pagpawisan. Tumalikod na si Mark at hahakbang na sana palayo dito ng may bigla siyang maalala.

“Teka!” sabi ni Mark nang lumingon ito muli sa lalaki. Napatigil sa paghinga ang lalaki.

“Ikaw si.. Lorenzo ba?” hindi siguradong tanong ni Mark.

“Na..aalala mo ko?” tanong ni Lorenzo. Napangiti si Mark sa patanong na sagot na iyon ni Lorenzo.

“Oo naman bro. Ikaw yata ang karibal ko sa lahat ng bagay noong high school pa tayo. Sabi ko na nga ba, ikaw yan eh! Musta na bro? Kumusta kayo ni…” natigilan si Mark nang biglang magsalita si Lorenzo.

“Hindi na kami. Matagal nay un.” Mahinang sabi ni Enzo (nickname ni Lorenzo.)

Napatango na lamang si Mark. Patago itong sinulyapan ni Enzo, habang pinagmamasdan niya ang mukha nito ay naalala niya ang mga nangyari sa kanila noong high school.

Si Mark at Enzo ay ang dalawang pinakatalentado at active sa mga school activities sa kanilang section, hindi man sila ang cream section ng 4th year, ngunit ang section nila ang nangunguna sa mga awards tuwing may events sa school, katulad na lamang ng intrams.

Halos sa lahat ng bagay ay magkaribal ang dalawa, tulad na lamang sa pag-awit, pag-sayaw at maging sa babaeng nililigawan.

Bumalik sa isipan ni Enzo sa mga sandaling iyon ang mga kabutihan na nagawa sa kanya ni Mark, tulad na lamang noong singing contest sa kanilang school. Dapat ay aawit si Enzo habang tumutugtog ng gitara, ngunit bago ito makapagperform ay biglang naputol ang dalawang strings nang gitara nito. Nakita ni Mark ang nangyaring iyon, at dahil mas mauuna magperform si enzo bago siya, ay ipinahiram niya muna ang kanyang gitara dito.

Isa pang pangyayari ay noong sabay nilang inihatid ang pareho nilang nililigawan na si Shiela sa bahay nito, nang biglang bumuhos ang napakalakas na ulan. At tanging si Mark lang ang may dala-dalang payong, hindi nagdalawang isip noon si Mark na payungan na din si Enzo at dahil malapit lang doon sa lugar ang bahay nito ay inihatid na rin niya ito pauwi.

Kahit Di Na Malaman (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon