Chapter 6

11.3K 180 7
                                    

“Ahmmm, Karen.” Tawag ni Mark. Nilingon ito ni Karen at nginitian.

“Pahiram ako ng Memory Card mo ah, kopyahin ko mga pictures ko. Ang galing mo kasing kumuha eh.” Nakangiting sabi ni Mark dito. Agad agad namang pumayag si Karen dito at nagpaalam na si Mark na papasok na siya sa room. Tuwang tuwa naman sina Karen sa pagpansin sa kanila ni Mark.

“Ang lambing niya!!” tili ni Karen. At nakitili nadin sina Betty at Marie.

“Ok class, I’ll arranged your sits.” Sabi ng prof sa Humanities pagkapasok ni Mark. Sinuri agad ni Mark si Renz na may hawak ng calculator habang gumagawa ng assignment, sunod niyang tinignan si Miko na abala sa paglalaro sa kanyang iphone.

“Baka nagkataon lang.” Sabi ni Mark sa sarili at umupo na ito sa tabi ni Miko. Tuluyan na ngang inialis ni Mark sa kanyang isipan ang mga nakitang larawan.

Natuwa na medyo nahiya si Renz sa kanilang sitting arrangement, dahil ang pwesto niya ay sa likod ng katabi ni Miko. Magkalapit ang dalawa. Ganoon din ang reaction ni Miko sa arrangement.

Ikinatuwa din ni Mark ang kanyang pwesto dahil sa likod ng katabi niya ay si Renz. Magkalapit din si Miko at Mark, may nakapagitna lamang sa kanilang dalawa, at sa likod nitong nasa gitna ay si Renz na katabi padin si Kelly.

-----------------------------------------------------------------------------------------

“AYYYY!! Karen dali magkakasama silang tatlo, picturan mo!!” sabi ni Betty nang makitang magkakasama na lumabas ng room sina Mark, Renz at Miko.

“Sayang! Hiniram ni Mark yung memo card ko eh.” Dismayadong sabi ni Karen.

CLICK! Pagkuha ni Marie gamit ang cellphone nito.

“Pabluetooth friend!” pakiusap ng dalawa kay Marie.

----------------------------------------------------------------------------------------

“San tayo magmemerienda?” tanong ni Mark na nakapagitna sa dalawa. Halos hindi naman makapagsalita sina Renz at Miko. Nakayuko lamang si Renz habang naglalakad, samantalang si Miko ay nakatingin lamang sa cellphone nito.

“Nagtext sila (kabarkada nila Mark), hintayin daw natin sila sa main gate.” Basa ni Miko sa text ng kabarkada nila.

Pumunta muna ang tatlo sa college library ng building na malapit sa main gate ng university para doon hintayin ang mga kasama. Medyo marami ang tao sa loob ng library kaya naman nakiupo lang ang tatlo sa mga first year students na gumagawa ng assignment. Nakapagitna padin si Mark sa kanila nang makaupo, silang tatlo sa isang upuan at kaharap nila ang tatlong first year students. Isinuot ni Miko ang earphones at nagpatugtog, habang si Mark ay kinukwentuhan si Renz tungkol sa barkada nila ngunit hindi ito pinapakinggan ni Renz, dahil napukaw ang atensyon nito sa mga first year na gunagawa ng assignment, napansin niya na nahihirapan sila dito kaya naman pinapanuod niya ang mga ito at naaaliw sa kanilang mga facial expression.

Ilang sandali ay nagpaalam si Mark na pupunta ng CR sandali. Patuloy padin sa pagsasounds si Miko, gayun din si Renz na ptuloy din ang panunood sa mga first year. Biglang kumuha ng papel si Renz at kinopya ang problem sa assignment ng mga ito, accounting subject ang assignment na ginagawa ng mga kaharap niya. Nang makopya na ay kumuha ito ng calculator mula sa bag at inumpisahan ng gawin ang computation.

Hindi alam ni Renz ay tinitignan siya ni Miko habang nagcocompute. Seryosong seryoso ang hitsura nito habang nagsosolve, may pakagat kagat pa sa labi na sikretong ikinangiti ni Miko. Napansin sa ni Miko sa seryosong mukha ni Renz ang kakaibang kalungkutan sa kanyang mga mata.

“Heto nanaman, sulyap ng ‘yong mata, na nagsasabing ika’y nagiisa..”


Paninimula ng awit na tumutunog sa player ni Miko habang pinagmamasdan si Renz. Ilang saglit pa’y may dumating na kaklase ng mga first year na nakiupo sa tabi ni Miko na dahilan naman upang mapausog ito papalapit kay Renz.

Hindi naman ito pansin ni Renz at halos nakalimutan na niyang kasama niya si Miko dahil napasubo ito sa sinosolve. Hanggang sa matamaan ni Miko ang ballpen nito na naging dahilan para tingnan ni Renz si Miko. Sandaling nagkatitigan ang dalawa.

“May nagmamahal nab a sa’yo, sana’y ako nalang. Lahat ibibigay sa’yo nang walang alinlangan..”


Patuloy na tugtog ng awitin sa player ni Miko.

Namumula na ang mga pisngi ni Miko nang iiwas niya ang tingin kay Renz at pumwesto ito patalikod dito. Nakaramdam naman nang hiya si Renz matapos makatitigan si Miko, kaya naman wala sa sarili itong nagsolve.

Nang matapos ni renz ang sinosolve ay tahimik niya itong ibinigay sa isa sa mga estudyanteng kaharap nito. Sinuring maigi ng estudyante ang ibinigay na solution ni Renz. Napangiti ito at agad na ipinakita sa mga kasama ang solution. Napatingin naman si Miko sa mga ito dahil sa napansin niyang nakangiti ang mga ito. Parang nabunutan ng tinik ang mga first year student ng makita ito, kaya naman  todo ang pasasalamat nila kay Renz. Nginitian lang sila ni Renz na ikinamangha naman ni Miko nang masulyapan niya ito. Unang bese niyang makitang nakangiti ito. Habang sa di kalayuan ay kitang kita ni Mark na nakatingin si Miko kay Renz na muling nagpagulo sa kanyang isipan at sandaling naalala niya ang mga larawan na nakita niya kanina, agad niya ring tinapos ang pag-alala.

“Tingin lang naman eh.” Sabi ni Mark sa sarili.

Lumapit si Mark sa dalawa kasama ang dalawa pa nilang kabarkada ni Miko na sina Vin at Gelo. Hinawakan nito si Renz sa mga balikat nito habang pinapakilala niya ito sa mga kasama.

“Tara na.” Tipid na anyaya  ni Mark  at tumuloy na sila palabas ng campus.

“Anong memeriendahin natin mga tol?” tanong ni Mark sa mga kasama. Ngunit walang sumagot sa kanyang tanong.

“Dahil ikaw ang bago sa barkada, anong gusto mong kainin?” tanong ni Mark kay Renz sabay akbay sa balikat nito na medyo ikinailang ni Renz.

“Ako? Bago sa barkada?” takang tanong ni Renz kay Mark.

“Oo, kabarkada ka na namin.” Nakangiting sagot ni Mark habang si Miko ay kunwaring nagsasoundtrip ngunit hindi naman nakaON ang player nito at lihim na pinapakinggan ang usapan nila Mark at Renz.

Tiningnan ni Renz sina Vin at Gelo na nasa unahan at nilingon naman si Miko na nasa likuran.

“Eh ikaw lang naman kaclose ko ah.” Sabi ni Renz kay Mark.

“Hayaan mo, magiging malapit din kayo ng mga yan, diba?” sabi ni Mark. Lumingon naman sina Vin at nginitian si Renz.

Kahit Di Na Malaman (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon