Habang nasa daan pauwi ay napadaan sila Miko at Renz sa tindahan kung saan sila dating nagmerienda ng turon.
“Tara Renz, kain tayo saglit, hindi kasi ako nakapagmerienda kanina eh.” Anyaya ni Miko.
“Sige.” Tipid na sagot ni Renz.
“Libre ko, pambawi lang!” nakangiting sabi ni Miko at pumili na ng bibilhin. Hindi masukat ang kaligayahang nararamdaman ni Renz sa sarili.
“Totoo ba tong nangyayari ngayon? O panaginip lang?” tanong ni Renz sa sarili habang nakatingin kay Miko. Ilang sandali pa’y lumapit na sakanya si Miko.
“Huy! Arenzo? Tulala ka?” si Miko na bitbit ang dalawang turon.
“Ahh, wala wala, iniisip ko yung quiz ko kanina.” Palusot ni Renz. Iniabot na sakanya ni Miko ang biniling turon. Bago kainin ni Miko ang kanyang pagkain ay hinati niya ito sa gitna at tinanggal ang mga langka na nakahalo sa saging.
“Ayaw mo din ng langka?” biglang tanong ni Renz ng makita ang ginawa ni Miko.
“Ahh, oo. Hehe.” Sagot naman ni Miko.
Simula kasi ng malaman ni Miko na ayaw ni Renz sa langka ay hindi na rin siya kumain ng langka.
Ginawa din ni Renz ang ginawa ni Miko sa turon ngunit laking gulat ni Renz ng makitang walang langka ang kanyang pagkain. Napangiti naman si Miko sa nakitang reaksyon ni Renz.
“Alam ko kasing ayaw mo ng langka, kaya pinili ko yung walang langka.” Sabi ni Miko sa sarili.
Itinuloy na ng dalawa ang paglalakad pauwi sa dorm habang kinakain ang mga biniling turon. Sumulyap ng matagal si Miko kay Renz.
“Bakit parang ang saya ko kapag kasama kita? Nahulog na ba talaga ako sayo?” tanong ni Miko sa sarili. Naguguluhan si Miko sa nararamdaman dahil ang alam niya ay si Rica padin ang itinitibok ng kanyang puso.
“Tok tok tok!” katok ni Lyndon sa pintuan ng kwarto nila Renz. Binuksan ni Yana ang pinto.
“Bakit?” tanong nito pagkabukas ng pinto. Napatitig naman si Lyndon ng matagal dito bago sumagot.
“Ahm, andiyan ba kuya mo? Papatulong akong magbuhat ng TV.” Tanong ni Lyndon.
“Wala man eh, gusto mo ako na lang?” alok ni Yana.
“Ok lang ba?” tanong ni Lyndon na medyo nagaalangan dahil sa babae si Yana.
“Pero may bayad!” biglang sabi ni Yana na nakangiting demonyo.
“Huh, wag na no, mukhang pera.” Pagtanggi ni Lyndon.
“Bahala ka, ikaw din.” Sabi ni Yana sabay sara ng pinto. Sinubukan ni Lyndon na buhating magisa ang TV ngunit hindi niya talaga ito magawa.
BINABASA MO ANG
Kahit Di Na Malaman (BL)
Teen FictionNagmahal ka na ba ng patago? Ito ang kwento ng dalawang taong nagmamahalan ngunit hindi masabi sa isa't isa ang tunay na nararamdaman.