“Problema kasi sayo, masyado kang mabait!” pag-alala ni Mark sa sinabing iyon ni Enzo. Hindi maalis sa isip niya ang kakaibang pagtitig sa kanya nito. Ilang sandali pa ay inalala niya din ang mga pangyayari sa nakaraan nila ni Enzo.
“Kami na ni Enzo, Mark.” Sabi ni Shiela nang maihatid na siya ni Mark sa kanilang bahay. Hindi malaman ni Mark ang mararamdaman noon, basta nalungkot na lamang ang kanyang mukha.
Kinabukasan nang makita niya si Enzo ay binati niya ito.
“Kayo nap ala ni Shiela, congratz bro.” nakangiting bati ni Mark dito sabay abot ng kanyang kamay para makipagshake hands. Tinugon naman ito ni Enzo.
“Salamat.” Sabi ni Enzo sabay sa pilit na ngiti. Pinagmasdan ni Enzo si Mark.
“Hindi ka galit sakin?” tanong ni Enzo dito.
“Bakit naman ako magagalit bro? Ginawa mo naman yung best mo, kaya deserve mo yan.” Sagot ni Mark.
Ilang sandali pa ay dumating si Shiela sa kalagitnaan ng kanilang pag-uusap.
“Oh Mark, sorry ha, si Enzo talaga ang gusto ko eh.” Sabi ni Shiela sabay yumakap sa braso ni Enzo. Si Enzo naman ay pinilit ang kanyang sarili para akbayan si Shiela. Ikinakilig naman ni Shiela ang ginawang iyon ni Enzo.
“Wala yun no, promise, wala akong sama ng loob. Tanggap ko Shiela.” Nakangiting sabi ni Mark.
“Napakabait mo talaga Mark, hindi ka nga mahirap mahalin.” Sabi ni Enzo sa sarili habang nakatitig kay Mark.
“Sige na, una na ako bro, Shiela. Congratz ulit!” nakangiting paalam ni Mark sa dalawa at tapos ay tumalikod na ito palayo. Hindi inialis ni Enzo ang tingin niya kay Mark kaya naman nabigla siya nang lumingon ito sa kanya at saka siya nginitian nito. Halos tumigil ang oras ni Enzo sa ginawang iyon ni Mark, kaya naman ibinaling nalang niya ang kakaibang kilig niya dito kay Shiela at hinigpitan pa niya ang pagkakaakbay dito.
“Ang sweet mo naman Enzo ko.” Kinikilig na sabi ni Shiela.
“Ano ba Vin, hindi ganyan yan, ang bobo mo naman! Finals na hindi mo padin alam kunin yung Mean ng grouped data. Ano ba yan pre?” inis na sabi ni Gelo habang pinagmamasdan si Vin sa pag gawa ng assignment nila sa Statistics sa loob ng library.
“Eh ba’t naman kasi kelangan ng statistics sa college!?” asar na sabi ni Vin sabay sandal sa kinauupuan at itinulak palayo ang libro at notebook sa mesa.
“Wag ka ng umangal, ganito yan oh. Una kunin mo yung yung upper limit ng class limits mo, tapos itimes mo sa frequency, yung tawag dun, fx prime. Tapos iadd mo lahat ng fx prime, atsaka mo idivide yung total fx prime sa total ng sample! Bobo!” mainit na ulong pageexplain ni Gelo sa kaibigan.
“Ikaw ang bobo, hindi naman ganun yun eh, may mali ka!” sagot ni Vin.
“Sige nga? Ano yun oh? Ano!?” pasigaw na sabi naman ni Gelo. Napansin na ng mga student assistant na naka assign noon ang kaingayan ng dalawa, kaya naman winarningan sila ng mga ito.
BINABASA MO ANG
Kahit Di Na Malaman (BL)
Teen FictionNagmahal ka na ba ng patago? Ito ang kwento ng dalawang taong nagmamahalan ngunit hindi masabi sa isa't isa ang tunay na nararamdaman.