“Kukunin niyo...” hindi pa tapos na tanong ng landlady nang sumagot agad si Miko.
“Opo.” Si Miko.
Nagbayad na din ng pangdeposit at advance payment ang magkapatid. Si Lyndon lang ang titira sa dorm ngunit napag-kasunduan ng magkapatid na doon tutuloy si Miko kapag weekend para mabantayan din ang kapatid sa mga kalokohan nito. Agad din itong pumayag sa dorm dahil sa nakita niyang doon pala nakatira si Renz.
Pauwi na ang dalawa nang mapansin ni Lyndon na nakangiting naglalakad ang kanyang kuya.
“Saya mo?” si Lyndon na maiging nakatingin kay Miko. Inialis agad ni Miko ang ngiti.
“Ha? Anong masaya? Anong pinagsasabi mo?” pagmamaangmaangan ni Miko.
“Sus.. Lipat na pala ako bukas pagtapos ng Entrance exam.” Si Renz.
“Sige samahan kita.” Si Miko.
“Wag na, ako nalang nu.”
“Basta sasamahan kita.” Pagpipilit ni Miko. Wala nang nagawa ang kapatid nito.
“Titira kaya siya dito?” kinikilig na sabi ni Renz sa sarili habang nagpapagulong-gulong sa kanyang higaan.
“Kuya, ano ba? Madaling araw na oh, magpatulog ka naman. Kanina ka pa eh, likot-likot!” naalimpungatang sabi ni Yana na nasa itaas ng double deck.
“Sorry naman.” Sabi ni Renz na mahigpit ang yakap sa unan.
Kinabukasan ay nagsimula na ang entrance exam para sa mga incoming first year.
“Shin Lyndon Jay.” Sabi ng proctor. Nagtaas ng kamay si Lyndon at kinuha ang examination folder.
“Villon Aryana.” At kinuha na din ni Yana ang sa kanya at nagumpisa na silang magexam.
Mga sampung estudyante ang nagtake ng entrance exam.
Mag-iisang oras na ng dumating si Renz sa labas ng examination room. Ilang sandali pa’y dumating din si Miko. Nginitian ni Miko si Renz ng makita ito, walang sagot si Renz. Tinabihan ni Miko si Renz sa bench na inuupuan nito. Medyo malapit sila sa isa’t isa. Ang kamay ni Renz ay nasa gilid ng kanyang mga tuhod na nakapatong sa upuan at diretso ang kanyang upo, habang si Miko naman ay hindi nakasandal at nakapausog ang katawan malapti sa tuhod, ang kamay naman nito ay magkahawak at nakapatong sa tuhod.
“Nageexam din ba kapatid mo?” tanong ni Miko. Tumango lang si Renz habang nakatingin sa quadrangle.
“Ano nga ulit pangalan ng kapatid mo?” muling tanong ni Miko.
“Aryana.” Tipid na sagot ni Renz na hindi padin tinitignan si Miko. Habang si Miko naman ay nakatitig lang dito at hinahagilap ang mukha ni Renz na natatakpan nanaman ng mga bangs nito. Ilang sandali pa’y nag-unat ng kamay si Miko at naipatong ang magkabilang kamay sa upuan sa gilid ng mga hita kung saan namang hindi niya sinasadyang mapatungan ang kaliwang kamay ni Renz na nakapatong din sa upuan.
BINABASA MO ANG
Kahit Di Na Malaman (BL)
Teen FictionNagmahal ka na ba ng patago? Ito ang kwento ng dalawang taong nagmamahalan ngunit hindi masabi sa isa't isa ang tunay na nararamdaman.