Chapter 22

7.8K 108 9
                                    

“Ano ba yan pre, kumanta ka lang, dumilim ang langit.” Sabi ni Gelo habang  nakadungaw sa salamin ng bintana kay Mark matapos itong umawit.

“Ulol! Kayo dahilan niyan, singer yata to no.” sabi ni Mark kina Vin at Gelo. Matapos umawit ay nakita niyang naghahalikan sina Miko at Rica, agad niyang tiningnan si Renz na nakatingin din sa kanila. Habang sina Gelo ay patuloy lang sa kulitan nila ni Vin sa pagawit sa videoke.

Habang magkahalik ang kanilang mga labi ay mas lalong naging malinaw ang lahat para kay Miko.

“Wala na, wala na nga akong gusto sayo Rica.” Sabi ni Renz sa sarili habang magkadikit ang kanilang mga labi. Ilang saglit pa’y inilayo na ni Rica ang kanyang labi.

“Rica. Wala na.” maikling sabi ni Miko. Namuo ang mga luha sa mga mata ni Rica ngunit hindi niya ito hinayaang tumulo  at hindi ipinahalata kay Miko.

“Actually, ako din Miko, at first akala ko I’m still in love with you, but now, hindi nap ala. Wala na din.” Nakangiting tugon ni Rica.

“Salamat Rica.” Sabi ni Miko at nagyakapan ang dalawa.

Nakita ni Mark sa mga mata ni Renz ang sakit at lungkot dahil halos  tumulo na ang namumuong luha sa kanyang mga mata na halatang tinitiis nito na hindi maiyak sa nakikita.

Kitang kita ni Renz ang mga nangyari  sa pagitan nila Miko at Rica hanggang sa di na niya matiis ang nararamdaman na selos at dali dali itong lumabas ng videoke room.

Napasulyap si Miko nang mapansin ang pag-alis ni Renz.

Nakita niya nang mapatingin sa pintuan si Mark na masama ang tingin sa kanya. Agad naman sinundan ni Mark si Renz. Ilang saglit pa ay tumayo si Miko sa tabi ni Rica at umalis para sundan rin si Renz.

“I’m sorry Miko, nagsinungaling ako. Mahal padin kita, mahal na mahal. But I guess masaya ka na sa minamahal mo ngayon.” Sabi ni Rica sa sarili nang makaalis si Miko, kasabay nito ang pagbagsak ng mga luha sa kanyang mga mata. Napansin nila Gino at Vin ang pag-iyak ni Rica kaya tinigilan nila ang pagkanta sa videoke at dinamayan si Rica.

“Aw, pre may payong kaba?” tanong ni Gelo kay Vin nang mapatingin sa bintana.

“Wala pre, bakit, umuulan?” balik na tanong ni Vin.

“Hindi, nassnow.” Biro ni Vin. Natawa naman si Rica at napatigil sa pagluha nang marinig ang biruan ng dalawa.

-----------------------------------------------------------

“Renz, Renz!!” sigaw ni Mark habang hinahabol ito. Hindi naman pansin ni Renz si Mark at dali-daling lumabas ng mall at hindi alintana ang lakas ng ulan.

“Renz, ano ba? Umuulan oh!” sigaw ni Mark mula sa silong habang si Renz ay naguumpisa ng mabasa dahil sa pagsugod nito sa ulan patungo sa sakayan ng jeep.

Hanggang sa di natiis ni Mark ang kaibigan at sumugod na din sa lakas ng ulan para lang mahabol ito.

Kahit Di Na Malaman (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon