Chapter 21

8.2K 108 13
                                    

Sa di kalayuan ay natanaw ni Renz sina Vin, Gelo, Mark at isang babae sa tabi ni Mark na nakaupo sa isang table sa foodcourt ng mall.

Nang makalapit na sila dito ay nanlaki ang mga mata ni Miko sa pagkabigla nang makita si Rica.

“Rica.. Ba’t nandito ka?” biglang tanong ni Miko.

“Ahmm nasabi kasi sakin ni Mark na gusto mo daw akong sumama sa inyo ngayon.” Nakangiting sagot ni Rica. Napatingin si Miko kay Renz na nakayuko lamang.

“Renz!” tawag ni Mark dito habang tinuturo ang bakanteng upuan sa tabi nito.

Agad namang tumugon si Renz dito at umupo sa tabi ni Mark. Habang si Miko ay naupo sa tabi ni Rica dahil yun na lamang ang bakanteng upuan. Muli ay tinitigan ni Miko si Renz.

“Ano gusto mo kainin?” tanong ni Mark kay Renz.

“Ahh, ahmm..” habang nagiisip ng sasabihin ay napatingin ang mga mata ni Renz kay Miko, at nahuli niya ang pagtitig sa kanya nito, ngunit hindi pa din inialis ni Miko ang mga tingin.

“Ah, Mark, tara samahan mo ako pumili nang kakainin, wala akong maisip eh.” Anyaya ni Renz kay Mark dahil sa nailing ito sa mga tingin ni Miko.

“Sige, tara.” Pagsang ayon ni Mark at tumungo na sila sa mga stall sa food court. Sinundan ng tingin ni Miko si Renz.

“So, kayo ulit?” tanong ni Gelo kay Miko at Rica sabay kagat sa burger. Napaisip ang dalawa sa tanong ni Gelo. Nagtinginan ang dalawa.

“Ahmm hind-“ naputol ang sasabihin ni Miko nang magsalita rin si Rica.

“Yes.” Nakangiting sagot ni Rica.

“Woah! Ayos yan. Nice!” si Vin.

Kunot na noong tiningnan ni Miko si Rica ngunit nginitian lang siya nito.

“Miko, tara tingin tayo nang makakain.” Pagaaya ni Rica. Agad tumayo si Miko bilang pagsang-ayon.

“Bakit mo sinabing tayo ulit?” tanong ni Miko nang makalayo na sila kina Gelo.

“Tayo naman diba?” sagot ni Rica habang nakatingin sa mga nakadisplay na pagkain.

“Hindi.” Si Miko. Napakunot ang noo ni Rica at tumingin kay Miko.

“So, ano ibig sabihin nung pa I miss you mo sakin and pagyakap mo sakin no’n?” tanong ni Rica. Hindi nakasagot si Miko. Napatingin naman si Renz sa kanila at napansin na parang nagtatalo ang dalawa.

Biglang hinawakan ni Rica ang  kamay ni Miko.

“Gutom at puyat lang yan, ayan oh halatang namahay ka sa dorm nang kapatid mo.” Sabi ni Rica  sabay hinalikan si Miko sa pisngi. Napangiti si Mark nang makita ang paghalik ni Rica. Nang makita ang ginawa ni Rica ay inialis agad ni Renz ang tingin sa kanila. Napansin ni Mark ang reaksyon ni Renz dito.

Kahit Di Na Malaman (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon