Chapter 14

8.6K 119 3
                                    

Walang narinig na sounds si Renz mula dito.

Unti-unti ng nakaramdam ng pagkakahiya si Renz. Namumula na din ang mga pisngi nito at napayuko.

“Kainis! Engot ko naman!” sabi ni Renz sa sarili habang nakayuko. Kinuha ni Miko mula sa bulsa ang iphone at nagpatugtog ng music sa random mode.

♫..minsan pa,
nang ako'y mapalingon,
hindi ko alam na ika'y tutugon
sa mga tanong na aking nabitawan
hindi ko alam na ito'y totoo..

(tiningnan ni Renz si Miko)

pangarap ka,
sa bawat sandali
langit man ang tingin ko sayo sana'y marating...

(napatingin si Miko kay Renz, agad namang inalis ni Renz ang tingin dito. Napangiti si Miko)


hanggang dito nlng yata,
ang kaya kong gawin
mangarap nalang
at bumulong sa hangin
kailan kaya
darating muli
ang isang sandali
na akoy lilingon muli

pangarap ka
o tinig mong kay lambing
ang iyong mga ngiti
na sa akin ay nakapag bigay pansin
ngunit ikaw ay isang pangarap lang.....

(“Pangarap lang kita Miko.. Pangarap..” sabi ni Renz sa sarili.)


pangarap ka o tinig mong kay lambing
ang iyong mga ngiti'y na sa akin ay nakapag bigay pansin..
♪♫


Tinamaan si Renz sa mga lyrics ng kanta. Kinikilig din siya sa nangyayari sa kanila ni Miko.

“Kahit ganito lang tayo. Masaya na’ko.” Nasabi nalang ni Renz sa sarili habang pinapakinggan ang awitin.

“Hindi ko alam kung bakit ganito ako sa’yo, nahulog na nga ako.” Sabi ni Miko sa sarili at sumulyap kay Renz. Nakangiting nakatingin si Renz sa malayo kaya inialis din agad ni Miko ang titig dito at ngumiti nalang.

“Oh, Renz. Andito ka na pala. Tara na!” bungad ni Mark ng makita ang dalawa sa pintuan ng music room. Nabigla ito ng makitang kasama nito si Miko. Bumuntong ng hinga si Mark bago muling nagsalita.

“Oh Miko, ba’t nandito ka?” si Mark na halatang pilit ang pakikitungo kay Miko.

“Relax Mark.” Sabi ni Mark sa sarili.

“Manunuod  sa inyo.” Si Miko. Ikinagulat ito ni Renz, kinabahan siya bigla.

Ilang sandali pa’y nag-ayos na sina Mark para simulan ang pagpapraktis. Umupo si Miko sa isang silya para panuorin ang mga ito. Iniabot ni Mark ang microphone kay Renz at ipinlay na ang minus one ng when you believe.

Nagsimula na ang awitin ngunit hindi ibinuka ni Renz ang kanyang bibig. Tumingin si Renz kay Miko.

“Lumabas ka nga!” pabirong sabi ni Renz.

“Huh? Wala naman akong ginagawa ah.” Pagtataka ni Miko.

“Yun nga eh, wala ka namang ginagawa dito, labas ka na!” nakakunot ang noo ngunit nakangiting sabi ni Renz dito.

“Ayoko.” Sabi ni Miko sabay inilabas ang dila.

Nananahimik naman si Mark sa kulitan ng dalawa. Nang hindi makatiis ay nagsalita na ito.

“Pre, please.” Malumanay na sabi ni Mark.

“Oo na, aalis na.” Sabi ni Miko at tumayo na at tuluyan ng lumabas ng music room.

Nang makalabas ito ay nag-umpisa ng kumanta si Renz.

“Many nights we pray..” paguumpisa ni Renz ngunit pinutol ito agad ni Mark.

“Wag kang magsalita Renz, kumanta ka.” Sabi nito sabay kinuha ang isang mic at sinampolan si Renz.

Muli ay sinubukan ni Renz na kumanta.

“Many nights we pray..” pinutol muli ni Mark.

“REEENZZ!” sabi ni Mark na kinakamot ang ulo.

Habang abala sa pageensayo ang dalawa, lihim naman na pinakikinggan ni Miko ang mga nangyayari sa loob. Halos sumakit ang kanyang tiyan sa kakatawa sa pagkakamali ni Renz.

Nang matapos ang ensayo ng dalawa, agad ng tumungo si Miko sa kanyang sunod na klase kung san classmate niya ulit si Renz. Masaya itong naglakad papuntang room.

Masaya si Mikong umupo at nakipagkwentuhan sa kanyang katabi. Hindi nito napansin na nasa loob na pala ng room ang professor at hinihintay lang na dumating ang iba pang mga estudyante sa kanyang klase. Ilang saglit pa’y nakapasok na ng room si Renz at umupo na sa tabi ni Tom.

Napunta lahat ng atensyon kina Miko at sa katabi nito dahil napakalakas ng kanilang kwentuhan. Hanggang sa hindi na nakapgtimpi ang prof at tinawag ang antensiyon nila Miko.

“Mr. Shin and Mr. Lacson, lumipat kayo ng upuan dito sa harapan. Ang ingay niyong dalawa, kayo lang ang hindi nagbabasa.” Galit na sabi ng Law professor sa dalawa. Nangamot ng ulo si Miko sabay lingon kay Renz na mahinang tumatawa at umiiling-iling pa.

“Kuya andito ako sa school mo, sunduin mo ko.” Text ni Yana.

Habang hinihintay ang reply ni Renz ay naglibot-libot muna ito sa loob ng university.

“San ako magbabayad ng Entrance Exam fee?” tanong ni Lyndon sa kausap sa kabilang linya.

“Hanapin mo yung cashier, magtanong ka kasi!” sabi ni Miko sa kabilang linya. Ibinaba na ni Lyndon ang linya at hinanap ang cashier.

Sa may bandang cashier ng BA Building ng university ay nagmamasidmasid si Yana at nakita ang cashier.

“Ahh dito pala ang cashier, now I know.” Sabi ni Yana. Ilang sandali pa’y may lalaking nagmamadali ang kanyang nakabanggaan.

Kahit Di Na Malaman (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon