Chapter 24

7.7K 97 11
                                    

Tumungo ang dalawa sa isang grocery store at pinuno ni Mark ang bit bit na basket ng mga iba’t ibang klaseng chichiria at kung anu-ano pa.

“Para san yan Mark?” tanong ni Renz. Imbes na sumagot ay ibinigay ni Mark kay Renz ang basket na puno ng chichiria at kumuha pa ito muli ng bagong basket.

Nang mapadpad sa lane ng mga alak ay tiningnan ni Mark si Renz.

“Alam kong may pinagdadaanan ka, IINOM TAYO!” sabi ni Mark na bahagyang nakangiti habang nakatingin kay Renz.

“Hindi ako umiinom hoy!” pagtanggi ni Renz na hitsurang nagtataka.

“Basta ngayon, iinom ka!” sabi ni Mark habang pumipili ng alak.

Nang makapili ay dumeretso sila sa counter at binayaran na ni Mark ang mga pinamili. Tapos ay nagpasundo na ito sa kanyang driver at nagpahatid sa bahay nila.

-------------------------------------------------------

Nakapatong ang baba ni Miko sa kanyang mga braso na nakapatong naman sa arm chair ng upuan. Malungkot ang hitsura nito at panay ang tingin sa orasan at sa upuan ni Renz.

“Mr. Shin. What is a Penal Clause?” tanong bigla sa kanya ng kanilang Law professor.

Nagulat si Miko dito at nagumpisang kabahan.

“What Mr. Shin? Please stand up. What did you understand about Penal Clause?” tanong muli ng prof.

Tumayo mula sa kinauupuan si Miko at nagisip ng isasagot.

“Kanina ka pa nakatingin sa likod, sino ba tinitignan mo diyan?” usisa ng prof.

“Wala naman yung tinitignan ko sir, absent.” Bulong ni Miko.

“What?” tanong ng prof ng marinig ang bulong ni Miko.

“Ahmm sir, I saida penal clause is an accessory undertaking to assume greater liability in case of breach.” Palusot ni Miko.


“Give example.”


“Sir, hindi ko pa po masyado naintindihan nung binasa ko.” Paliwanag ni Miko.


“Ok, sit down.” Sabi ng prof at ipinaliwanag na sa klase ang topic.


-----------------------------------------------------------

“DUNGK!” tunog ng shot glass na may lamang tequila ng ilapag ito pabagsak ni Mark sa mesa. Napalunok si Renz nang makita ito.

Nasa balcony sila ng bahay nila Mark, magkaharap ang dalawa na nakaupo sa bilog na lamesa. Maliit lang ang lamesa. Tinitigan ni Mark si Renz na siya namang takang takang nakatingin sa shot glass.

“Renz.” Tawag ni Mark.

Natigil sa pagtitig si Renz sa shot glass at tiningnan si Mark.

Kahit Di Na Malaman (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon